CHAPTER 33

2.2K 124 16
                                    

Glaiza's Pov

It's been a month simula ng maging official ang relasyon namin ni Rhian.Hanggang ngayon ay hindi pa ito alam ni nanay.Ayaw ko muna siyang biglain lalo't hindi ko pa nasasabi sa kanya na ako si Glaiza at hindi si Althea.

Sa loob ng isang buwan ay pinaramdam ko kay Rhian kung paano at gaano magmahal ang isang Glaiza Galura sa katauhan ni Althea Guevarra.

Naging masaya ang mga araw na nagdaan.Kahit minsan ay bumabalik ang takot sa puso ko.Takot na malaman ni Rhian ang totoo.Mas kailangan kong mag ingat ngayon dahil sa ibinalita ni Althea sa akin.

Sila na ni Jade.

Natutuwa ako para sa kapatid ko pero kasabay nito ay ang matinding pangamba  kapag nalaman nila ang totoo.

Napaka mapagbiro ng tadhana.Gusto ko na lang sana siyang tawanan dahil sa paglalaro niya sa aming apat.Pero hindi ko magawa lalo pa't madami pangamba dito sa puso ko.Pangamba kung ano ang kahihinatnan ng ginawa namin ni Althea.

Sa ngayon ay nakalubog na kami pareho sa sitwasyon at ako?Wala na akong balak umahon pa.

Masaya na ako.Kuntento na ako.Kasiyahan na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.Contentment na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na anumang yaman.

And It's all because of Rhian.She's my precious gem.Isang yaman na hindi matutumbasan ng pera.

"Hello,babylubb?"sagot ko sa tawag ni Rhian.

"Where are you?"Heto na naman po ang pagiging nagger niya."Bakit wala ka pa dito sa shop?Hindi naman traffic."

"Ah eh..babylubb---"

"Ayoko ng walang kwentang dahilan,Althea."Jusme!Hitler na naman po siya.

"B-Babylubb,hindi muna ako papasok ngayon."Kinakabahan kong sagot.Inihanda ko na rin ang dalawang tainga sa armalite niyang bibig.

"At bakit?"mataray niyang tanong.

"K-Kasi lubb,nagpapasama si nanay sa akin."palusot ko.Pero ang totoo,naghahanda ako ng surprise para sa kanya.

"Where?Para masundo ko kayo."

"No.No lubb..mother and daughter bonding to eh."Hindi siya pwedeng sumama dahil mabubulilyaso ang plano ko kapag nagkataon.

"Siguraduhin mo lang na si nanay ang kasama mo.At kung may kasama kang iba,wag na wag kang magpapahuli sa akin.Kundi,puputulin ko lahat ng pwede kong putulin sayo!"Banta pa niya.Jusko!Paano ba ako nakatagal ng isang buwan sa kanya?Hihi.

Napatingin ako sa daliri ko.At nakagat ko ang dila ko sa isipin na baka ito ang una niyang putulin sa akin.

*Paano na ako makakatikim ng pu--putahe niyan?*

"Babylubb,alam mo namang behave ako."Pag aassure ko sa kanya na wala akong gagawing kalokohan.Takot ko lang maputulan.Lol

"Mabuti na yung malinaw.May pagka slow ka pa naman."Ang hard oh.

"Sige lubb,I'll call you later na lang ha."Paalam ko sa kanya.Sinadya kong wag bumati para may suspense.

"Wait,wala ka bang nakalimutan?"Pigil niya sa pagbaba ko ng fone.

"Uhmm..I love you?"sagot ko.

"Hmp!I labyuhin mo yang mukha mo!"Sabay baba niya ng fone.

Aray!Basag na yata ang eardrum ko sa sobrang lakas ng boses niya.

Napangiti ako pagkatapos ng tawag.Mamaya ko na lamang siya susuyuin.Kasama rin naman sa plano ko ang galitin siya.Hihi.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now