CHAPTER 19

2K 111 22
                                    

Jade's Pov

"Madam,everything's ready."Nakangiting sabi sa akin ng isa sa maid namin.

"Thank you."Pagkasabi niyon ay pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis.

Excited na ako ngayong gabi dahil may date kami ni Glaiza.Date daw oh.Hihi

Ininvite ko siyang mag dinner dito sa bahay,at sobrang saya ko na pumayag siya.

Lately ay mas nagiging close kami.At nakakatuwa na may mga side siya na
ngayon ko pa lang nadidiscover.

Okey,sasabihin ko na sa inyo ang totoo.Glaiza is my first love.Yes,matagal ko ng tanggap na bisexual ako.Simula iyon ng makilala ko si Glaiza.Kung paano?

Napatingin ako sa pink na payong sa tabi ng closet ko.At isang napakagandang ngiti ang sumilay sa pisngi ko.

Flashback

Umuulan.Umiiyak rin siguro ang langit.Nakikisabay sa lungkot na nararanasan ko ngayon.

Wala pa naman akong payong.At hindi rin naman ako makakapagsakay sa kadahilanang wala akong pamasahe.

Buntong-hininga.

Nakadagdag pa sa lungkot ko ang mga kaklase ko na walang ginawa kundi ibully ako.Ngayon nga ay para akong pulubi dahil ang uniform kong puti ay naging putim na.Ikaw ba naman ang tapunan ng kung anu-ano.Akala siguro nila basurahan ako.

Buntong-hininga.

Napatingin ako sa langit habang nagpapatila ng ulan.

Sana nandito ngayon si ate.Siya kasi ang wonderwoman ng buhay ko.Ang nagtatanggol sa akin satwing binubully ako dahil sa pagiging nerd ko.Ang kaso,wala siya dito.Wala siya sa tabi ko at hindi ko alam kung magkikita pa kami.

Sumabay sa pagpatak ng ulan ang luha sa mga mata ko.Namimiss ko na si ate.Namimiss ko na ang kakambal ko.

Tumingin ako sa paligid.Mga estudyanteng sinusundo ng nanay nila.Mga estudyanteng de kotse.Mga estudyanteng naglalakad pauwi habang nakapayong.Saan ba ako nabibilang?Ah..siguro wala sa nabanggit ko.

Hindi naman kasi ako sinusundo ni nanay.Simula ng mawala si ate,hindi na rin ako nag eexist sa buhay niya.Wala din naman akong kotse dahil hindi naman kami mayaman.Lalo pa't walang trabaho ngayon si nanay.Heto nga at kulay tsokolate na ang balat ko dahil sa pagtatrabaho.Nagtitinda ng kung anu-ano para mabuhay.Lalo namang hindi ang mga estudyanteng nakapayong,kasi wala naman akong payong na dala.

Hahaha..

Minsan kailangan mo na lang pagtawanan ang mga nangyayari,maganda man ito o hindi.Wala naman kasing mangyayari kung magmumukmok lang.Walang mangyayari kung palagi mong sisisihin ang mundo dahil sa sinapit mo.

Mukhang walang planong tumigil ang ulan.Siguro hahayaan ko na lang mabasa ako.Kaysa naman maghintay ng pagtila nito.

Inilagay ko sa isang plastik ang mga notebook ko.Saka muling isinuksok sa bag.Nag umpisa na akong maglakad para maagang makauwi.

Mas lalong lumalakas ang ulan.

Nagpatuloy pa rin akong maglakad habang nakatungo.Nakatingin sa sapatos kong mukhang iiwan na rin ako.Lol

"Are you sick?"kasabay ng boses na iyon ay naramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan.Tumunghay ako at nagtama ang mata namin ng estrangherang babae na may hawak na pink na payong.Nakangiti sa akin ang mala anime niyang mga mata.Mas lalo akong gininaw hindi sa lamig kundi dahil sa mga titig niya.Mahaba ang straight nitong buhok.Nakasuot ito ng high school uniform.Nakilala ko ang uniform nito.Uniform iyon ng mga estudyanteng nag aaral sa isang pribadong eskwelahan.Ibig sabihin,mayaman ang babaeng katabi ko ngayon.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now