CHAPTER 26

1.9K 102 6
                                    

Glaiza's Pov

Nandito kami ngayon sa birthday party ni Liza.Nakapag perform na ako kanina habang nakikipagsayaw siya sa itinalagang 18 roses.Sa ngayon ay ginaganap na ang 18 wishes.Kasama na roon si Rhian.Napangiti ako ng umakyat siya sa mini stage para magbigay ng message sa debutant.

*She's so gorgeous!* Ang isipin na girlfriend ko na siya ang lalong nakakapagpaluwag ng ngiti ko.

Simula ng gabing iyon ay napagdesisyon na namin na ilevel up ang status naming dalawa.Mula sa friends,to complicated,to in a relationship.Isa na ang araw na iyon sa pinakamasayang araw ng buhay ko na hinding hindi ko ipagpapalit sa hopia este sa anumang bagay sa mundo.Sinadya na rin naming wag ipaalam para sa privacy naming dalawa.

Si Kiko naman ay tinapat na ni Rhian na hanggang magkaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa lalaki.At hindi naman ito katulad ni Asval.Tinanggap nito ang pambabasted ni Rhian.Lol

"Emote?"Napabaling ako sa tabi ko.Umupo roon si Batchi.May dala itong dalawang baso ng alak.Iniabot niya sa akin ang isa saka nakipagtoss.Tumunog ang dalawang basong nag umpugan.Saka namin nilunok ang laman niyon.

"So what's your next plan?"Tanong nito.Wala si Kat dahil busy ito sa pang hahunting ng mga gwapong guests.

"Huh?"Huhzoned ka ngayon Batchi.Haha

"I mean,kamusta na yung plano niyo ni Althea?"Napabuntong-hininga ako sa tanOng niya.

*Paano na nga ba?*

"If I were you,I'll tell her the truth before its to late.Seryosong sabi pa nito.

"Hindi madali iyon."Biglang bumigat ang kaninang sayang nararamdaman ko.

"Masaya ka ba sa panloloko?"Sa tanong niyang iyon halata ang pagtutol niya sa ginagawa ko ngayon.

"Masaya ako sa kanya."Pag amin ko.Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para kay Rhian.Pakiramdam ko sa bawat pagtatago ko,mas lalo akong nahihirapan.

"What do you mean?"Kunot-noong tanong niya.

"I love her and she loves me too."Tumingin ako sa direksyon ni Rhian.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"Pabulong nitong tanong pero halata ang disgusto nito sa sinabi ko.
"Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang mahal niya at hindi ang pagiging Althea mo lang?"Bigla akong napaisip sa tanong niya.May point naman siya pero mas gusto kong paniwalain ang sarili na ako,si Glaiza,ang minamahal ni Rhian at hindi ang idea na ako si Althea.

"Hindi ko alam."Napailing ako dahil gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari."Ang alam ko lang ay mahal ko na siya at masaya ako sa kanya."Matapat kong sagot.

"Di ba sinabi ko sayo noon na kung saan ka masaya,susuportahan ka namin pero hindi sa bagay na ito.May nadadamay na inosenteng tao sa mga kalokohan niyo."Napatingin ako ng deretso sa kanya.Ibang Batchi ang nakikita ko.Hindi ang maingay at bully na si Batchi.Kundi ang kabaligtaran niya.Hindi kaya may kakambal din siya?Lol.Nakuha ko pang magbiro sa sitwasyon ko.Hayyysss..

"Hindi mo ako naiintindihan."Nasabi ko na lamang.Paano ko ba bibitawan ang isang bagay na nakakapagpasaya sa akin?

"Pinipilit ko,Glaiza."Tumingin siya sa direksyon ni Rhian."But Rhian is a good person she don't deserve this."Alam ko.Sa nakalipas na mga araw ay napatunayan ko na mabuting tao siya.Mabibilang na lamang ang mabubuting tao sa mundo.At maswerte ako dahil nakatagpo ako ng isa sa katauhan ni Rhian.Too bad,hindi ako kasing 'buti' niya.

"Mas gusto mo bang mahalin ka niya sa ideyang ikaw si Althea?"

"In this situation..yes."Matapat ko uling sagot.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now