Glaiza's Pov
3 days.
Tatlong araw na kaming nandito sa Hacienda Ramos.Sa loob ng tatlong araw ay nalibot na namin ang kalahati ng Hacienda.Sadya palang napakalawak noon.
Nakilala ko na din ang pinsan ni Rhian na magdedebut sa isang araw.Masasabi kong maganda ang lahi nina Rhian.Maganda rin kasi si Liza(imagine Liza Soberano) na pinsan nito.Isang anghel na bumaba mula sa langit.
Oh wait..
Nasabi ko na to kay Rhian, di ba?
Ulitin natin.
Para siyang isang cute na anghel na bumaba mula sa langit.
Oh wag ng kumontra.Atleast may naiba!😁
Mabalik tayo kay Liza.Hindi mo siya aakalain na debutant dahil malaking bulas siya.Pagkakita pa lamang sa kanya ni Batchi,ay agad na itong natakam.Sabi ko nga mahiya siya sa balat niya.Hihi
Iyon namang nangyaring aksidente sa amin ni Rhian ay hindi na nalaman nina Papang at Mamang.Hindi ko alam kung naitago ba namin ng mabuti ang mga galos namin o sadyang malabo lang ang mata ng matatanda.Lol
Yung dalawang bugok naman ay tinawanan lang ako imbis na magpakita ng concern.At yung si Kiko the Tukmol.Ayun,paimpress pa rin kay Rhian.Lagi pa ring nakadikit.Ang sarap na ngang tsinelasin!Yung mga tsinelas ni Korina.Hihi.
At ang dalawa kong kaibigan.Enjoy na enjoy dito.Siguro namiss din nila ang ganitong paligid.Yung makakapagrelax ka at makakapag muni-muni.Siguradong kung nandito si Althea ay mag eenjoy din yun.Kamusta na nga kaya ang kapatid ko?Alam naman niya ang pagpunta ko sa probinsya ng besty niya.Pero simula ng dumating kami dito ay nawalan na kami ng komunikasyon.Mahirap kasi ang signal sa lugar na ito.
"Hi Thea."Naputol ang mga isipin ko sa boses na iyon.Napangiti ako ng makita si Liza sakay ng bike niya.Huminto siya sa tapat ko.Naroon ako sa terrace ng mansion.
"Oh hi,Liz."Magiliw ko ring bati.Bumaba siya ng bike niya saka inistand ito.
"Asan sila?"Nakangiti siyang Umupo sa tabi ko.
"Mga pagod siguro,kaya ayun..knock out."Natatawa kong sabi.Komportable ako sa kanya.Magaan ang pakiramdam ko.Well,lahat naman yata ng babae ,magaan ang pakiramdam ko.Lol
"Bakit pala nandito ka?Di ba dapat busy ka sa nalalapit mong party."Pangungulit ko.
"Honestly,I'm not excited.Sila Mama lang naman ang may gusto nun."Nakasimangot nitong sagot.Natawa naman ako dahil kahit pag pout niya ay cute pa rin.Pilit kong hinahanap kung anong resemblance ni Liz kay Rhian.Magpinsan naman sila,di ba?Pero wala.Except sa pagiging maganda nila pareho ay wala na silang pagkakatulad.Maging ang features nila ay magkaiba.
"Nu ka ba!Minsan lang dumating ang ganoong araw sa isang babaeng katulad mo."
"Hahaha..kung makapagsalita ka,para kang hindi babae."Natatawang sabi nito na ikinalabas ng white teeth nito.Pwede ng pang commercial ng toothpaste.
*Hehehe..hindi naman talaga.*Gustong kong sabihin pero napakamot na lang ako sa ulo.
"Pero kung lalaki ka,type sana kita.Kaso lang babae ka,kaya girl crush na lang kita."Sabay wink pa nito sa akin.Napangiti ako sa kabreezyhan niyang taglay.
*Nu ba naman yan!Si Althea na ako ngayon,pero ang lakas ko pa rin sa chx.Nakakasawa na ang ganitong buhay.*😂😂
"So dahil crush mo naman pala ako,pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"Yung smile ko hanggang ngala-ngala.Haha
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.