Glaiza's PovNapagmasdan ko ang bahay pagkababa pa lamang namin ng kotse.Maganda iyon gaya ng palaging kwento sa akin ni Althea.Pumasok na kami sa loob na lalo kong ikinamangha.
"Magpahinga ka muna sa taas at ipaghahanda kita ng merienda."Umalis si nanay sa harapan ko.Akma na akong kikilos ng may maisip ako.Saan ba dito ang kwarto ni Althea?Hmm.Nalintikan na.
Tumaas ako sa 2nd floor ng bahay.May tatlong kwarto doon.Alin kaya dito?
"Minimaynimaynimu..."Nakailang ulit ako saka napagdesisyunang pasukin ang pang huling kwarto.
😨Napanganga ako.Hindi dahil sa ganda kundi dahil sa kulay nito.Penk na penk ang lola mo.Juiceco Althea!Girlalush na girlalush ka!Naaalibadbaran ako sayo.Haha
Alam ko din na tama ang pinasok kong kwarto dahil may picture siya doon.Alangan naman kay nanay na kwarto to?Sabihin nyo kaagad para mahimatay na ako ngayon pa lang.😂
Nilibot ko ang buong paligid.Mabango at organized.Naalala ko ang condo ko.Siguradong katakot-takot na mura ang inabot ko kay Althea sa sobrang kalat nito.Hihi
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama.Take note.Pink din iyon.Hihi.Pumikit muna ako,mamaya ko na aasikasuhin ang mga pasalubong at gamit ko.
Napapaidlip na ako ng may marinig akong boses.
"Besty..besty..besty!"Napamulat ako sa boses na palakas ng palakas sa pandinig ko.
"Besty!"Napaupo ako sa kama at sa isang iglap ay dinamba ako ng babaeng kapapasok pa lamang sa kwarto ko.Para itong aso na nakita ang amo.Hihi ✌
"How are you,bruh?"Napalunok ako dahil ngayon ko lang narealize na yakap-yakap na pala niya ako."I missed you."Ang bango niya.Hmm ang sarap amoy-amuyin ng mahaba niyang buhok.Aba,teka!At kailan pa ako naging manyak?Ni hindi ko pa nga nakikita ang pagmumukha nito.Malay ko kung mukhang aso to.Bastos pa,basta-basta na lamang napasok sa kwarto ng may kwarto.
"O-Okey naman ako."Inilayo ko siya ng konti sa akin.At iyon ang pagkakamali na hinding-hindi ko pagsisisihan.
Patay na ba ako?Kung hindi,bakit nasa langit na ako?May nakikita akong anghel sa harapan ko.Yes,a heaven sent.Napaka ganda niya.Madami na rin akong nakilala na magagandang babae,ang iba pa nga ay foreigner.Pero kakaiba siya sa babaeng lahat.😂 Sinong nagsabi na para siyang aso?At sinong nagsabi na bastos siya?Juicekupo.Kung ganito kaganda ang basta na lamang papasok sa kwarto ko,palagi kong pababayaang bukas ang pinto ko.Hihi
So far,She's the most beautiful woman I have ever met.Sa pagtitig ko pa lamang sa magaganda niyang mata ay naramdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na ngayon pa lang tumama sa akin.Everything about her shines with elegance and grace.Her hair and how it frames her face,her amazing figure na kahit nakaupo ay alam kong sexy siya,her silky skin na halatang alagang alaga and her sparkling smile that Like an angel that has come upon me in some good fortune,Right at this moment,Masasabi kong I am blessed to have this seductive Goddess who's beside me.
"Nakakapagtampo ka."Nagpout pa ito.How cUte!
"Ba-Baket?"Hays.Nabubulol ako.First time in History.
"Anong baket?One week kang walang paramdam."Humiga ito saka ipinatong ang paa sa lap ko.
Napalunok ako lalo na at nasa harapan ko ngayon ang mala labanos niyang legs.Pinagpapawisan ako kahit may aircon naman dito.Juicecolored.Tinatawagan ko po lahat ng santo.San martin,san Jose,San Roque,San Pedro,Maria Clara,Crisostomo Ibarra,Padre Damaso.Poncio Pilato.Mamamatay na yata talaga ako,ipinapakita na sa akin ang magagandang bagay sa mundo.😁
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.