Althea's PovNakatulugan ko na ang nararamdamang inis kay Jade.Nagising ako na madilim na sa labas.Dinner na pala,kaya pala kumakalam na ang tyan ko.
Bumangon na ako at inayos ang sarili saka bumaba.Panay ang sulyap ko sa paligid nang makababa na ako.
"Are you looking for me?"Isang seductive na boses ang bumulong sa akin.Halos magtayuan ang balahibo ko dahil doon.It's Jade.Iba na ang suot niyang damit.Marahil nakauwi na siya kanina at bumalik lang para kulitin na naman ako.
"Nandito ka na naman?"Umiwas ako ng tingin at dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig.Pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng dugo sa kemerlut na to!
"No.Hindi pa ako umuuwi mula kanina."Nakasunod na siya sa akin.So,nagdala pala siya ng damit?Girlscout!I smirk.
"Why don't you bring your things here?Or live here,instead."note with sarcasm.
"Talaga?"Nangislap ang mata nito sa sinabi ko.I rolled my eyes.Ambilis maniwala,kaya ambilis maloko!Tss!
Imbis na sagutin ang tanong niya ay tinawag ko na lamang ang cook."What's for dinner?"Hindi pa ito nakakapagsalita ay naunahan na kaagad ni Jade.
"It's adobo.Your favorite."sabay wink.Nauna na akong maupo sa hapag.At gaya ng mga naunang araw,siya na naman ang nagseserve sa akin.Siguradong siya rin ang nagluto ng adobo na hindi ko naman talaga favorite.Kundi favorite ni Glaiza.
"Nasaan si Dadiyo?"Umupo ito sa tapat ko at nagsimulang kumain.
"He's busy.Late na siyang umuuwi."Maayos ko ng sagot.Isa pa iyon sa problema ko.Lately ay naging busy si Dadiyo kaya hindi kami makapagkwentuhan.Hindi ko mausisa sa kanya ang tungkol sa kanila ni nanay.
"Uhm..Jade?"Approach ko sa kanya.Siguro ito na yung right timing para malaman ko ang koneksyon nilang dalawa ni Rhian.Tumunghay siya at nagtanong,"You have a sister,right?Where is she?"Napaunat ito sa kinauupuan na parang nagulat.Pero mabilis din nawala ang pagkagulat at napalitan ito ng isang tipid na ngiti.
Jade's Pov
Nagulat ako sa tanong na iyon ni Glaiza.
*Anong nakain nya at nagkainteres siya sa buhay ko?*tanong ko sa sarili.Napangiti ako ng maisip ko na interesado na siya sa akin.Nasa getting-to-know- each other stage na kami.
"Honestly,we don't have any idea."Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko si ate Yoyon.At nalulungkot din ako sa isipin na hindi na maalala ni Glaiza na naikwento ko na ito sa kanya noong mga bata pa kami.
"What do you mean?"Tumigil ito sa pagkain at tiim na tumitig sa akin.Nababasa ko ang eagerness niyang malaman ang totoo.
"Nagkahiwalay kami noong mga bata palang kami."Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ipinamigay ng nanay ko si ate.Ayokong sumama ang tingin niya sa amin.Tutal naman nakalimutan na niya yung naikwento ko sa kanya noon.
"And?"Paghihintay nito ng iba ko pang sasabihin.
"At simula noon,hindi na kami nagkita."Mas masarap talaga sa pakiramdam na nailalabas mo ang mga bagay na nakakapagpabigat sa dibdib mo.Lalo na kung sasabihin mo iyon sa taong mahal mo.
"H-Hinahanap niyo ba siya?"Curious nitong tanong.Nacurious din ako kung bakit ganoon na lang siya kainteresado sa buhay ko.
*Gusto na rin ba niya ako?*
"Yes.Kaya nasa Pilipinas si nanay ay para hanapin siya."
"Gaano kayo nakakasigurado na makikita niyo siya?For sure,malaki na ang ipinagbago niya lalo na sa physical appearance niya."Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya.Hindi ko pa pala nasasabi kung anong klaseng magkapatid kami.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.