#15.5

138 2 0
                                        

" Ganito ba ang tinuro ko sayo?! SAN BA AKO NAGKULANG KYUNA, SAAN?! "

" Mama, wag kang sumigaw... " natatakot na ako kay mama. Para siyang sinapian ni Drackula at ni kamatayan, tumitirik na rin ang mga mata niya. Nakakatakot siya!

" At talagang nakipag... nakipaglaplapan ka.... sa beach pa! HINDI KA NA NAHIYA!! "

Nakipagkiss lang hindi nakipaglaplapan, hindi ko nga alam kung ano ibig-sabihin nun e, naririnig ko lang din sa mga tambay sa amin.

" Hindi ko ginusto yan! Aksidente po yan ma! " narinig kong lumabas na ng kwarto ang triplets at inilalayan si mama, dahil mukhang tutumba na ito. Buti na lang at nasa work si tito Rojie.

" AKSIDENTE?! PERO NAKAPIKIT KA?! NAGSISINUNGALING KA PA! "

" Hindi nga po ma! Tsaka, bakit kayo may litrato ko?! Pinapaspy niyo ba ako?! "

" Of course! Mahirap na, lalo na ngayon.. nagiging malandi ka na! " ok! She hit my nerves! Never niya akong sinabihan ng masasakit na salita. Simula lang na magkaroon siya ng BUONG pamilya ulit naging ganyan na siya.

Malandi? Ako? Kailan pa?!

Suminghot ako at tinaas ang mukha ko para hindi tumulo yung luha ko.

" Alam mo ma, kung napapagod ka sa akin? Napapagod na rin ako sayo. Kung sumasabog na yang ulo mo? Sumasabog na rin yung akin. Bakit? Kasi parehas lang naman tayo ng bloodline. Pero kung ituring mo ako... bakit parang ako yung lumalabas na hindi mo anak? Bakit ka ba galit na galit sa akin ngayon? Dahil nakikita mo pa rin si papa sa akin at minsan gusto mo ng mag--"

" Tumigil ka, Kyuna... " mahinang sabi ni mama pero hindi ako tumigil.

" Bakit, nahihiya kang malaman nila? Na kaya mo ako kinamumuhian ngayon dahil nakikita mo sa akin ang mukha ni papa kaya minsan gusto mong mag-backout! Yun yun diba! Mahal mo ba talaga si tito? "

" Kyuna, tama na. Ano bang sinasabi mo? " tinitingnan ako ni Cole ng masama. Pero mas masama kung itatago ko sa kanila ang nararamdaman ni mama.

" Bakit di mo ako sagu---"

" TAMA NAA!!~ AH--AHHH, TIYAN--AHHH"

Bigla naman kaming nagpanik. Bakit sumisigaw si mama? Hinahawakann niya yung tiyan niya. Namumutla na rin siya.

" MANONG IHANDA MO YUNG KOTSE!! " sigaw naman ni Rain. Binuhat nila ni Cole si mama at si Bow na lang ang nasa tabi ko.

" Bow... anong..nangyayare? "

" Kayo lang ang may alam niyan, labas kami diyan. "

" Ang.. sama ko... "

" You did the right thing. Pero sabi nila, Wrong is better than right. Minsan, maraming mapapahamak kapag ginawa mo ang tama. "

" Ayoko namang magsinungaling. I did the right thing. But... it turned out bad. Pag may nagyari kay mama-- "

" Laos na yang line na yan Kyuna. Pag may nangyari sa mom mo... yun ang nababagay sa kanya."

Galit ako kay mama... pero parang mas nagagalit ako sa sarili ko. Asan ang temperance? Bakit di ko na macontrol ang sarili ko?

==============================

Inihatid ako ni Bow sa room kung san nakahilatay si mama. Pumasok kami at nakita ko ang galit sa mata ni Cole. Bakit ba siya galit na galit sa kin? Ako nga dapat ang magalit sa sitwasyon na ito e!

" Ang sama mo Kyuna! Akala ko mabait ka! Pero demonita ka pala! "

" A-ano bang sinasabi mo?! " nakakunot na ang kilay ko. At parang may nag-bubuild up na mga luha sa mata ko. Pinipilit kong wag itong bumagsak.

