CHAPTER 25

1.8K 107 12
                                    


Rhian's Pov

Pabaling-baling ako dito sa kama.Hindi ako mapakali.

*Ano kayang nangyayari sa baba?*

*Kung di ka ba naman isat kalahating tanga.Magwawalkout ka tapos yan ang itatanong mo?*

*Kasi naman..yang booset na Althea na yan ang may kasalanan!*

Patuloy na nagtatalo ang dalawang bahagi ng utak ko habang pagulong-gulong ako sa kama.

Nakakainis talaga si Althea!Tama ba namang hindi siya magpaalam sa akin?Paano kung may nangyaring masama sa kanya?Paano na ako?Tsk!Ang selfish ko na naman!

At isa pa,wala man lang siyang magandang paliwanag sa pag alis niya.Pa wazzzupp wazzup pa!BOOSET!

Ay yung ngiti niya,yung nakakairita niyang mga ngiti!Halos mapunit ang labi niya sa sobrang saya!At nakakaBOOSET na may ibang nagpapangiti sa kanya.

Tapos..Tapos hindi man lang ako inakyat dito para magpaliwanag.At may isang oras na akong naghihintay,wala pa rin!Hindi na siya nakakatuwa!BOOSET!

Hays..

Ano bang ginagawa mo sa akin,Althea?

Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok sa pinto.Pinagbuksan ko kaagad iyon.

"Senorita,may bisita po kayo sa baba."Lumabas ako at bumaba habang nangungunot pa rin ang noo ko.Kung sino mang bisita ko,wrong timing siya.Mainit ang ulo ko!Mainit na mainit!

Pagbukas ko ng main door ay tumambad sa akin si Batchi at si Kat.Nasa labas sila ng mansion.May hawak na gitara si Batchi.

*Jeskelerd!Pakulo ba to ni Althea para makipagbati sa akin?*

*Bakit?Alam ba niyang galit ka?*

*Shut up ka na lang!*

Ngumiti ako ng mag umpisang mag gitara si Batchi.Saka naman sumulpot sa harapan ko si Althea.

Nakangiti siya.At yung ngiting iyon ang pumawi sa lahat ng BOOSET na sinabi ko kanina.

"Giliw sana ay ikaw na nga,
Ang siyang mananatiling kasama ko..."

Ang lakas ng tibok ng puso ko ng magsimula siyang kumanta.Napahawak ako sa tapat ng puso ko.Pakiramdam ko kapag hindi ko pa iyon hinawakan ay magwawala ito at makakalabas sa dibdib ko.

"Dahil kung ika'y mawawala,
Pati lahat sa buhay ko'y magbabago."Gusto ko ng pumikit para namnamin ang maganda niyang boses.Boses na matagal ko ng alam na maganda pero ngayon lang nagkaroon ng kiliti sa puso ko.

And swear,YES ang isasagot ko,sa anumang itatanong niya.Yieeee!😍

"Basta't kasama kita,
Lahat magagawa.."

Napakunot ang noo ko ng mag iba ang boses ng kumakanta.Saka ko napansin si Kiko na may dalang bulaklak habang papalapit sa akin.

*Anong ibig sabihin nito?*

*ANONG IBIG SABIHIN NITO?!*

"Lahat ay maiaalay sayo.."

Patuloy sa pagkanta si Kiko.Napatingin ako kay Althea.Nakangiti siya.

Kung gaano ako kasaya sa pag aakala  na siya ang nanghaharana sa akin,mas doble roon ang lungkot ng malaman kong mali ako.

"Basta't ka--"

Tumakbo ako paakyat ng kwarto bago pa sumabog ang inis ko sa kanila,lalo na kay Althea!

Pagkadating ko sa kwarto ay napagbalingan ko ang unan.Inihampas ko iyon ng inihampas.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now