CHAPTER 37

2K 120 28
                                    

Glaiza's Pov

Iyak pa rin ako ng iyak habang nasa byahe.Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit.Dumagdag pa ang mga galos na natamo ng katawan ko dahil sa galit ni Rhian.Hindi ko siya masisisi.Natural lang na magalit siya sa akin.Ang masakit ay hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag.Mas mahapdi at mas masakit pa sa mga sugat kong natamo ang mga salitang binitiwan ni Rhian.Mga salitang halos dumurog sa puso ko. Pakiramdam ko ay hindi lamang katawan ko ang nasugatan niya kundi  higit ang aking puso. But still I love her pero sino pa ba ang maniniwala sakin? Sinungaling ako di ba? Nagawa ko'ng saktan ang taong mahal na mahal ko. Sino ba namang tanga ang magagawang saktan ang taong mahal niya.Walang iba,kundi ako.

*Bakit ba hindi sumapat ang pagmamahal na ibinigay ko sakanya para mapatawad niya ako?*

Noon ay masyado akong bilib sa sarili ko. Lumaki ako na nagagawa at nakukuha ang magustuhan.

Ngayon,pakiramdam ko ay isa akong malaking talunan.That I am not good enough para sa pagmamahal ng babaeng una kong minahal.Babaeng siya ring dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Napahagulhol ako ng iyak ng maramdaman ko ang awa para sa aking sarili.Awa na hindi ko naramdaman noon lalo na sa mga babaeng nagmakaawa na wag ko silang iwan.Pero mukhang kinarma na nga ako.Dahil ako na ngayon ang nasa sitwasyon ng mga babaeng sinaktan ko noon.Ako na ngayon ang lumuluhod para sa pagpapatawad ng babaeng labis akong kinasusuklaman. Bumalik sa akin ang lahat ng sakit na idinulot ko sa mga babaeng niloko ko noon.At sa sobrang sakit,hinihiling ko nalang na sana ay mamatay nalang ako.

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan.

*Ayoko na!Gusto ko ng tapusin ang lahat sa gabing ito* Saka ako pumikit  ngunit sa pag pikit ko ay nakita ko ang imahe ni nanay,dadiyo,Althea at ni Rhian. Biglang nag flashback ang masasayang araw ko kasama sila at ang mga barkada ko. Dahil doon ay nagmulat ako at inapakan ng madiin ang preno ng sasakyan.Buti na lamang at wala akong kasunod na sasakyan dahil hating gabi na.

Itinabi ko ang sasakyan saka bumaba para makasagap ng sariwang hangin.

*Napakahina mo Glaiza!*

Tumingala ako sa langit.Wala ako makita kahit isang bituin mula roon.Napakadilim ng langit katulad ng mundo ko ngayon.Pati ang liwanag ng buwan ay parang walang kinang.Lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot habang tinitigan ko ito.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi at nakapasok sa bahay.Kusa na lamang kumikilos ang katawan ko.Pero ang isip at puso ko ay mukhang tumigil na.

"Anak, Bakit ngayon ka lang?" Naabutan ko sa sala si nanay. Mukhang hinihintay niya ang paguwi ko."Teka, Umiyak ka ba? Ano yang nasa mukha mo? Mga galos ba yan? Anong nangyari sayo?" Nagaalala itong lumapit at tsinek ang mga galos ko. "Anak kaninong pusa ka nakipagaway? Bakit ang dami mong galos." Hindi ko magawang matawa sa sinabi niya sa halip ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Anak?Anong nangyari?Sabihin mo sa nanay" Habang hinahagod niya ang likod ko.

"Hayaan niyo lang po akong umiyak sa balikat niyo." Yakap ko parin siya ng mahigpit.

"Anong problema anak? Nagaalala na ako. Alam mo namang mahal na mahal kita Althea." Napahagulhol ako ng iyak dahil sa sinabi niya.

"Hindi po ako karapatdapat sa pagmamahal niyo." Iiling iling kong sabi.

"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka?" Iniagwat niya ako para makapagusap kami ng maayos.

Hinawakan ko ang balikat niya saka sinabi ang dapat noon ko pa ipinagtapat. "Hindi po ako si Althea."

X + X = Y not?Where stories live. Discover now