Jade's PovIlang araw na ang nakakalipas simula ng makabalik ako dito sa London.Hindi sumama pabalik sa akin si nanay.Naiitindihan ko siya.Gusto niyang makasama ang anak na ilang taon ding nawalay sa amin.Gusto ko rin naman makasama si ate.Hindi ko pa nga lang iyon magawa sa ngayon dahil na rin sa pag aaral ko.Hindi ko iyon pwedeng pabayaan dahil nakasalalay dito ang mga pangarap ko.
Saka ko na lamang aayusin ang misunderstanding namin ni ate.Ang mahalaga ay naroon si nanay,patuloy siyang sinusuyo.
Speaking of sinusuyo.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pangungulit ni Glaiza sa akin.Simula ng makabalik ako dito ay hindi na niya ako tinigilan ng pangungulit.
Akala ko nga kung anong nakaen niya ng unang araw na magpakita siya sa akin.At aaminin kong namiss ko siya.Pinigilan ko lamang ang sarili ko na yakapin siya kahit yun naman talaga ang gustong gawin ng puso ko.
Malinaw pa sa utak ko ang araw na hinalikan niya ako.Parang sasabog ang puso ko ng maramdaman ko ang lips niya sa lips ko.Milyong milyong boltahe ng kuryente ang dala nito sa buong pagkatao ko.Hindi ko naiwasang tumugon.You can't blame me.Kahit siguro sino ay hindi makakapagpigil kung ang taong mahal na mahal mo ang hahalik sayo.Ilang saglit akong nakalimot.Ilang saglit akong naligaw.Pero bumalik din kaagad ang matino kong pag iisip saka siya itinulak palayo sa akin.
Hindi na ako umimik habang byahe.Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa dibdib ko kapag ginawa kong ibuka ang bibig.
Naalala ko din ng minsang nakipag date ako kay David.Nabigla ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan namin dala ang order naming pagkain.Hinatak ko siya sa isang tabi at tinanong kung anong ginagawa niya sa resto na iyon at kung bakit nakasuot siya ng pang waitress.
Ngumisi lang siya sa akin saka sinabi na nagtatrabaho daw siya doon.At sinong utak ipis ang maniniwala sa palusot niya?
Hinayaan ko na lamang siya.Pabalik na ako sa table namin ni David ng bigla siyang nagsalita.
"Wag kang titikim ng food ni Devil,ok?"Saka siya umalis sa harapan ko.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.Pero binalewala ko na lamang iyon.
Nasa kalagitnaan kami ng pag didinner ng mag excuse si David na gagamit ng restroom.
Habang hinihintay siya ay sumulpot na naman sa harapan ko si Glaiza.Ngiting-ngiti ito.
"Hindi na babalik yung kadate mo."ganoon na naman ang ngiti niya at ang unggoy ininuman pa ang baso ko.Pss!
Again,hindi ko siya pinansin.Nang makabalik si David ay nagpaalam ito na uuwi na.Tagaktak ang pawis nito sa noo.Sabi niya ay sumama daw ang timpla ng tyan niya kaya mauuna na siyang umuwi.
Ibinilin pa niya ako kay Glaiza.Na sa mga oras na iyon ay hindi nawawala ang nakakalokong ngiti.
"Okey dude.I'll take care of her."tuwang tuwang sabi pa nito kay David bago umalis ang huli.
Sa huli ay kaming dalawa ang nakapag dinner.
At bago lumabas ng resto,nakita kong inabutan niya ng pera ang isang waitress doon.Nag thumbs up pa siya.Ang galing talaga sa kalokohan!Tss!
Hindi ko alam kung matutuwa o mag woworry ba ako sa pangungulit niya.Gusto ko ang idea na baka gusto na rin niya ako.Pero binubura ko kaagad iyon sa isip ko lalo na kapag naaalala ko ang sinabi niya noon.Na hinding hindi niya ako magugustuhan.
Siguro isa pa rin ito sa mga laro niya.At hinding-hindi na ako magpapakatanga.Hindi ko na hahayaang maulit ang paglalaro niya sa emosyon ko.
Hanggat kaya kong pigilin.Gagawin ko.Dahil hindi ko na kakayanin ang pangalawang heartbreak lalo na kung isang tao lang ang dahilan nito.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.