A/N: After a long time, nakaag-update din! Super struggle pala ang maging college student. Since may long vacay ako bago mag next term, inupdate ko ulit to. I miss making stories. Anyways, dedicated to you =) Thank you for supporting the story =)) God bless!
Enjoy!!
============================================
" Kyuna, sigurado ka bang buntis ka? "
" Hmm... oo, bakit? "
" Kailan ba kayo nag-ano... ? "
" Ahmm... 2 days ago? "
"2 days ago lang?! Malamang baka wala pa yan?! Nag-aasume ka naman agad, malay mo baog ka pala! HAHAAHHAH! "
" A-anong-- So?? Naiinggit ka naman?! Palibhasa, di kayo close ng baby brother mo kaya ka ganyan. "
Nakakainis kasi 'tong si Night e! Nakakahiya rin kasing umamin na nag-aasume nga ako porke may nangyari sa amin ni Rain last week. Sa totoo lang, hindi kami mag-on ni Rain, pero hindi ko talaga alam kung bakit ako sinapian ng spirit ng kalandian nung mga panahon na yun! Ang isang supposed to be na simple celebration ay nauwi sa... Ahem!
Napatingin naman ako bigla kay Night, dahil bigla siyang nanahimik.
" O, problema mo? Nanahimik ka bigla? "
" Sinabi pala niya sayo ang tungkol sa kapatid ko. "
Napatigil ako sa pag-inom ng coke in can ko. Biglang naging awkward ang atmosphere. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin patungkol sa topic na ito.
" Ahm... may babae kasing lumapit sa--- "
" Si Lyanna yun. "
" Ahh.. Si-- "
" Stepmom ko. "
Bigla ko tuloy naalala dati, nung nakita ko sya sa may grocery. Mukhang galit na galit nga si Night nung mga panahon na yun sa kanya. Bigla akong nacurious kung bakit sya galit dito. Pero mukhang hindi ko na kailangang ituloy ang pagiging curious dahil... mukhang sasabihin rin naman nya sa akin ang dahilan.
" Naging favorite place na ni papa ang mga clubs simula nung namatay si mama. Inom dito, sigarilyo jan, basta nalulong sya sa bisyo. Hanggang sa, nakita nya si Lyanna, isa sa mga famous club dancers sa Gang 101. Nung una, hindi nila sineseryoso ang relationship nila. Witness ako nun, dahil lagi lang naman sila naghaharutan sa kabilang kwarto at rinig na rinig ko ang mga hindi ko dapat marinig. "
Huminga muna siya ng malalim tsaka nagpatuloy.
"Hanggang sa minahal ni papa si Lyanna, at dahil sa kanya kaya naman nagseryoso sya sa pagtratrabaho at unti-unting naging maganda ang buhay namin dahil dun.Masaya ako nun para kay papa. Ok na sana ang lahat, kaso may nangyari. Pauwi na ako ng bahay nang makita ko si Lyanna na kausap ang kanyang mama. "
Flashback
" Ma, magiging mayaman na tayo. hindi lang basta basta ang nagayuma ko! business man siya. At oras na makakuha ako ng position sa company nya, yayaman tayo at maipapagamot na kita."
" Pero anak, hindi magandang makipaglokohan sa mga taong nagmamahal sayo ng tapat at totoo. Kakarmahin ka sa ginagawa mo! "