" Buntis si tita, pero puro sakit sa ulo ang binibigay mo sa kanya! Mahirap bang itindihin ang mama mo sa ganitong sitwasyon?! "

A-ano sabi niya?! " B-buntis si.... mama? "

" Oo Kyuna. Buntis si tita. "

Di ko na napigilan ang mga luha sa mga mata ko. Hindi maari 'to. Hindi siya pwedeng magkaroon ng anak kay tito Rojie.

Paano na lang ako? Ayoko na mag-isa ulit.... baka itaboy na talaga ako ni mama. Dali dali akong lumabas ng hospital. Doon ako sa pinakamalapit na park nagstay.

Iniwan ako ni papa, nahiwalay sa mga kaibigan ko, naiinis na sa akin sila Cole at Ara. Tapos ngayon... nagagalit sa akin si mama. Ginawa ko naman ang lahat ah... pero bakit kulang?

" Iniiyak mo nanaman? " nagulat na lang ako ng may tumabi sa akin. Nakaupo kasi ako sa bench habang niyayakap ang mga knees ko.

" Bow... "

" Iniisip mo na lahat kami dun makakapamilya. Ikaw ang lang ang hindi. "

" Bow, natatakot ako... baka di na ako kilalanin ni mama. "

" Sinabi ba niya yun? "

" Pero yun ang pinapadama niya ngayon. "

" Walang nagpapdama sayo ng ganun. Sarili mo lang nagpapadama sayo ng ganun. "

" Hindi mo naiintindihan! Palibhasa--"

" Bakit ba ganyan ang iniisip mo?! Bakit? Kadugo ba namin ang mama mo para isipin mo na mag-kakamag-anak kami?! Hindi naman diba! "

" Pag kinsal si mama at si tito, dadalhin na ni mama ang pangalan niyo. At ako, hindi na mapapalitan yun dahil wala akong balak! Oo, hindi nga kayo magkadugo... pero sa pangalan... magkakaparehas kayo at ako lang ang naiba. "

" Isipin mong mabuti ang gagawin mo. " tumayo na si Bow at lumakad paalis pero bago siya tuluyan umalis lumingon siya ulit sa akin.

" Maliit na butas yan Kyuna, pero tingin ko wala kang balak tahiin ito. You're making it larger. "

==============================

Nang mamamadaling araw na, bumalik ako sa room ni mama. Tamang-tama wala na sila Cole. Siguro napagod din yun kababantay kay mama.

Ayokong mamuhay si mama ng malungkot habang pinagbubuntis si baby. Siguro nga kailan niya munang magpahinga... kaya naman...

Lalayo muna ako.

==========================

Sabi ni mama, may pinarentahan niya itong bahay. Sa amin na ang bahay na ito dahil binili ni Tito Rojie. So it means, kami pa rin ang may-ari nito.

*tingin sa paligid*

Wala naman na sigurong tao sa paligid kaya tinuloy ko na ang balak kong akyatin ang bakod ng bahay ko. My GAHDD, di ko akalaing magmumukha akong akyat bahay sa sarili kong tahanan!

*bagsak* Ouch, my butt=((( Ang sakeet~~

Hinimas himas ko muna saglet yung pwet ko tsaka naglakad. Di ko namalayan na may bato kaya naman natalisod ako. Sheet nasprain pa ako! Mukhang bukas naman yung pinto kaya umarangakada ako ng pasok kaso... kulay itim pala yung door kaya di ko nakitang sarado pala yun

*boogsh* WOW MAH HEAD!

Pero ikinagulat ko dahil hindi pala yun nakalock kaya naman binuksan ko iyon pati na rin ang ilaw. Kahit hilo na ako pinilit ko pa ring lumakad ng tuwid kaso...

*PAK* naramadaman kong may kahoy na pumalo sa balikat ko. Hindi ko na kinay kaya naman natumba na ako.

bago pa man mag black-out.. may narinig akong boses...

" Kyuna..?! "

*blackout*

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon