CHAPTER 17

2.2K 111 11
                                    


Rhian's Pov

Naranasan mo na ba yung pakiramdam na nasa langit ka pero hindi ka pa naman patay?Well,ako,oo.I feel like I'm in heaven right now habang yakap-yakap ng nag iisang tao na pinapasok ko sa puso ko..My very own bestfriend,Althea.

Pakiramdam ko ay safe ako habang nakaback hug siya sa akin ngayon.First time niyang gawin ito kaya noong una ay nagulat pa ako.Ang lakas din ng tibok ng puso ko hanggang ngayon.Para iyong isang batalyon ng musiko na nagtatambol,nagtotorotot sa dibdib ko.Lol

Nang matapos kaming kumain ay nahiga kami sa unahan ng kotse niya.Tanaw na tanaw namin mula roon ang kalangitan.Ang bilog na buwan at napakaraming nagliliwanag na mga stars.

"Nag enjoy ka ba?"Napabaling ako sa direksyon ni Althea.Nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.Pwede mong ihanay ang mga mata niya kasama ng mga stars sa kalangitan.Nag goglow iyon.

"Super.Thank you for the surprise bes-Althea."Maging ang eanderment namin ay hindi ko na din mabigkas lalo na't hindi lang yon ang gusto kong maging status naming dalawa.Pero ano?Ano nga ba ang gusto ko?

*Gusto kong maging akin siya.*bulong ng puso ko.

Handa na ba akong tawirin ang ilog(friendship) at subukang languyin ang dagat(relationship)?Handa na ba akong malunod(masaktan) kung sakaling tangayin ako ng alon(pagsubok)?At ang malaking tanong,sasamahan ba ako ni Althea sa paglangoy?Sasagipin(mamahalin) niya ba ako o hahayaan niyang malunod(friendzone)?

I sigh.

"Oh para saan yon?"Nakangiting tanong niya sa akin.

"Masaya lang ako."Tipid kong sagot.

"Can I ask something?"tanong muli niya.Tumango ako bilang sagot."Paano kung makagawa ako ng kasalanan sayo,patatawarin mo ba ako?"

"Bakit?Gagawa ka ba ng kasalanan?"Natatawa kong tanong.Masyado kasi siyang seryoso.

"Gusto ko lang malaman.Tsaka paano kung magkalayo tayo?I mean..hindi naman habambuhay magkasama tayo,di ba?"Nasaktan ako sa sinabi niya.So inaasahan niya talaga na magkakahiwalay din kami.Na hindi pwedeng habambuhay kaming magkadikit.

Hahaha..How funny can I get!

Syempre nga naman magkakahiwalay din kami.Mag aasawa siya.Hindi naman pwedeng ako ang mas unahin niya kaysa sa asawa niya.

Heller!Bestfriend ka lang te!

Kung noon excited akong ikasal siya at maging maid of honor niya.Ngayon,gusto ko pa rin siyang ikasal pero mas gusto kong ako ang bride niya.

The realization hits me!

The reality that I,Rhian Ramos,is lucky yet unfortunately inlove with my one and only bestfriend,Althea Guevarra.

Maswerte dahil mabuting tao ang minahal ko.At malas dahil ang mabuting taong minahal ko ay ang matalik kong kaibigan.
Sabi nila mahirap ituring na kaibigan ang iyong kaaway,pero mas mahirap pa lang ituring na kaibigan ang siyang tunay mong mahal.

"Ang dami mo namang tanong."Pinilit kong ngumiti para pigilan ang nagbabadyang pag iyak.Ibinaling ko ang paningin sa kalangitan para hindi niya makita ang lungkot sa mga mata ko.

"Sagutin mo na lang kasi.Paano nga?Makakaya mo ba?"Pangungulit pa niya.

Kapag nagkalayo tayo para akong kalangitan sa gabing madilim,at ikaw naman ang stars na nagbibigay liwanag dito.Kung wala ka,mapupuno ng kadiliman ang mundo ko.Gusto ko sanang isagot pero iba ang sinabi ng bibig ko.

X + X = Y not?Where stories live. Discover now