Glaiza's Pov"Anak..anak.."pukaw sa akin ni Nanay.Nakatulala na pala ako sa dinadaanan namin habang nasa sasakyan pauwi.Kanina lamang ay kabadong-kabado ako kung paano ako haharap sa aking ina na first time ko pa lamang makikita.Nakita ko na siya sa picture pero iba oa rin kapag sa personal.Nakilala ko kaagad siya ng makita ko siya sa waiting area ng airport dahil doon ay di ko na naiwasang mapaiyak at yakapin siya ng mahigpit.Nagtaka siya at nagtanong kung bakit ganoon ka warm ang yakap ko sa kanya.Nasabi ko na lamang:"Sobra ko po kayong namiss."Buti na lamang at nagkakahawig din ang boses namin ni Althea gaya ng aming mga mukha.
"Mukhang namiss mo ang Pilipinas,ah"Natatawang sabi ni Nanay.Para kasi akong batang padungaw-dungaw sa bintana ng kotse.
"Ah eh... hehe."Napakamot na lamang ako ng kilay at umupo na ng maayos katabi niya.Wala akong masabi.Naiilang akong makipag usap lalo pa't alam niya na ako ay si Althea.
"Kinakamusta ka nga pala ng bestfriend mo.One week ka na daw hindi nagpaparamdam."
"Ahm nakalimutan ko po dahil sa pag eenjoy."Pagdadahilan ko.
"Gusto nga niyang sumama sa pagsundo sayo kaso lang siya ngayon ang nagbabantay sa Flower Shop niyo."Kahit wag na rin siyang magpakita.Who cares?😒 Si nanay lang naman ang dapat pakisamahan ko dahil siya lang naman ang ipinunta ko dito.
"Flower shop po?"
"Oo,don't tell me,nakalimutan mo na rin ang flower shop niyo ni Rhian."Oh shoot!Kaya pala sabi ni Althea sa akin na isa siyang florist.Bakit ba kasi hindi ko naitanong kung anong business niya dito sa Pilipinas.GeeZ!
"Hindi naman po."Maikli kong sagot.
"Kakaiba ka ngayon,anak.Ano bang ginawa mo sa London at parang nag iba ka?"Kinabahan at namutla ako sa tanong ni nanay.Gumagana na ba ang mother instinct nito?
"Po?"
"Gaya ng buhok mo.Ano ba namang naisipan mong bata ka at pinagupitan mo ng ganyan ang buhok mo.At nagpa tattoo ka pa ng ke dami-dami."Exagge si mother nature.Tatlo lang naman po.Gusto kong sabihin.Hihi
"Hindi po ba bagay ang buhok ko?"Natatawa kong tanong.Ganito pala ang pakiramdam na sinesermunan ng nanay.Ang sarap!
"Bagay naman sayo,anak.Hindi ko lang akalain na papagupitan mo ang buhok mo dahil alagang alaga mo ito."Hinaplos pa nito ang buhok ko.Para tuloy gusto ko na namang maiyak.
Naalala ko si Althea ng mapagupitan na nito ang buhok.Halos mabingi ako sa tili niya habang unti-unting umiikli ang mahaba niyang buhok.At halos mabasag ang ear drum ko at ear drum ng mga naroroon ng nagpa tattoo ito ng katulad ng mga tattoo ko.She don't have a choice.Siya ang may pakana nito,kaya magdusa siya.Hihi😂
Hanggang ngayon,di ko lubos maisip kung paano kami naging magkakambal bukod sa pareho naming mukha.Magkaibang-magkaiba kami sa maraming bagay.Kung ako astig,siya naman sobrang arte.Tahimik ako at madaldal siya.Mapang asar ako at pikon siya.Kahit sa pag kain ay para kaming aso't pusa.O maging sa definition ng "love"hindi pa rin kami magkasundo.Total opposite ko talaga siya.
Teka,kamusta na kaya siya?It's three o' clock in the afternoon here in the Philippines.So,it's exactly eight o' clock am in London.
Althea's Pov
Nandito ako ngayong umaga sa condo ni Glaiza.O mas tamang sabihin na sa magulong kwarto ni Glaiza.Napakaclumsy pala ng kapatid kong iyon.Hindi mo mapapagkamalan na babae ang nakatira dito.Sabagay,hindi nga pala babae ang kapatid ko.Lalakwe.Hihi
Napangiti ako ng matapos kong linisin iyon.Hayyss.Kapagod.Kauupo ko pa lamang ng may narinig akong doorbell kaya dali-dali akong tumayo para pag buksan ito ng pinto.
"Hi dude.Youre Dadiyo is here."Yumakap ito sa akin habang nakangiti."Goodmorning?"Hinampas-hampas pa nito ang likod ko.Aray kupo.Susuka yata ako ng dugo.😓
Bumitaw din ito ng pagkakayakap ng marealize niyang naipit na ang baga ko.Jowk.Haha"Hindi mo man lang ba papapasukin ang gwapo mong tatay?"Nag sign pa ito na Mr.Pogi kaya napangiti ako.Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Glaiza.Hihi
"P-Pasok po."Kinakabahan kong sabi.Hindi ko alam kung paano kikilos sa harapan niya lalo na at alam niyang ako si Glaiza.Pumasok nga siya at umupo sa couch doon.
"Wow.Malinis ang condo mo ngayon,ah.Anong nakain mo,dude?"Dude talaga?Ah oo nga pala.Sabi ni Glaiza,jeprox si tatay.Bagets itong mag isip.
"Ah eh .. hehehe."Umupo ako pero hindi sa tabi niya.Gusto ko siyang yakapin.Pero hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin."Drinks po?Coffee,juice or.."
"Hahahaha.."Tumawa siya ng malakas na ikinabigla ko.
"B-Bakit po?"
"Bakit ang bait mo ngayon,huh?"Hindi ba mabait si Glaiza sa personal?Hihi "Halika nga dito."Lumipat naman ako sa tabi niya.Sabay akbay niya sa akin."Pwede ba akong humingi ng pabor sayo,anak?"Anak.Ang sarap pakinggan,pero alam ko namang hindi para sa akin ang salitang iyon kundi kay Glaiza."Tutal,mabait ka naman ngayon.Baka naman mapapagbigyan mo na ang Dady na lumipat ka sa bahay natin?Alam mo na,namimiss na kita."Napayakap ako sa sinabi niya.Kahit ngayon ko pa lamang siya nakilala,alam kong mabuting tao ang ama ko.
"Miss ko na rin po kayo,Dadiyo."Hindi ko maiwasang mapaiyak.
"So it means,babalik ka na sa bahay?"mAsigla ang boses nito.Tumango lang ako habang umiiyak.
"Oh,why are you crying?Para ka tuloy,babae niyan."Nakangising sabi nito habang punas-punas ang luha ko.
"Si Dadiyo talaga."Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.Ganito pala ang pakiramdam ng may ama.Yung kahit yakap ka lamang niya,alam mong safe ka.Lumaki akong walang protector.Yung kahit may nambubully sa akin sa school ng maliit pa ako,wala akong matawag na Dady para magsumbong.Minsan nakakainggit na rin ang ibang bata lalo na kapag family day.Buo sila,samantalang dalawa lang kami ni nanay.Hindi naman sa nakukulangan pa ako sa pagmamahal ni nanay kasi para sa akin siya ang Best Mom Ever.Pero syempre,naghahanap din ako ng pagmamahal ng isang ama.At ngayon nga,abot kamay ko na ito.May kasama pang Glaiza.Sila pala ang bubuo sa pagkatao ko na matagal ko ng nararamdamang kulang.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.