"Ate,baka mahuli tayo ni aling Tasing!"saway ng batang babae sa kapatid niya.Umakyat ng bakod ang ate niya kaya napasunod na rin siya."Wag ka lang maingay,siguradong hindi tayo mahuhuli."Sabi ng ate niya sa kanya.Marahan silang naglakad patungo sa garden ng bahay na iyon.
"Tingnan mo,Ja!Ang gaganda nila,di ba?"tuwang-tuwang sabi ng nakakatandang kapatid sa kanya.Natunghayan niya ang magagandang bulaklak sa kanyang harapan.Napangiti siya ng makita kung gaano kasaya ang ate niya habang pinipitas ang ilang rosas na namumukadkad sa garden na iyon.
"Huy!"napakurap siya ng nagsalita ito ulit."Tulungan mo akong mamitas bago magising si Aling Tasing!"Sabi pa nito saka ipinagpatuloy ang pamimitas ng bulaklak.
Ayaw niyang makutusan kaya sumunod siya sa sabi ng kapatid.
Maya-maya ay may kumaluskos at may lumabas ng bahay.
"Hoy!Takte kayong mga bata kayo!"Kanya-kanya silang karipas ng takbo.Akyat sa bakod papalabas ng bahay na iyon.Halos mawasak ang suot nilang palda dahil sa pag akyat sa mataas na bakod para lamang makaligtas sa galit ni aling Tasing.
"Hahahahaha.."Duet nilang tawa ng makalayo sa bahay ng matanda.
"Muntik na tayo dun,ate Yoyon!"Hihingal-hingal na sabi ng mas nakababata sa kanila.
"Hahaha..buti na lang mabilis tayong tumakbo."Pasalampak na umupo ang ate niya sa damuhan hawak-hawak nito ang dibdib.
"Okey ka lang ate Yoyon?"Nag aalalang umupo ang batang babae katabi ng kapatid.
"Oo naman!"
"Eh kasi..di ba,may sakit ka?"
"Wala akong sakit,Ja.Tsaka di pa ako mamamatay.Nu ka ba!"Ginulo nito ang buhok niya.Tipid siyang ngumiti.Alam niyang nagsisinungaling ito.May sakit ang kapatid niya.Mahina ang puso nito kaya madalas ay nasa ospital sila.
Niyakap niya ito.
"Hindi ka pa talaga mamamatay.Masamang damo ka kaya."pinilit niyang pasayahin ang boses.Ayaw niyang isipin na mawawala nga ito sa kanila.Hindi niya kayang mawala ang kaisa-isahang kapatid.
"At bakit naman ako naging masamang damo?"Natatawa ng tanong nito ng magbitaw sila sa pagkakayakap.
"Ninanakaw mo kaya yung mga bulaklak ni aling Tasing."Tatawa-tawa niyang sagot.
"Hahaha..eh kasi naman,wala tayong garden kaya hindi ako makapagtanim ng mga bulaklak."Katwiran nito.Maliit lang kasi ang bahay nila.Kasama nila sa bahay ang kanilang ina.British ang kanilang ama.Namatay ito noong isang taong gulang pa lamang sila.Kaya mag isa silang itinaguyod ng kanilang ina.Sa ngayon ay matatapos na sila ng elementarya sa isang pampublikong eskwelahan.Maswerte na kung makakakain sila ng tatlong beses sa isang araw.Pero kahit ganoon kahirap ang buhay ay masaya sila.Masaya sila na magkakasama.
"Ano bang gusto mo paglaki mo,ate?"
"Tinatanong pa ba yan?Syempre gusto kong magkatrabaho.Basta may kinalaman sa bulaklak,okey na ako dun."Napangiti siya.Napakasimple ng pangarap ng kapatid niya.At natutuwa siya na kahit may sakit ito ay nagagawa pa rin nitong mangarap para sa sarili.
"Ikaw,bunso,anong pangarap mo?"tanong nito sabay akbay sa kanya.Naroon sila sa bakanteng lote na madalas nilang puntahan kapag napapagalitan sila ng kanilang ina.
"Gusto kong maging chef,ate.Gusto ko kayong ipagluto ni nanay ng masasarap na pagkain na hindi niyo pa natitikman."Para siyang nag iimagine ng sabihin niya iyon.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.