CHAPTER 31

1.9K 108 4
                                    


Althea's Pov

Halos manghaba ang leeg ko sa pag sightsung kung nasa loob na ng malaking bahay na iyon si Jade.Nainform sa akin ni Glaiza na nakabalik na raw ito galing Pilipinas.

This is my time to shine.Lol

Hindi ako papasukin ng guard doon dahil wala daw si Jade sa loob ng bahay.Pero may hinala ako na pinagtataguan lang niya ako.At hindi ako aalis sa harapan ng malaking gate na iyon hanggat hindi kami nagkakausap na dalawa.Sayang naman ang chocolate at flowers na dala ko.Isa iyon sa turo sa akin ng magaling kong kapatid.

Inip na inip na ako habang naghihintay sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang isip na akyatin ang malaking gate roon.Inilapag ko muna ang dala-dala ko saka umakyat na parang unggoy.

"What are you doing?"Ang boses na iyon ang ikinabigla ko kaya nahulog ako sa pinag akyatan.

"Ouch!"daing ko habang hawak-hawak ang pwet.Saka ko narealize na
nabagsakan ko pala ang chocolate at flowers na dala ko.

*Pag minamalas ka nga naman!Bwiseettt!*

Tumayo ako na sapo pa rin ang nasaktan kong pwet.

"I'm asking you,what are you doing here?"Saka ako napatingin sa nagsalita.

Nagkulay suka ang mukha ko ng makita ko si Jade na magkasalubong ang kilay.Naka pang jogging ito at tagaktak ng pawis.But still,she's so hot and beautiful.

*God,I missed her!*

"Ah eh.."Wala akong mahanap na salita.Nakapagpractice na ako ng sasabihin ko pero bakit parang umurong ang dila ko.

Hindi ko na Kinuha ang chocolate at flowers dahil mukha na iyong basura.Wala ng silbi.

"Kasi ano..ano.."Please Althea.Say something.Nasa harapan mo na si love of your life.

"Ano?!"Naiinip na tanong nito.

"Kasi.."

"Pwede ba Glaiza,umalis ka na kung wala kang sasabihin."Tinalikuran na niya ako at pumasok sa malaking gate.Sumunod ako sa kanya.Tangka pa sana  akong pigilan ng guard doon pero binigyan ko siya ng death glare.Makuha siya sa tingin!

Nang makarating sa pinto ay naiirita siyang bumaling sa akin.

"Ano ba talagang kailangan mo?"Nakapamayawang na siya sa akin.

"G-Gusto ko lang s-sanang sabihin na..na.."Jeskelerd!Bakit ngayon mo pa tinanggal ang dila ko!

"Na?"Taas kilay niyang tanong.Mukhang nauubusan na ng pasensya.

"G-gusto kong sabihin na ma--"

"Ma?"Ulit niya habang hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko.

"S-Sasabihin ko na ma--"Napalunok ako.Bakit ba hindi ko masabi na mahal ko siya.Bwisseeet!

"Nauubos na ang pasensya ko,Glaiza!"Inis niyang sabi.

"Madam,breakfast is ready."Epal ng cook sa usapan naming dalawa.

Tumingin muna si Jade sa akin saka akmang papasok sa loob.

Naalerto ako kaya nasabi kong,"Gustokosanangmakikaensainyo."Mabilis kong sabi na ikinalingon niya.

"What?"Kunot noong tanong niya.

"G-Gusto kong ma---makikaen.Oo tama.Makikaen sa inyo."Ow God!Althea!Ano na namang katangahan yan!Gustong-gusto ko ng batukan ang sarili ko sa mga oras na ito!

X + X = Y not?Where stories live. Discover now