CHAPTER 23

1.9K 116 7
                                    


Glaiza's Pov

"Goodmorning,tsong."Naalimpungatan ako sa bating iyon ni Batchi.

*Paano ba nakapasok sa kwarto ang bugok na to?*

Tig iisang kwarto kaming magbabarkada sa mansion na iyon nina Rhian.Posible naman talaga na madami silang guest room dahil sa laki ng mansiong ito.

Kahapon pa kami dumating dito.Pero dahil alangan na ang oras ay mas pinili na lamang naming magpahinga pagkatapos kumain.

Ewan ko ba kung bakit antok na antok ako kahapon habang nasa byahe.Siguro dahil na rin sa pag iisip ko kay Rhian.Dumagdag pa ang dalawa kong bugok na kaibigan.

"It's gala time."Rinig kong sabi ni Kat pero hindi ko pa rin nagawang imulat ang mga mata ko. "Hoy Batch,gisingin mo na ang isang yan."

"Tsong.."Niyugyog ako ni Batchi.Kumuha naman ako ng unan para itakip sa tenga ko.Ano ba namang trip ng mga to?Gagala daw?Anong tingin nila dito Disney Land?Tss!

"Hoy tsong,wake up na."Pangungulit pa nito.Pilit inaalis ang unan sa tenga ko.

"I'm gonna kiss you kapag di ka pa bumangon dyan."pAnanakot pa ni Kat pero hindi pa rin ako natinag.

"Kapag hindi ka pa bumangon dyan,pahahalikan kita kay Rhian!"Nang marinig ko ang pangalang iyon ay napabaligwas na ako ng bangon.Luminga ako sa paligid ng kwarto pero wala akong nakitang Rhian.

"Hahahaha.."Sabay na tawanan ng dalawa.

*NAISAHAN AKO NG MGA UNGGOY!*

"Pangalan lang pala ni Rhian ang makakapag pagising sa natutulog mong diwa."Maarte pang sabi ni Kat habang naglilipstick.

*Aattend ba siya ng party?Sobrang pula ng labi.Daig pang nakagat ng langgam!Tss!*

"Saan ba kayo pupunta?"Tanong ko ng mapansing bihis na bihis sila.Si Kat ay nakamaong short,sando at boots.Si Batchi naman ay maong longsleeve,ripped jeans at boots din.Pareho pa silang may sumbrero.Cowboy ang datingan.

*Yung totoo?Sila ba ang may ari ng Hacienda na ito?Tinalo pa ang haciendero at haciendera!*

"Maglilibot daw tayo dito sabi ni Rhian."Sagot ni Batchi.

"Kayo na lang..magpapaiwan na lang ako dito."Humiga ulit ako kasabay ng isang buntong-hininga.

*Sobra na akong naguguluhan sa nararamdaman ko para kay Rhian.Hindi ko alam kung panandalian lang ba ito dahil nakakasama ko siya?Baka pagkatapos ng plano namin ni Althea ay bumalik na rin ako sa normal na si Glaiza.Chx magnet at dakilang Gender Bender.*

*Oo at mas naging close kami ngayon.Hindi lang dahil sa utos ni Althea kundi dahil gusto ko rin siyang kilalanin.Kahit paano ay naipaparamdam ko sa kanya na gusto ko siya.Pero paano kapag nalaman niya ang totoo,na hindi talaga ako si Althea?Makakaya ko ba kapag kinamuhian niya ako?Hays..Hindi ko na tuloy alam kung ipagpapatuloy ko ba ang nararamdaman ko o iiwas na ako?Pero paano ako makakaiwas kung palage kaming magkasama?* Ipinilig ko ang ulo.Agang aga nagsesenti na kaagad ako.

"Aba't gusto talagang mahalikan ni Rhian!"Batchi.

"Rhian oh..si Altheyuhh,gustong magpa--"Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil binato ko siya ng unan.Sapul sa mukha.Hahaha

At dahil alam kong babawian niya ako ay nagderetso na agad ako sa bathroom para maligo.

Time Runs

"Ang sarap talaga ng hangin dito."Sabi ni Kat.Katatapos lang naming mag breakfast at kasalukuyan kaming nasa balkonahe ng mansion.Si Rhian naman ay nagpaiwan sa baba dahil may darating daw na bisita.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now