OMG sorry, alam ko matagal mo na nilagay 'to sa R.L mo,pero hindi kita nadedicatan. I'm sooo sorry talaga=(( Anwhooow, THANKS SA PAGLAGAY SA R.L MOOO=))
HAPPY NEW YEAR!!
==================
Pababa na kami ng sasakyan ni Night. Andun pa rin pala sa loob ng bahay yung mga gamit ko. Hindi naman ako totally na naglayas, may mga iniwan pa akong gamit sa bahay. Like yung school supplies ko, uniform, konting damit and yung money na naipon ko one month ago. Ang tagal kasi buksan ni Tito Rojie yung bar kaya wala akong pinagkakakitaan ngayon.
Yun lang ang mga dala ko. The rest, bibili na lang ako.
Binuksan na ni Night yung gate ng bahay. Iniba na pala niya yung gate. Dati kasi, sinusuksukan namin ng susi yung lock, ngayon, de-pindot na ang gate namin. May code na iniinput si Night para mabuksan yung bahay.
" Ano yung code number mo?" tanong ko sa kanya.
Pero hindi siya sumagot, diretso lang siya sa loob.
" OI!!! ANONG YUNG CODE?!!! " tinatanong ko kasi, pano kung hindi ko siya kasama tapos, wala pang tao sa loob. Paano na lang ako makakapasok?
" Golden rule. " yan lang yung sinabi niya sa akin.
Ahhh~ oo nga pala Mind your own business...
Tsss~ bahala na nga! HAnda akong manghula pag nangyari yun!
Pumasok na rin ako ng bahay. At nakita ko yung mga changes. Bahay ko pa ba 'to?!! Naging sophisticated kasi yung itsura. NAKAKAPANIBAGO!! Naging glass house na ata tong bahay.
Iba na rin ang pintuan. Hindi pala color black yung pinto. Kaya ko pala nabuksan agad yun dahil wala talga siyang lock and yung style niya yung parang entrance door sa mga malls.
Mas naging spacious na rin yung bahay. Ngayon ko lang nakita kung gaano kalaki yun.
" Asan na yung kwarto ko? "
" I suppose, sayo yung may hello kitty na wallpaper? "
" OO AKIN YUN!! "
" Tinanggal ko na yung mga wall papers. Gagawin ko sanang bathroom yun. Pero since di ko pa naman tinatanggal yung mga equipments. "
" So... andun pa yung kama and drawer ko..? "
" Hmm. "
Kinuha ko agad yung gamit ko at inakyat yung kwarto ko. Oo nga pinapaliatna na rin niya yung design nun. MAy tiles na. Gagawin lang niyang bathroom 'to?! Masyado namang malaki to parang maging washroom.
Pero nakakapagtaka, bakit mag-isa lang siya dito?
Nilibot ko muna yung buong second floor. Nakita kong may stairs pa paakyat. Nagpalagay na rin siya ng 3rd floor? Saan niya nakukuha yung pera? May pera siya panggawa pero di niya binayaran fully yung bahay? Bakit kaya?! BAKIT!!!
Gusto ko man siyang tanungin mga kaibigan pero sabi nga niya... Mind your own business.
" Kwarto mo lang ang pakialaman mo. The rest... kailangan mong humingi ng permission. "
" ANO?!! Teka!!! Unfair naman nun! Dapat hati tayo sa bahay!! HATI! "
" Ok! "
" Anong ok?! "
" Mamaya, magpapagawa ako ng divider since nasa left yung kwarto mo. Lahat ng nasa left, sayo. Wag kang lumagpas sa divider."
" Paano kung gusto kitang kausapin? "
