Glaiza's PovKasalukuyan naming binabagtas ang daan pauwi ng bahay.Tumawag si nanay at sinabing may bisita raw ako na naghihintay doon.Ako lang sana ang uuwi galing sa shop pero nagpumilit si Rhian na sumama sa akin.Sa huli ay hindi ko rin siya nahindian.
Katanghalian at tirik na tirik ang araw.Sino namang bibisita sa akin ng ganitong oras?
"Sino raw ang bisita?"Rhian.
"Hindi ko alam."Kibit balikat kong sagot habang nagmamaneho.
Lately at nasasanay na ako sa presensya niya.At mas naging komportable kami sa isat isa.Paunti-unti ay napapakita ko na kung sino talaga ako.Minsan ay napapakunot na lang siya ng noo kapag may mga bagay akong ginagawa na taliwas sa normal na si Althea.At nagpapasalamat ako na hindi na siya nagtatanong sa pagbabagong iyon.Katunayan ay mas naging caring at sweet si Rhian.Di tulad ng mga unang linggo na masungit ito sa akin.
Mas nakipaglapit ako sa kanya at nakilala ang maalaga at clingy na si Rhian.Akalain mong may ganito pala siyang side?
"A suitor,maybe."Walang gana niyang sagot.Madalas ko ring mapansin ang mood niya.Kapag kami lang ang magkasama ay masaya at magiliw siya pero kapag may iba na kaming kasama na nakakaagaw ng atensyon ko ay bigla bigla na lang siyang umaangil.Bigla na lang nawawala ang maganda niyang mood.
Hindi na lang ako umimik hanggang makarating ng bahay.Mukha kasing nawala na naman siya sa mood.
"Nay!"Tawag ko kay nanay pagbukas ko pa lamang ng pinto.Kasunod ko si Rhian.
"Tsong?"Sigaw ng isang pamilyar na boses pagkapasok ko ng bahay.
"Tsong!!!"Sabay patakbo akong niyakap ng dalawa kong baliw na kaibigan.
"Tsong,we miss you so much!"Sabay yakap ni Kat sa akin.Si Batchi naman ay sinakyan ako sa likod at ginulo ang buhok ko.
"Bakit kayo nandito mga unggoy?"Tanong ko habang kinakalas ko ang pagkakayakap nila.Para naman kasing mga tuko kung kumapit.
"Kasasabi ko lang,namiss ka namin."Kat.
"Parang tumaba ka,anong kinakain mo dito?"Batchi.Nakangiti ito ng nakakaloko.Alam na alam ko na kung gaano kadumi ang utak ng unggoy na to!Kung alam ko lang na sila ang bisita ko,hindi na lang sana ako umuwi.Ang lalakas ng trip.Tanghaling tapat pa talaga.Ano sila Intsik?
"Ehem."Napabaling kami sa likuran ko dahil sa tikhim na iyon.
Namutla ako ng makita ko si Rhian na nakatingin sa amin habang nakahalukipkip.
*Bakit ba nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.*
"Ah eh..besty (iww),si Batchi at si Kat pala,friend ko."Pakilala ko ng makabawi sa pagkabigla.
"Totoo pala na kamukhang-kamukha siya ni--"Tinakpan ni Batchi ang bunganga ni Kat kaya hindi nito naituloy ang balak sabihin.
"Ah hehe..nice to meet you,besty."Sabi nito habang takip pa rin ang bunganga ni Kat.Ipapahamak pa ako ng ungas!
"It's Rhian."Walang emosyong sabi nito.Lumalabas na naman ang pagkamaldita.
"Y-Yeah,Rhian."Binitawan na nito si Kat.Binigyan ko naman sila ng death glare ng manahimik na sila.
"Sinong kamukha ni Rhian?"Jusko!Isa pa naman tong ina ko.
"Ahm uhm si ano po..si Clara.Oo tama,si Clara.Sa Sinungaling mong puso."Sagot ni Batchi.Galing talagang magpalusot.
YOU ARE READING
X + X = Y not?
RandomGirl plus girl is equal to love. Guy plus guy is equal to love. LOVE sees no gender,status and age,actually love does'nt look at all because love FEELS.