CHAPTER 39

2.2K 113 16
                                    


Althea's Pov

Dalawang linggo ang lumipas simula ng malaman ni Jade at ni Rhian ang totoo.Umuwi kami ni Dadiyo ng Pilipinas pagkatapos ng paghaharap naming tatlo nina Jade at Rhian.Sabi ni Dadiyo ay bigyan ko muna ng panahon ang kambal para makapag isip.Pagdating namin sa Pilipinas ay agad kaming sinalubong ni Glaiza sa airport.Napagmasdan ko siya.Pumayat siya at kahit kaharap na niya kami ni Dadiyo ay wala pa ring buhay ang mga mata niya.Ngumingiti siya,oo,pero hindi iyon umaabot sa mga mata niya.Nawala ang dating witty at pang asar na si Glaiza.

Deretso kaming umuwi sa bahay ng araw na iyon.Nagulat si nanay sa pagkikita nila ni Dadiyo.Kaya nakaisip kami ng bright idea ni Glai.Ikinulong namin sila sa isang kwarto para makapag usap.Ito kasing si nanay,pabebe ng berilayt.Lol

Habang hinihintay silang makapag usap ay kinamusta ko si Glai.At nagplano kami na babalik sa London kapag naiayos na namin sina nanay at Dadiyo.

At laking tuwa namin ng makita na magkaakbay silang lumabas ng kwarto.Mukhang nagkapatawaran na sila.At ang mas maganda,mukhang may second chance yung lovestory nilang dalawa.Hihi.

Nagbonding kaming apat habang naroon kami sa Pilipinas.Isinantabi muna namin dalawa ni Glaiza ang problema sa puso.At sina peyrents,wow,mukhang teenagers kung magharutan.Lol

Nasa London na kami ngayon ni Glai.May isang linggo na rin ang nakalilipas.At hanggang ngayon ay panay pa rin ang panunuyo namin kay Jade at Rhian.Pero sadyang malalim ang sugat na idinulot namin sa kanila.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kami napapatawad.Halos maubos na ang pakulo namin ni Glaiza.Pero waepek pa rin ito.At satwing sasablay kami na paamuin ang dalawa,ay nakikita ko sa mga mata ng kapatid ko ang kawalang pag asa.Alam ko kung gaano siya nasasaktan sa paulit ulit na rejections ni Rhian.Alam ko,dahil maging ako ay nararamdaman ito.

Naalala ko pa ang ilan sa mga masasakit na salita na sinabi sa akin ni Jade.

"Jade,please,listen to me.Jade.."Habol ko siya noon ng lumabas siya sa school nila."Hindi mo na ba ako mahal?"puno ng hinanakit kong tanong.

*Bakit ba ang hirap nilang magpatawad?*

Bumaling siya sa akin at ang sinabi niya ay parang matigas na bagay na sumampal sa mukha ko."Hindi naman talaga kita minahal.Alam nating dalawa na si Glaiza ang minahal ko.At kahit kailan hindi kita magagawang mahalin,dahil kahit kailan hindi ka magiging siya!"Saka niya ako iniwang nasasaktan.

Isa lang iyon sa masasakit na salita na natanggap ko mula sa kanya.

Pero wala eh.

Mahal namin sila kaya naman gagawin namin ang lahat mapatawad at bumalik lamang sila sa amin.

Heto nga at nag iisip na naman ako ng bagong gimmick.Pero teka,nasaan ba ang kapatid ko?

Tsk!

Siguradong bote na naman ng alak ang hawak niya.Naging ganoon siya ng paulit ulit kaming ireject ng dalawa.Sabi niya gusto lang niyang makalimot kahit saglit.

Kung anesthesia lang sana ang alak,siguradong gabi-gabi kaming may session ni Glaiza.Sana kapag ininom mo ito ay magkakaroon ka ng amnesia at makakalimutan ang lahat ng masasakit na pangyayari.

Kaso hindi.

Pansamantala ka lang makakalimot at pag gising mo,mahal mo pa rin siya.Nasasaktan ka pa rin sa pambabalewala niya.Ang masaklap pa,pag gising mo hindi lang puso mo ang masakit,pati na rin ang ulo mo.

Hayss.Kaya tanong ko lang?Anong napapala niyo sa pag inom?Ng alak.Hindi ng tubig.Alam ko ng pipilosopohin niyo ko eh.Lol

Pinuntahan ko si Glaiza sa kwarto niya at kagaya ng ineexpect ko,bote nga ng alak ang hawak niya.At mukhang nakakarami na siya dahil may mga nagkalat sa sahig na bote na wala ng laman.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now