CHAPTER 12

2K 105 4
                                    

"Sino po kayo?"Tanong ng batang babae pagmulat pa lamang ng kanyang mata.Dalawang tao ang nasa harapan niya.Isang babae at isang lalaki na mukhang mag asawa.Mukhang mayaman ang mga ito base na rin sa pananamit.

Iginala ng batang babae ang mga mata niya.Naroroon na naman siya sa ospital.Sakitin siya.Mahina ang puso niya kaya madalas sIyang dalhin doon ng nanay Clara niya."Nasaan po si Nanay?"tanong niya ulit ng mapansing wala ang kanyang ina at ang kapatid.

"Hija,iniwan kana sa amin ng nanay mo."Sabi ng ginaNg kaya natabig niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.

"Hindi po totoo yan!"Napataas ang boses niya dahil sa sinabi nito.

"Hija,totoo ang sinasabi namin.Kami na ang pamilya mo ngayon."Mahinahong sabi ng lalaki sa kanya.

Umiling iling ang batang babae."Hindi totoo yan.Nagsisinungaling po kayo."Hindi na niya mapigilang mapaiyak.

"Matatanggap mo rin ang lahat.Hayaan mo,mas magiging maganda ang buhay mo sa amin.Ibibigay namin lahat ng gusto mo."Pangungumbinse sa kanya ng dalawa.

"Ayoko po!Ibalik niyo na po ako sa nanay ko."Akmang babangon siya pero pinigilan siya ng mag asawa.

"Please,hija makinig ka.Wala na ang nanay at kapatid mo.Iniwan kana nila."Napatigil ang batang babae sa pagwawala ng marinig ang huling sinabi ng dalawa.

Napatingin siya sa mag asawa."Hindi nila yon magagawa sa akin.Mahal nila ako!"Nagbabaga ang mga mata niya sa galit.Alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang ina,maging ng kapatid niya.

"Totoo ang sinasabi namin hija.Ipinagbili ka nila sa amin at nagpakalayo-layo na sila."sabi ng lalaki.

"Hindi!Hindi!"Paghihisterikal na naman niya.Sa batang isipan  ay hindi niya maabsorb ang sinasabi ng mga ito.Hindi niya kayang isipin na ipagbebenta siya ng kanyang ina at iiwan siya sa mga taong hindi man lang niya kilala.

Hindi nila iyon magagawa sa akin.Babalik sila.Hihintayin ko sila dito.Pangungumbinse niya sa sarili.

"Sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas.Uuwi na tayo sa mansion,hija."Pambabalewala nito sa paghihisterikal niya.

"Hindi po ako sasama sa inyo!Doon ako sa kubo namin uuwi!Hihintayin ko po sila!"Matigas niyang sabi.

"Pero hija,hindi na sila babalik.Kami na ang pamilya mo ngayon."

"Hindi!Sila lang ang pamilya ko."Bumangon ang batang babae habang tinatagtag ang mga aparato sa kamay niya.

"Hija,makakasama sayo yan!"saway ng ginang pero hindi siya magpapaawat.Kailangan niyang makauwi sa kanila.Kailangan niyang makita ang dalawang tao na napakaimportante sa buhay niya.Nakababa siya ng kama habang pigil-pigil pa rin siya ng dalawa.

"Hija,huminahon ka."sabi ng ginang.Gusto na niyang umuwi.Gusto na niyang makita ang pamilya niya."Nurse!Nurse!"

"Uuwi na po ako sa amin."Tinatagtag niya ang kamay na nakahawak sa mga braso niya habang patuloy sa pag iyak.

Hanggang pumasok na ang dalawang nurse kaya lalo siyang nagwala."Please,gusto ko na pong umuwi!"Pilit siyang pinahihiga ng dalawang nurse at sa kawalang pag asa ay napasigaw na siya habang paulit ulit tinatawag ang nanay at kapatid niya.

"Nanay!Jaja!!!"

"Nanaaay!"

"Jajaaaa!"

Sigaw siya ng sigaw hanggang maramdaman niyang may kung anong tumusok  sa katawan niya at nawalan na siya ng malay.

Rhian's Pov

"Nanay..Jaja.."

"Nanaaaay..Jajaaaa..hmmm."

"Mam?Mam Rhian?"

"Huh!!!"Napastraight ako ng pagkakaupo ng magising sa isang bangungot.

