CHAPTER 36

2K 114 13
                                    

Rhian's Pov

Nasa christening party ako ng isang college friend.Dalawa kami ni Althea na kinuha niyang ninang sa kanyang baby girl.Ako na lamang ang umattend at napakaraming dapat gawin sa flower shop.Napapansin ko na mas seryoso ngayon si Althea sa business naming dalawa.Hindi katulad noon ng kagagaling lamang niya sa London.Halos ayaw niyang magstay sa shop.

Naipaalam na rin namin kay nanay ang relasyon naming dalawa.At nabigla siya gaya ng normal na magulang.Sino ba namang hindi,kung ang sophisticated at maarte mong anak ay baluktot na ngayon.At ang masaklap,nabaluktot siya ng sarili niyang bestfriend.Pero gaya rin ng ibang magulang,nakaunawa ito.Tinanong pa nga niya kung kelan kami magpapakasal.Ekswayted much si mother-in-law.Hihi

Napatingin ako sa direksyon ni Gabbi.Karga niya ang anak habang papalapit sa table ko.

"Hi,ninang."Nag boses bata pa siya.Cute!

"Hi,baby."Ikiniss ko ang baby saka nakipagbeso kay Gabbi.

"Ah Rhi,cousin ko pala."Saka ko lamang napansin ang kasunod niya.Ngumiti ako bago nakipagbeso rin sa kanya.

"Anne.Please to meet you."Magiliw nitong sabi bago sila maupo."Uhm have we met before?"Kunot noong tanong niya.

"Sorry but I don't think so."

"Sigurado akong nakita na kita."Nag isip muna ito bago muling nagsalita."Sa Mall.Yeah right.Sa mall tayo nagkita."Tatango tango nitong sabi na ikinakunot ng noo ko.Bakit hindi ko siya maalala?

"Ako yung ex-girlfriend ng kasama mo,remember?"Oh yes.Naaalala na niya ito.Siya ang babaeng bigla na lamang nangyakap kay Althea.Napagkamalan pa nitong ex-girlfriend si Althea na itinanggi naman ng huli.

"I remember you na.Napagkamalan mong ex-girlfriend ang bestfriend ko."Bestfriend dahil hindi pa namin pwedeng sabihin sa madla ang totoo naming relasyon.Natatawa din ako dahil imposible ang sinasabi ni Anne na ex niya si Althea.Ako pa lang ang nakakarelasyon niyang babae.Maniniwala na sana ako kung lalaki si Anne,dahil flirt naman talaga si Althea bago siya nainlove sa akin.Lol

"No!Sure ako na siya ang ex-girlfriend ko."Pag iinsist niya.

"Couz,that soooo imposible.Mas straight pa sa buhok ko si Althea."Natatawang sagot ni Gabbi.Kilala niya kaming dalawa ni Althea at alam niyang hindi pumapatol sa babae si Althea..noon.

"What?I'm talking about Glaiza not that Althea."Natatawa na rin nitong sabi habang umiinom ng juice.

"Glaiza?"Kunot noong tanong ko.

*Naguguluhan na ako!Ano bang gusto niyang palabasin?Na nagsisinungaling si Althea sa akin?Pero sino ang Glaiza na tinutukoy niya.Is she crazy or what?!*

"Glaiza is my classmate in London.Nagkakilala kami noong college days."Paliwanag nito.

Biglang pumasok sa isip ko ang tagpo sa mall.Naaalala ko pa ang reaksyon ni Althea noon.Nataranta ito at nagkulay suka ang mukha.Kaagad pa itong nagyayang umuwi.

"Couz,nagkakamali ka dahil dito nag college si Althea.Sa katunayan ay classmate namin siya ni Rhian."Hindi ko magawang sabayan ang tawa ni Gabbi.Paano ko ba magagawang pagtawanan ang mga sinasabi ni Anne?

"Like what I've said,I'm talking about Glaiza here."Naiinis na rin nitong sabi.

"I-Ibig bang sabihin nito,may k-kakambal si Althea?"Napaangat ang paningin ko sa sinabi ni Gabbi.Maging siya ay naguguluhan na rin.

*Totoo kaya na may kakambal si Althea?*Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nalalaman.Unang una,walang naikwekwento si Althea na may kakambal siya.Pangalawa,gaano ka posible na hindi si Althea ang nakakasama ko ngayon?

X + X = Y not?Where stories live. Discover now