CHAPTER 7

2K 122 5
                                    

Glaiza's Pov

Pasipol-sipol pa ako pagpasok ng Flower shop.Naabutan kong paalis na ang mga crew na naroroon.

"Hi Mam,magandang gabi."bati nila sa akin.Ngumiti ako ng ubod tamis.Good mood ako ngayon dahil sa bulaklak na kasama ko kanina.Hihi

"Where's Rhian?"itinuro naman nila ang office kung saan ito naroroon.

"Hi,besty(iww)."bati ko ng makapasok ako ng office.Tiningnan lang niya ako ng masama saka ibinaling ang tingin sa ginagawa.

Anyare?As far as I remember,siya ang may atraso sa akin.

Umupo na ako sa trono ko habang pasipol-sipol pa.Napatayo lang ako kaagad ng tumayo siya at akmang aalis.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na!"bulyaw niya sa akin bago lumabas ng office.Ano bang problema ng isang iyon?

Lumabas na rin ako at nakita ko siyang kausap ang ibang crew.Mukhang nagbibilin.Nang mapatingin siya sa akin ay inirapan niya lang ako saka dabog na lumabas ng shop.

"May L.Q po?"pabirong tanong ng isang crew.Tiningnan ko ang name niya,it's Joel.

"Oo,hindi nadiligan."sabay alis ko sa harapan nila para habulin si Rhian.Malalakas na tawa ang narinig ko bago ako makalabas ng shop.Lage na lang nila akong pinagtatawanan. *pout*

"Besty?"tawag ko sa kanya pero agad lang siyang pumasok ng kotse niya.Sumunod naman ako at umupo katabi niya.Hindi siya umiimik habang nasa byahe kami.Okey na rin iyon,atleast walang madaldal.

"Saan mo gustong mag dinner?"walang gana niyang tanong.Hindi man lang ako tiningnan.

"Nag dinner na ako."walang gana ko ring sagot.Akala niya,huh!

"At sinong kasama  mo?"Yung totoo,nanay ko ba siya?

"Yung costumer natin kanina."Oo,pagkatapos niyang magbayad ay ininvite niya akong kumain sa labas.Sino ba naman ako para tumanggi?Ang palay na ang lumalapit sa manok,hindi ko pa ba tutukain?Hihi.Siya rin ang naghatid sa akin pabalik ng shop dahil wala naman akong dalang kotse.Di ba nga kasabay ko si Rhian ng pumasok?At hindi ko rin naman alam ang pasikot-sikot dito.

"Kaya pala bigla ka na lang nawala,ni hindi ka man lang nagpaalam."So nanay ko pala talaga siya."Ni hindi mo man lang naisip na nag aalala ako."may halong pagtatampo ang boses nito.

"Paano ba naman ako magpapaalam sayo,galit ka sa akin kanina.Nilait mo pa yung ginawa ko."Akala yata niya siya lang ang marunong magtampo.

"Sana man lang nagtext ka o tumawag.Hindi yung naghihintay ako sa wala."Sumulyap siya sa akin kaya nababakas ko sa mga mata niya ang sobrang inis.

"Okey,sorry na.."Hinawakan ko ang kanang kamay niya na nakahawak sa manibela.Naramdaman kong nabigla siya at napatingin sa akin.Agad kong binawi ang nakahawak kong kamay."Here."ipinatong ko sa lap ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain."Nag take out ako ng food para sayo at kay nanay."Oha,Hindi ako ganun kasama gaya ng iniisip nyo.Nakita kong sumungaw ang ngiti sa labi niya kahit tutok siya sa pagmamaneho.

Hindi na siya umimik habang nasa  byahe kami.Pinagmasdan ko na lamang ang mga nadadaanan namin.Bakit parang hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay?Ang dilim-dilim pa.Hindi kaya galit pa rin siya sa akin at balak niya akong patayin dito?Juicecupo!Hindi na masusundan ang date namin ni Kyle pag nagkataon.

"Nasaan tayo?"Di ko maiwasang itanong.Lumingon siya sa akin saka ngumiti.Hayhayhay..ang gandang murderer naman nito.Naputol lamang ang pagtitig ko sa maganda niyang mukha ng huminto ang sasakyan.Dali-dali siyang bumaba kaya napababa na rin ako.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now