Althea's PovIlang araw ang nakalipas simula ng maging official ang relasyon namin ni Jade.Masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng nilalang sa mundong ibabaw,dahil bukod sa MAGANDA AKO,may maganda at mabait din akong girlfriend.
Halos araw araw kaming nagkikita.Ewan ko ba at parang hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko.Hindi ko kayang hindi marinig ang boses niya.
Ganito pala ang totoong nagmamahal.Isa itong sumpa na hinding hindi ko pinagsisisihan.
Alam na rin ni Dadiyo ang relasyon naming dalawa.Masaya siya para sa amin.
Wala na talaga akong mahihiling pa bukod sa isang kumpletong pamilya.At alam kong darating din ang bagay na iyon sa akin.
Pagkatapos kong ipark ang sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng bahay nina Jade.Malaya ko na iyong nagagawa dahil girlfriend ko naman ang may ari ng bahay.Yiie..girlfriend!Ang sarap sa feels.
Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto niya.Nandito ako ngayon dahil may surprise daw siya sa akin.Nacurious naman ako kaya minadali kong pumunta dito kahit na mamaya pa ang usapan naming dalawa.
"Love-love?"Kumatok ako sa pinto saka binuksan iyon.Walang Jade akong naabutan.
Pumasok ako ng tuluyan.Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo.
*Hmm naliligo pala siya.*Napasmile ako sa isipin na nagpapabango siya para sa akin.Hihi
Pinagmasdan ko ang paligid ng kwarto niya.Malaki iyon at nakakatuwa na malinis ito.May mga babae kasi na burara sa kwarto.
Nahagip ng mga mata ko ang payong na nakasabit malapit sa closet niya.
Teka,parang pamilyar..
Lalapit na sana ako ng magsalita si Jade.
"Love,ikaw ba yan?"Huminto ang lagaslas ng tubig.Umupo naman ako sa gilid ng kama niya.
"Yes,love.Ano yung surprise mo sa akin?"excited kong tanong.
"Atat lang?"Natatawa niyang sabi.Nagpout naman ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Eh ano ba kasi yon?"Sumandal ako sa head board ng kama habang hinihintay siya.
"Basta.Just get ready,uhm k?"Bakit ba ang tagal niyang lumabas.
"Clue?"Hindi talaga ako matatahimik hanggat hindi ko iyon nalalaman.
"Masarap yon."Napalunok ako sa sagot niya.
*Mesherep daw?Juicecong mahabagin!*
"A-Ano pa?"nagawa kong itanong.
"Hinding-hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo."Napaangat ang pwet ko sa sinabi niya.
*A-Ano d-daw?Juiceco!Mukhang may idea na ako kung ano yung surprise niya.Kayo ba?*
"Y-Your third clue?"Napapalunok ko pa ring tanong.
"Tingnan mo palang,maglalaway ka na."Natatawa niyang sagot.Napatayo na ako sa sinabi niya.
*Homaygad!Homaygad!*Para akong buntis na naglalabor.
"Another clue.It's start with the letter S."Tawa siya ng tawa.
*S?As in capital Ssssssssss..*Naipaypay ko ang sariling palad sa mukha ko.Feeling ko uminit sa kwartong ito.
Napatigil ako at napakagat labi ng maimagine ko ang itsura niya sa loob ng banyo na iyon.Naalala ko na naman ang porn video na napanood ko.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.