3:00 am
*dilat*
Anong gagawin ko..?
4:00 am
*dilat*
Paano na..?
5:00 am
*dilat*
Papasok ba ako?
6:00 am
*dilat*
Sa--
*blag*
" RISE AND SHINE SLEEPING BEAUTY!!! "
" ARGHHHHHHHH~! " bakit ang aga mang-istorbo nitong si Rain! Tinakluban ko ng kumot ang sarili ko, habang pinapatay niya ang aircon ko at binuksan ang bintana at ilaw. ARGH~ YUNG ARAW! Masakit sa mata!
" Alam mo, kaya ka pumapanget. Gabi ka na kasi matulog tapos ang aga mong magising tapos pagkagising mo sa umaga para kang nagiging tigre. ' ARRGH~ ' Tss... BANGON NA! " tapos inalis niya yung kumot ko. Binawi ko naman yun agad. Ano bang problema nito?! Nanggigising! Wala namang pake 'to e!
" AH! AYAW MO GUMISING HA! " Talgang ayaw!!! Natulog na lang ako ulit habang nakatabon sa akin ang kumot kong mabubutas na. Grabe naman yung kuko nun, halimaw ang dating!
*SPLAH*
" KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~ " napabalikwas ako ng gising dahil tinapunan niya ako ng tubig na may yelo! San niya nakuha yung yelo..?!
" Good morning... a-te ^______________^ "
" Good?! Bakit mo naman ako binasa! Gigising rin naman ako ah! " tumayo ako at hihigitin na ang kwelyo ni Rain. Ayoko talaga sa lahat yung iniistorbo ang tulog ko!
*blag*
" KYUNA! "
Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Susmarya! Si mama!!!
" M-m.. " tinanggal ko ang kamay ko sa kwelyo ni Rain. Nanggagalait na ang mga mata ni mama. Bakit ba laging monster ang dating ni mama sa akin?! HEOL~
" Ah.. tita, ok lang po ako. "
" Rain, hijo, mauna ka na sa baba. Kakausapin ko lang si Kyuna ^_^ " bumaba naman si Rain at ang loko hindi man lang nag-sorry.!
" Kyuna, mahiya ka nga! Kabago-bago mo pa lang, ganyan mo na sila tratuhin! Ganyan ba ang tinuro ko sayo? "
" E kasi ma..di ba alam mo naman po na ayokong naiistorbo yung tulog ko kaya ko nagawa--"
" Mas matanda ka, Kyuna! Bakit mo pa siya pinapatulan. Tsaka, tulog lang naman yun ah! Ang dami mong oras mamayang gabi para matulog! "
" Hindi ko siya pinapatulan! Pinaparamdam ko lang sa kanya na ayoko yung ginagawa niya para hindi na niya ulitin! "
" Mali yan Kyuna! Ano na lang sasabihin ni Rojie pag nakita niya yun!? Na walang modo ang magiging anak niya! "
" MAMA! Bakit ba kayo ganyan?! Bakit ba ang init init ng ulo niyo sa akin?! Ano bang nagawa ko! "
" Hindi mainit ang ulo ko sayo Kyuna. Pinapaalala ko lang sayo yung mga tinuro ko! "
" Ganyan ba kayo magturo sa akin dati?! Pasigaw? Pagalit? Parang walang pake kapag kinakausap kita?! Ganyan ka ba magturo dati?! "
" KYUNA! Wag mong ibahin ang tono ng pananalita mo! "
" Wag mo rin sanang ibahin ang trato mo sa akin! Pag sila Cole ang may kailangan sayo, pinupuntahan mo, pero pag ako.. lagi ka na lang naghahanap ng excuse. Kesyo pagod ka, busy ka or baka naman ang totoo niyan, wala ka ng pake! "
