CHAPTER 16

2.3K 110 7
                                    


Glaiza's Pov

2 days.Two days nang hindi pumapasok si Rhian simula ng magtalo kami.At two days na ring nasasayang ang flowers at breakfast na dinadala ko sa office para sa kanya.

Hindi ko siya pinuntahan sa condo niya.Gusto ko rin munang makapag isip kung ano ba tong nararamdaman ko para sa kanya.Bakit ba ako nagsasayang ng effort na makipagbati sa bestfriend ng kapatid ko.

Bestfriend ng kapatid ko.

I sigh.

Uh-Oh.

Para saan ba ang buntong-hininga na iyon?Siguro dahil bestfriend nga siya ng kapatid ko.

Eh ano naman?

Hindi ko siya pwedeng maha-nevermind!

We live far off  each other,siguro para sa kanya ilang kilometro lang iyon.But for me,the distance seemed light years away.Siguro para sa kanya dalawang araw lang iyon.But for me,it seemed forever.I wonder if she misses me.

Pfffttt.Hahahaha..

So cheesy!Ako ba talaga to?Kailan pa naging korni ang isang Glaiza Galura?Again,is this really "me"?Please..sabihin niyong hindi!

Kailan pa  ako natutong magmahal?

wait.WHAT?Love?

Love is Rhi--ahm a game?

Yes,a game!

Love is a game.

Di ba iyon naman ang paniniwala ko?Dahil sa totoo lang,hindi pa ako naiinlove.At never akong nainggit sa mga taong inlove.For me,loving is about giving your heart to someone and letting her invade your privacy,which is I hate the most.Ayokong may nakikialam ng mga gusto at hindi ko gustong gawin.Kaya nga ako umalis sa poder ni Dadiyo.Coz I want to be a master of my own.Para kung sakaling magkamali ako,walang dapat ibang sisihin kundi ang sarili ko lang.Less complications,right?

Siguro hindi lang "privacy" ang dahilan kung bakit ayoko sa love.Sa tingin ko kasi mas magiging matatag ang isang tao kapag wala ang love.Just like my father.Hindi na siya nag asawa o nagmahal ulit pagkatapos nilang magkahiwalay ni nanay.Which is hanggang ngayon,hindi pa rin namin alam ni Althea ang dahilan.Pero tingnan mo,he's a successful man.Siya ang patunay na hindi kailangan ng tao ang love para magawa ang mga bagay na gusto niya.Coz the most used it part of being inlove is the heart and when it breaks it's ailment is the hardest to heal.At isa iyon sa magiging destruction para magtagumpay ka.

Pero paano nga ba malalaman kung ginagamit ko na ngayon ang puso ko?Kung nakakapasok na ba ako sa salitang "inlove"?Ang tanging idea ko lamang ay ang nararamdaman ko ngayon.Nararamdaman kong pagkalungkot dahil galit siya sa akin.Ang nararamdaman kong saya kapag naiisip ko ang maamo niyang mukha.Ang brown niyang mga mata.Ang mga ngiti niya.Ang nararamdaman kong excitement sa pag asa na baka pumasok na siya ngayon.Na makikita ko na siya.Pero posible ba talaga na maramdaman ko ito sa isang bagong kakilala?At paano ako makakasigurado na love na nga ito?

I sigh.

Saka ko na lamang iisipin.Ang mahalaga ay magkabati na kami dahil dalawang gabi na rin akong napupuyat sa kaiisip sa kanya.

Papunta na ako ngayon sa shop.Nagbabaka sakali na papasok na siya ngayon.At kung hindi,siguradong si Joel na naman ang kakain ng breakfast na binili ko para sa kanya.

Pagkapasok ko sa shop ay binati ako ng mga crew doon.Ngiting-ngiti si Joel na lumapit sa akin.At ang ibinulong nito ang nakapagpangiti rin sa akin.

Dali-dali akong nag arrange ng bulaklak para ibigay kay Rhian na ayon kay Joel ay pumasok na daw at kasalukuyang nasa office.

Nang magawa ko ito ay ipinabigay ko ito kay Joel.Sumunod naman ang loko.Syempre boss niya ako dito.Haha

X + X = Y not?Where stories live. Discover now