CHAPTER 29

2K 115 8
                                    


Rhian's Pov

Lumipas ang dalawang araw at sa condo na nga tumira ang babaeng nabangga ni Althea.'Babae',iyon ang tawag ko sa kanya.Ni hindi ko maatim na tawagin siyang 'nanay'.Hindi ko na lamang siya pinapansin kapag nagkakataon na nasa isang bahagi lang kami ng condo.Halos iwasan ko siya sa sarili kong bahay.Kumikilos pa rin ako na parang wala akong kasama roon.

Madalas din bumisita si Althea sa condo.Sa katunayan ay napapalapit na siya sa 'babae'.Alam na rin ni Althea ang tungkol sa nakaraan ko at hindi naman niya ako pinipilit na makipag ayos sa 'babae'.Pero alam kong isa sa dahilan kung bakit niya ininsist na dito tumira ang 'babae' ay para magkaayos kami.

"Anak..kumain ka na.Ipinaghanda kita ng paborito--"

"Pwede ba!Stop acting like a good mother coz I know youre not!"Bulyaw ko sa kanya ng inalok niya akong kumain.

Lalo lamang umaahon ang inis ko satwing tatawagin niya akong anak!

"Magaling ka na di ba?Bakit hindi ka pa rin umaalis?"Sama ng loob ang mababakas sa mukha ko.Satwing susulyapan ko siya ay bumabalik ang matinding galit na kinimkim ko sa nagdaang mga taon.

"Pero anak---"

"Are you abusing Althea's goodness o mas gusto mong ako ang magpalayas sayo sa 'bahay' ko?!"Idiniin ko ang huling salita.Ipapamukha ko sa kanya na hindi na ako si Yoyon na iyakin at sakitin.Hindi na ako ang anak na iniwan at ipinagbili niya!Ipapakita ko sa kanya na hindi ko na siya kailangan!

Tatalikod na ako ng makita kong nakaupo na siya habang umiiyak.Walang silbi ang mga luha niya kumpara sa dami ng luhang naiiyak ko nang iwan nila ako!

"G-Gusto pa kitang makasama,anak."Paanas niyang sabi ng tatangkain kong talikuran na siya.

"Gusto mo akong makasama?Hahahaha!"Inulit ko ang sinabi niya saka tumawa ng nakakainsulto."Bakit?Ipinagbili mo rin ba si Jaja?O iniwan ka na ng anak mong mas pinili mo kaysa sa akin?!"Sarcastic kong tanong.Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano katigas ang puso ko.Walang puwang ang salitang awa at respeto sa kanya!"Sabagay,sino ba naman ang magtyatyaga sa walang kwentang ina---"

"Rhian!"Pigil ng boses na iyon sa iba ko pang sasabihin.Nakita ko sa may pintuan si Althea at sigurado akong narinig niya ang mga sinabi ko."Wag mo siyang tratuhin ng ganyan!"Malakas na rin ang boses niya ng lapitan ako.Mukhang kampi pa ito sa 'babae'.

"Hindi mo kilala ang babaeng yan kaya wag mo siyang ipagtanggol sa akin!"Galit pa rin ang boses ko saka ako nagtapon ng masamang tingin aa babae.

"She's still your mother!At sa ginagawa mo ay nagiging bastos ka na!"Galit na rin nitong sabi pero hindi ako nasisindak.Walang makakapigil sa galit ko na naipon ng mahabang panahon!

"Wala na akong ina simula ng ipagbili niya ako!Tapos ano?"Tumingin ako sa direksyon ng 'babae' na nakayuko habang humahagulhol ng iyak."Babalik siya para sabihing gusto niya akong makasama?That's bullshit!!"Paghihisterikal ko.Dahil sa galit ay natabig ko ang mga pinggan na naroon sa table.Umalingawngaw ang tunog nito pati na rin ang pagmumura ko sa loob ng condo.

"Nasaan ba siya ng kailangang-kailangan ko siya?"Saka tumulo ang mga luha sa mata ko.Bumuhos lahat ng hinanakit ko.Hindi ko iyon maawat.Katulad ng galit sa puso ko na unti-unti akong nilalamon.

"Why don't you forgive her."Ramdam ko ang paghihirap din ng loob ni Althea.

"Paano mo papatawarin ang taong hindi naman humihingi ng tawad sayo?"Muli kong tiningnan ang 'babae' na punong-puno ng galit.

"Anak.."Nagtatakbo na ako palabas.Ayaw ko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin.Dahil alam kong puro kasinungalingan lamang iyon.

Glaiza's Pov

X + X = Y not?Where stories live. Discover now