"Mam,okey lang po ba kayo?Nagsisigaw po kayo kanina habang natutulog."Nag aalalang tanong ni Jasmine.Isa sa mga crew ng shop.

"Uhm y-yes.Masama lang ang napanaginipan ko."Tumango lang ito saka ako iniwan sa office.

Tiim bagang ako ng maalala ang panaginip ko.I bit my lower lip at pinipigil ang nagbabadyang pag iyak.Hindi na ako iiyak.Hinding hindi na tutulo kahit isang butil ng luha sa mga mata ko.Magpapatunay lang iyon ng pagiging mahina.

Ikinurap-kurap ko ang mga mata para maiwasan ang pag iyak.Hindi ko hahayaang maging mahina muli ako.Hindi na ako babalik sa dating ako.

Sa dating si Rhian Howell.Isang batang sakitin at iyakin.Isang batang mahina at palaging takot.Hindi na ako babalik sa labintatlong taong gulang na bata na iniwan ng sarili niyang pamilya.O mas tamang sabihing ipinagbenta ng sarili niyang ina.

Nag gatilan ang mga ngipin ko sa labis na galit ng maalala ang nakaraan.Ang daming kong tanong noong iniwan nila ako.Hindi ba ako mabuting anaK?Hindi ba ako mabait na ate?Bakit kailangan ako ang Ipagbili ni nanay?Bakit hinayaan ni jaja na magkalayo kami?Hindi ba sila nakuntento sa buhay na meron kami noon?Na oo kahit na mahirap lang kami,buo naman kami at nagmamahalan.At kung bakit nila ako iniwan?!

Mga tanong na ako na rin mismo ang sumagot.Na siguro Mas mahal ni nanay si Jaja kaya okey lang na ako ang mawala.At okey lang din kay Jaja na mawala ako para wala na siyang kaagaw sa atensyon ni nanay.Hindi nila ako mahal.Yan ang sagot na paulit ulit kong isinisiksik sa utak ko hanggang sa paglaki ko.

Siguro nagpapasarap na sila sa pera na nakuha nila kay Dady at Momy.Sa perang pinagbentahan nila sa akin.Nakuyom ko ang palad sa labis na sakit at galit.

Ang pagtanaw ko sa nakaraang iyon ay isang bangungot para sa akin.Isang bangungot na ayaw ko ng balikan.

Ako na ngayon si Rhian Ramos.Adopted child ng mag asawang Miguel at Isabelle Ramos.Isang florist.Matapang at palaban na babae.Isang babaeng independent.BAbae na mas matigas pa yata ang puso sa bakal.

Yes,bukod kay Althea ay wala na akong ibang pinapasok sa buhay ko.Siya lang ang kaisa-isahang tao na pinagkatiwalaan ko bukod kay Dady at Momy.Pero kahit isang beses ay hindi pa niya ako nakikitang umiiyak.Kaya naman humahanga siya sa akin dahil sa pagiging matapang ko.Madalas ako ang magcomfort sa kanya lalo na kapag iniiwan siya ng mga lalaking minahal niya.Nagpapasalamat din ako dahil may isang Althea sa buhay ko.Siya ang nag iisang bestfriend ko.Hindi man niya alam ang lahat sa akin,which is sinadya kong hindi ipaalam dahil ibinaon ko na rin naman iyon sa limot.

Lahat ng tao ay itinuring kong kaaway.Kaaway na anytime ay sasaktan lang din ako kagaya ng ginawa sa akin ng nanay at kapatid ko.Natakot na akong magtiwala dahil natakot na akong masaktan.

Lahat ng tao sa paligid ko ay alam ang pagiging yelo ng puso ko.Madalas akong tawaging ice queen lalo na ng mga lalaking nagkakagusto sa akin.Wala akong sineryoso lahat sa kanila kaya masasabi kong wala pa akong nagiging boyfriend kahit isa.Dahil ang totoo,iba ang definition ko sa salitang "love."

Love?Para lamang iyon sa mahihinang tao at hindi ako mahina.Pinalakas ako ng mga taong naging dahilan kung bakit ako mahina noon.

At hindi ko hahayaang makita ng iba ang soft side ko.Si Rhian na palaging takot at ayaw mag isa.Si Rhian na naghahanap ng pagmamahal.Walang ibang pwedeng makakita niyon maging si Althea.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now