CHAPTER 20

2K 108 17
                                    

Althea's Pov

Nandito ako ngayon sa office ng resto ni Panda.Ayoko naman na sabihin niyang nagpapakasaya lang ako gamit ang pangalan niya.Kaya kahit paano ay tumutulong ako dito.

Naalala ko ang pinag usapan namin ng tumawag siya sa akin.Nagkwento na si nanay sa kanya.Ibig sabihin,side na lang ni Dadiyo ang dapat naming malaman para makabalik na kami sa kanya-kanya naming buhay.

Paano ko kaya mapapagkwento si Dadiyo?At ang isa ko pang tanong sa sarili.Anong kaugnayan ni Jade kay Besty?Nagkataon lang bang magkamukha sila?

*Imposible*Kontra ng bahagi ng utak ko.

Kailangan kong mas mapalapit kay Jade para malaman ko ang totoo.Eto kasing kakambal ko.Hindi maasahang kilalanin si Rhian.Hays..Hindi siguro talaga sila magkasundo.

At ang isa pang gumugulo sa isip ko o mas tamang sabihing sa puso ko ay ang nararamdaman kong kakaiba kay Jade.Lalo na kapag natititigan ko ang brown niyang mga mata.

*Ano ba naman kasing meron sa mga mata niya?*Sigh.

Siguro namimiss ko lang talaga si Besty.Lalo na ngayong hindi na siya nerd.Mas naging kamukha niya si Rhian.

Si Rhian.

Paano nga ba nagsimula ang friendship naming dalawa?

Flashback

Nasa rooftop ako ngayon ng school na pinapasukan ko dito sa Manila.Actually,kakatransfer ko lang.Sa probinsya kasi nina lolo ako nag highschool hanggang second year.

Pmwesto ako sa may railing.Tanaw ko mula roon ang mga estudyante sa ibaba.Nagmamasid ako ng may marinig akong umiiyak.

Luminga-linga ako sa paligid.Wala namang tao.

*That's not a ghost,right?*tanong ko sa sarili.

Pero habang tumatagal ako roon ay palakas ng palakas ang iyak na naririnig ko.Kinabahan ako.Parang tatalon sa building na iyon ang puso ko.

"Is anybody here?"lakas loob kong tanong.Bigla namang tumahimik ang paligid.Nawala ang mga hikbi na naririnig ko kanina.

Aalis na sana ako dahil na rin sa takot ng may mapansin akong tao na nakaupo sa dulo ng rooftop.Nakaupo siya sa railing at nakatalikod sa direksyon ko.

*Oh my!Is she trying to commit a suicide?*Isa lang ang alam ko.Babae siya dahil sa mahaba niyang buhok na tinatangay ng hangin.

Mabilis akong kumilos para pigilan siya.

"Miss?"Approach ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.Muntik na siyang mahulog buti na lamang at nahawakan ko kaagad ang braso niya."Magpapakamatay ka ba,huh?!"Pagalit ko siyang hinila papalayo sa railing.

*Bakit ba andaming gustong magpakamatay ngayon!*

"I'm not crazy para magpakamatay!"Bulyaw niya sa akin sabay tabig ng kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Really?Well,hindi rin gawain ng matinong tao ang umupo sa railing ng rooftop!"Bulyaw ko rin sa kanya.Siya na nga tong tinutulungan,siya pang galit.

"I'm not asking you na makialam ka!"Magkaharap na kami ng babae.Teka,may kamukha siya.

Saan ko nga ba nakita ang babaeng to?

Isip.

Isip.

Isip.

Hays.

Nevermind!

"I'm just trying to help.Coz I thought youre trying to kill yourself."

"I'm not okey!So leave!"Itinuro pa nito ang pinto pababa ng rooftop.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now