Jade's Pov"Cathleen?"Pagsisigurado ko ng makapasok ako ng bahay.Kakauwi ko lang galing sa school.Ang balak ko ay magbihis muna saka pumunta sa resto ni Glaiza.Sabay na rin sana kaming magdidinner.Pero mukhang may bisita kami.
"Hi,sis."Bumaling siya at nagtatakbo palapit sa akin.
Napangiti ako.She's Cathleen.Halos magka age lang kami.Siya ang nag iisang anak ni Tito Oscar.Half Chinese,Half Filipina siya.Like what I've said,isang beses ko lang siyang nameet ng personal.Madalas ay sa social media kami nagbobonding.
"How are you?"Yakap ko sa kanya.Hindi maitatanggi na napakaganda niya.Kung ikukumpara sa akin,wala siguro akong panama.
Hay..
Nawalan na naman ako ng bilib sa sarili ko.
Kasi naman parang model itong nasa harapan ko.Kahit sino sigurong babae ay maiinsecure sa kanya.
"I'm good.How 'bout you and the lovers?"Nakangiti din niyang sagot.Ang 'lovers' na tinutukoy niya ay si nanay at si Tito Oscar.Tama kayo ng naiisip.Hindi siya humadlang sa dalawa.Katwiran niya,kung kay nanay masaya ang kanyang ama,so be it.Hindi niya iyon tututulan.At meron na rin namang ibang asawa ang mother niya,so wala talagang naging problema sa pagitan namin.
"Maayos naman sila,sis.Si nanay nasa Pilipinas.Ako naman,heto malapit ng mag graduate."Nandito na kami ngayon sa sala.Saka ko pa lang nakita ang bagahe niya.Kakauwi lang niya siguro galing Pilipinas kung saan niya piniling magbakasyon.
"I'm happy for you,sis.How 'bout your lovelife,huh?"Panunukso pa niya sa akin.
"Super happy."Malapad akong ngumiti ng maisip si Glaiza.
"Oh!So you have a boyfriend na?"Kinikilig niyang tanong.Natutuwa ako dahil magaan ang loob namin sa isat isa.
"Uhm a g-girlfriend."I blush.
"Wow!As in wow!I want to meet her."Excited niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
*Hindi siguro siya against sa mga katulad ko kaya hindi na siya nabigla.*
Tumango ako ng nakangiti.Napagpasyahan namin na iakyat muna ang mga gamit niya sa katabi ng kwarto ko.Marami pa namang oras para magtsikahan.
Althea's Pov
Pagkatapos ng duty ko sa resto ay agad na akong nagbyahe papunta kayna Jade.Ipapakilala raw niya sa akin ang anak ni Tito Oscar na kinikilala na rin niyang kapatid.
Masaya ako dahil nagagawa na niya akong ipagmalaki sa ibang tao.Habang tumatagal ay mas minamahal ko siya.Hindi ko nga inexpect na ganito pala katindi ang pagmamahal na pwede kong ibigay sa ibang tao.At maswerte ako dahil ang taong iyon ay si Jade.Alam kong hindi ako nagkamali ng pagpili sa kanya.
*Pero siya,mukhang nagkamali ng pagpili sa akin.*Kontra ng konsensya ko.
I sigh.
Hindi ko muna dapat iniisip iyon sa ngayon.Basta pasasayahin ko siya sa abot ng makakaya ko.Baka sakaling pag nalaman niya ang totoo ay madali niya akong mapapatawad.
Nakita ko kaagad siya na naghihintay sa malaking gate ng bahay.Pinabuksan niya iyon sa guard para makapasok ang sasakyan ko.
"Hi,love."Humalik siya sa akin ng makababa ako ng sasakyan.
"I missed you,love."Paglalambing ko naman sa kanya.
"I missed you,too."Sabay smooch niya sa akin.Hay.Kilig na naman ang wiper ko.Hihi."Pasok na tayo.Hinihintay na tayo ni sis."Nakangiti kaming pumasok ng bahay habang magkaholding hands.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.