CHAPTER 30

1.9K 108 16
                                    


Rhian's Pov

Pagkatapos ng pagkikita namin ni Jade ay hindi na kami muling nagkita pa.Noong makita ko siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pangungulila.Pero kasabay nito ay ang labis na galit dito sa puso ko.

Hindi naging maganda ang pag uusap naming dalawa.Pero dahil doon ay mas naliwanagan ang utak ko.Muli kong nakapa sa puso ko ang pagmamahal para sa kanila na akala ko ay nawala na sa pag lipas ng mga taon.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa akin si Jade.Kabaligtaran naman nito ang ginagawa ni nanay.Yes,hinahayaan ko na siyang makalapit sa akin pero hindi ibig sabihin niyon na pinapatawad ko na siya.Nandito pa rin yung sakit.Nakatulong lang ang mga sinabi ni Jade at ang effort ni Althea upang pakitunguhan ko si nanay ng normal.

Palagi siyang pumupunta sa condo at itinataon niya na naroon si Althea.Pakiramdam ko nga ay tinutulungan ni Althea si nanay na mapalapit sa akin.Hindi ko pa rin siya magawang kausapin kahit madalas ko silang nakikita ni Althea na nagkakwentuhan.Siguro dahil wala akong mahanap na salita para iapproach siya.

Nalaman ko rin ang tungkol sa kanila ni Jade Dahil na rin sa pagiging malapit ni Althea kay nanay.May asawa na pala ulit si nanay at naka base sila sa London.Si Jade ay malapit ng maging chef gaya ng pangarap nito.

Muli kong naisip ang sinabi noon ni Jade na marami silang hirap na pinagdaanan ni nanay.Naitanong ko tuloy sa sarili ko.Tama ba na ipamigay nila ako para lang hindi ko maranasan ang mga paghihirap na iyon?Siguro tama para sa kanila pero maling-mali para sa akin.Mas gugustuhin ko na lang maghirap basta kasama sila kaysa makuha ang gusto ng hindi sila nakakasama.

Hindi ko sila masisisi.Kapakanan ko lang ang inisip nila ng mga panahong iyon.At nagpapasamalat pa rin ako sa pamilyang kumupkop sa akin kahit na nagsinungaling sila sa akin.Kahit na ang sabi nila ay ipinagbenta ako nina nanay.Tatanawin ko pa ring malaking utang na loob sa kanila kung nasaan man ako ngayon.

Naiintindihan ko na ang lahat pero bakit hindi ko pa rin magawang tuluyang magpatawad?Siguro dahil sa malalim ang sugat na ibinaon nila dito sa puso ko.At kailangan pa ng konting panahon para maghilom ito.

"Babylubb?"Kulbit ko sa pinakamamahal ko na hindi ako iniwan sa mga panahong down na down ako."Let's go there."Turo ko sa isang jewelry shop dito sa mall.Ngumiti naman siya at tumango.

Magkaholding hands kaming naglalakad ng mapansin ko ang mga taong nagtitinginan sa amin.Bumaling ako kay Althea.Ewan ko kung bakit mukhang sanay na siya sa ganitong sitwasyon samantalang ako ang una niyang nakarelasyon na babae.

"B-Babylubb,pinagtitinginan nila tayo."Naiilang kong sabi kay Althea.You can't blame me.This is my first time na pumasok sa seryosong relasyon at take note: Sa babae pa.

Tumingin siya sa paligid."Baka nagagandahan sayo."Nag smile siya sabay pinch ng chin ko."Uy..ngingiti na yan."Automatic akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko."Ipakita natin sa kanila kung gaano natin kamahal ang isat isa."Halos wala na siyang mata sa pagkakangiti niyang iyon.Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Babylubb,let's buy a couple ring.What do you think?"Nakangiti kong tanong ng makapasok na kami sa jewelry shop.

"Yeah.That's a great idea."Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko habang tumitingin kami ng couple ring."Let's try this one."Turo nito.Napangiti naman ako sa napili niya.Simple lamang iyon.May design itong stars.

Inassist naman kami ng sales lady doon."There!Bagay na bagay,parang tayo."with matching wink na ikinatawa ko.Tama siya.Bagay na bagay iyon sa daliri ko.Lalo na siguro kung wedding ring na.Yieee..

X + X = Y not?Where stories live. Discover now