CHAPTER 38

1.9K 110 6
                                    


Althea's Pov

"Next time love,dun naman tayo magdate sa bdkdjjenwmjzznsbs.."Hindi ko na naiintindihan ang idinadaldal ni Jade sa akin habang nandito kami sa favorite naming resto.Halos malibot na namin ang buong London sa paglalakwatsa.Pinuntahan ang mga tourist spots at tinikman ang mga delicacies nila.

"hsidmelelekrlrk."Again,hindi ko naiintindihan ang sinabi ni Jade.Okupado ako ng mga tanong sa isip.Andami rami kong what if's.

Sabi ni Dadiyo ay sabihin ko na kay Jade ang totoo bago man lang kami umuwi ng Pilipinas.Pero paano ko ba sisimulang sabihin ang totoo kung ang kapalit nito ay ang posibilidad na mawala siya sa akin.

Tumitig ako sa maamo niyang mukha.Nakangiti siya habang nagkwekwento sa akin.

*Paano ko ba magagawang saktan ang ganito kabuting tao?*

Paano kung sa pagsasabi ko ng totoo ay hindi ko na makita ang magaganda niyang ngiti?Ang mga halakhak na sadyang nakakapagpaganda ng araw ko.Ang yakap na nagpapagaan ng loob ko.Ang mga halik na nagreremind sa akin na napakaswerte kong tao.Napakaswerte ko dahil isang Jade Tanchingco ang inihulog ng langit para sa akin.

"Hey,love.Are you listening?"Pumitik siya sa harap ko kaya para akong nagising sa isang panaginip.Isang napakagandang panaginip kasama ang isang napakagandang diwata.

"Ha?Ah oo naman."Nakangiti kong sabi saka ininom ang wine sa harapan ko.

"Is there something wrong?Kindly tell me,maybe I can help."Nag aalalang tanong niya sa akin.Napansin rin niya siguro ang pagkabalisa ko mula pa kanina.

"Wala,love."Nag iwas ako ng tingin."May naisip lang ako."

"Ano yun?O sino yun?Naku,love.Wag mong sabihing babae!Hindi lang sampal ang matitikman mo sa akin!"Napangiti ako sa sinabi niya.Selosa.

"Hahaha..nu ka ba!Syempre hindi.Ikaw lang ang nag iisang babaeng mahal at mamahalin ko."sincere kong sabi sabay hawak sa dalawa niyang kamay na nakapatong sa table.

"Thank you,love.I am so much blessed dahil may isang katulad mo sa buhay ko."Ngumiti ako ng ubod tamis sa sinabi niya.Pinisil pa niya ang kamay ko na lalong nagpakislot sa puso ko."I love you,Glaiza Galura."Nawala ang malapad kong ngiti kanina.Napalitan iyon ng lungkot.

At isang reyalidad ang parang pumukpok sa ulo ko para matauhan.

*Hindi ako ang minahal niya.Hindi si Althea Guevarra!*

"Uhm love..m-may gusto sana akong s-sabihin sayo.."Mukhang nagkabuhol buhol ang dila ko.At ang tibok ng puso ko parang tambol sa sobrang lakas.Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya saka siya tiningnan ng deretso.

"L-Love..I am not..I am.."Please Althea!Magsalita ka!Please."I'm not Gla--"

Ring

Ring

Pareho kaming napatingin sa cellphone niya sa ibabaw ng lamesa.

"Wait love.Sagutin ko lang to,okey?"Hinila niya ang kamay niya na hawak ko para masagot ang tawag.

Gusto ko siyang pigilan dahil baka kapag hindi ko pa sinabi sa kanya ang totoo ay mawalan na ako ng lakas ng loob.

Tumayo siya at lumayo ng konti.Nasundan ko na lang siya ng tingin.

"I am not Glaiza.My name is Althea."Bulong ko sa hangin habang nakatanaw pa rin sa kanya.Ni ayaw kong ihiwalay ang mga mata sa kanya,dahil nakakatakot na baka sa paglingon ko ay wala na siya sa paningin ko or worst wala na siya sa buhay ko.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now