Please read before voting.
Dedicated sa kanya. Thanks for putting all my stories sa Rl mo =))) So happy dahil sinusuport mo me =) Lav ya :* ( Yuck ang FC ko ba =( )
============================
SATURDAY
" Oo na, ito na papunta na!! " Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili hindi dahil may party, kundi dahail babayaran ko ang pagkakamaling ginawa nila Joaane!!
Nasa kabilang linya si Jinro. Hawak-hawak ko ang suklay at sinusuklay ito ng marahas sa buhok kong matigas habang ang cellphone ko naman ay nakaipit sa pagitan ng tenga at leeg ko. Hayy, ang hirap!
" Bilissan mo kaya!!! Pagbilang ko ng sampu at wala ka pa dito sa bahay ko, ako ang pupunta diyan at sasabihin ko ---"
SHIT! SHIT! SHIT!!! Sasabihin niya!! NO WAY!! Siguro ok na rin naman 'to. Mukha pa naman akong tao sa lagay na ito e. Binudburan ko na ang mukha ko ng pulbo, kinuha ang mini wallet at cellphone tsaka umalis.
" O, anak? San ang punta natin? "
" Ah, ma, mamaya pa po akong gabi makakauwi, si Rhea po kasi, wala silang katulong ngayon kaya kailangan niya po ako. "
" Naku! Kawawa naman, ito o, bigayan mo siya nito. "
" Dinuguan?! "
" O, ba't gulat na gulat ka? Diba, nung isang araw dinalhan ka rin niya dito ng dinuguan? Tsaka, siya na rin mismo nagsabi na paborito niya ito. "
" Ah!! Oo nga pala! Sige ma, akin na yan. " kinuha ko ang lunch box at humalik kay mama tsaka ako umalis.
Kung bakit si Rhea ba naman ang naisip kong isubstitute.
Pagkalabas ko ng bahay, sinara ko ang gate at...
O_O
" Anong ginagawa mo dito?! " Pabulong na sigaw ko sa kanya. Naku! Kung magkataon na naglalaba si mama, patay ako niyan!
" Diba sabi ko pagbilang ko ng sampu dapat andun kana? E since walang Kyuna na dumating edi ako na lang ang nagpunta. "
" Alam mo, di ako tumatakas sa mga responsibilities. Kung sinabi kong gagawin ko, gagawin ko, ok! "
" Kyuna, bagong gising ka lang ba? Naligo ka ba o binuhos mo yung hair spray, gel at wax sa uhok mo? Tapos ano yan, ang daming puti sa mukha mo. "
" HA?! K-kasi nagmamadali ako kaya yun.. BASTA IT'S ALL YOUR FAULT! "
" Kyuna?! Andyan ka pa ba?! " Shet si mama!
" Tara na! " hinila ko ang kamay niya at pumunta na palayo sa bahay namin.
==================
Sumakay naman ako agad ng sasakyan niya.
" YOU ARE LEAVING GANG 101 "
O_O Saan kami pupunta?!
" H-hoy! Bakit tayo.. "
" Huwag kang mag-alala, malapit lang naman dito yung condo ko. "
" O-ok. "
#SilenceRulesTheAtmosphere.
Ang tahimik naman, makakatulog ako nito e. AHY! Oo nga pala!!! Matanong nga--
" Saan ka nga pala nag-aaral? "
" Ako? Home school ako e. Bakit? "
" Aww... kawawa ka naman, hindi mo man lang na-eexperience na mag-aral sa isang classroom."
