CHAPTER 28

1.9K 99 7
                                    

Althea's Pov

"Hello,big sis?"Masayang bati ni Glaiza sa kabilang linya.

"Oh hi.How's your vacation?"Pinilit kong pasayahin ang boses.Ayokong mahalata niyang may dinaramdam ako.

"Okey naman.Nag enjoy kami.Lalo na yung dalawang itlog.Hayun nga at hinatid ko sa airport.Ayaw pa sanang umuwi."Tatawa-tawa pa nitong pagkwekwento.

"That's good.How about si nanay?Kamusta siya?"May mga pagkakataon talaga na namimiss ko na si nanay.Lalo pa ngayon.Ni wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.

"She's doing fine.Nawiwili sa ballroom."Sagot nito.I assume that she's driving dahil Naririnig ko ang ingay ng mga sasakyan sa background niya.

"Si besty,kamusta?Nagkakasundo na ba kayo?O puro away na naman."Tumahimik siya sa tanong na iyon.

Narinig ko ang buntong-hininga niya saka muling nagsalita.

"Althea?"Seryoso ang boses niya na ikinakunot ng noo ko.Hindi ako sanay na ganito siya."I have something to tell you."Oh my!Don't tell me may kapalpakan na naman siyang ginawa!

"Ano yun?"Kinakabahang tanong ko.

"I'm inlove."Sa sinabi niya ay napatawa ako ng malakas.

*Hay!Akala ko naman kung ano na!*Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala problema ang dala niya.

"And who's the unlucky girl?"Pang aasar ko pa sa kanya.Hindi ko naman problema kung inlove siya.Lahat naman ay may karapatan doon.Pero syempre mas magiging maayos ang lahat kung matatapos muna namin ang plano bago siya pumasok sa isang relasyon.

"Make sure na hindi siya makakahadlang sa mga plano----"

"I'm inlove with your bestfriend."Sa sinabi niya ay napatigil ang pagsasalita ko.

"What??"Nabingi yata ako sa narinig ko.Hindi totoo ito!Mali ang narinig ko!

"Kami na ni Rhian,Althea."

"WHAT??"Lalong napalakas ang boses ko.At malinaw na sa pandinig ko ang mga sinabi niya.

*She's inlove with Rhian?At sila na daaawwww?Please...gisingin niyo ako sa panaginip na ito!*

"I'm sorry,Althea.I tried to supress it but I can't!"Halata ko ang paghihirap sa boses pa lamang niya.

"Oh My God,Glaiza!Alam mo ba 'tong pinasok mo?"Natataranta ko ng sabi.Paikot ikot ako kahit wala naman talaga akong direksyon.

*Hindi na ba matatapos ang komplikasyon na to?Hindi pa nga ako tapos sa isa,meron na naman!Ahhhhhh!!!!!!!*Nasubunutan ko na naman ang sarili ko sa sobrang frustration.

"Alam ko at sa totoo lang..ayoko ng lumabas."Napaupo ako dahil sa sinabi niya.Ngayon ko lang narinig na ganito kadesperada si Glaiza at masasabi kong inlove na nga siya.Hindi na siya nakakapag isip ng matino.Mas pinapairal niya ang puso niya.

"Pero Glai,ikaw ay ako ngayon.Hindi mo ba naisip na ang pangalan ko ang minamahal niya at hindi ikaw?"Tumahimik muli siya habang naghihintay lamang ako ng mga sasabihin niya.

"Handa akong maging ikaw habang buhay,Althea."

"Are you kidding me?!"Hindi ako makapaniwalang si Glaiza ang kausap ko ngayon.Ang playgirl at walang puso sa babaeng si Glaiza.At ang isa ko pang hindi mapaniwalaan ay kung paano nainlove ang straight na si Rhian sa kanya.Ngayon ako naniniwalang gender bender nga ang kapatid ko.

"Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka na."Naisip ko si Jade dahil sa sinabi niya.Ngayon ko napatunayan na walang imposible sa love.Maging ako kasi ay naibend na ng love na yan.Pareho na kami ngayon ni besty,baluktot.Sigh.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now