CHAPTER 11

2.2K 113 9
                                    

Glaiza's Pov

Tanghali.

Umalis ako para bumili ng lunch namin ni Rhian.

Hanggang ngayon ay antok na antok pa rin ako.Hindi kasi ako nakatulog ng nagdaang gabi.Maging si Rhian ay panay din ang hikab kaninang umaga.Mukhang hindi rin siya nakatulog.Hindi ko lang alam kung pareho kami ng dahilan.

Paano ba naman ako makakatulog kung may katabi akong dyosa sa kama.Naaamoy ko ang natural scent niya at nagdudulot iyon ng kakaibang init sa katawan ko.Pabali-baligtad ako sa kama.Kulang na lang tumuwad ako doon.Hihi

Kaya eto ang epekto ng pagpupuyat ko kagabi,bangag ako ngayon.

Nagpark ako sa tabi ng flower shop ng makabili ako ng lunch.Pagbaba ko pa lamang ay natanaw ko na si Rhian at ang isang lalaki na nagtatawanan.Automatic napakunot ang noo ko.Mukhang close sila.May pahampas hampas pa sa braso ng lalaki.

Sino kaya ang ugok na yon?

Pumasok ako sa shop.Ang lalaki na lamang ang naabutan ko dahil kapapasok pa lamang ni Rhian sa office.

"Hi,Althea."Bati nito sabay wink sa akin.

Pss!Bulagin kita dyan!

Sino ba kasi to?Mukhang kilala niya si Gecko,kaya sa halip na itanong ko kung sino siya,tinanong ko na lang kung bakit siya nandito.

"Maglalunch kami ni Rhian."Ngiting-ngiti pang sabi nito.Tumango na lang ako at tinalikuran na siya.Napabalik lang ako ng may maalala.

Lumapit ako sa kanya sabay bulong.
"Yung pag wink mo,hindi mo yon ikinagwapo."I smirked saka ko siya muling tinalikuran.

Mayabang!Palunch lunch pa ni Rhian.Pake ko!

Padabog kong binuksan ang pinto ng office.Nakita ko siyang nag aayos ng sarili.

Pss!Nagpapaganda pa!Ampanget naman ng kadate niya!

"Besty,san ka galing?Bigla ka na lang nawala kanina."tanong nito.Gustong-gusto ko ng isagot na bumili po ako ng lunch natin,eh kaso mukhang may kasama ka ng maglunch!At mukhang sobrang excited mo pa!Tss!

Hindi na lang ako umimik at umupo na lamang sa table ko.

"May lunch date pala kami ni Raf,huh."Oo alam ko!Paulit-ulit?!"Bakit ka nakasimangot dyan?"Napansin pala nito ang pagsama ng mood ko.

"Wala!"Naiirita kong sagot.Lumapit siya sa table ko at tiningnan ang dala kong pagkain.

"Lunch food ba natin yan?"Nakangiti niyang turo.

"Hindi!"Walang gana kong sagot na ikinawala naman ng ngiti niya.

"Ah,kala ko binilhan mo ako ng lunch."Bumalik na siya sa table niya.

"Asa ka!"Nungkang,aaminin ko sa kanya na ibinili ko nga siya ng lunch para makasabay ko siyang kumain.

"Suplada.Makaalis na nga."Kinuha na niya ang hand bag niya."Wag mo na akong hintayin,huh."Lalabas na  siya ng magsalita ako.

"Akala ko ba lunch date lang?!"pAgmamaktol ko.

"Manunuod din kami ng sine."Sagot niya bago tuluyang lumabas.

Sine?Ibig sabihin,madilim at malamig.Baka kung anong gawin sa kanya ng giRAFfe na yon!Baka tsansingan siya.

Halikan.

Yakapin.

Tapos ipapasok niya ang kamay niya sa..

sa..

X + X = Y not?Where stories live. Discover now