" Sa kadahalinanag, nanalo ang A.A sa round one, sila ang sasabak sa ikalawang round para bukas." sabi ng isang superior na may hawak na mega phone. Napapaligiran din siya ng iba pang sports media.
Kami naman, kinakabanhan talaga. Hindi madaling kalabanin ang bawat skwelahan dito. Lalo pa't isa sa kahinaan namin ay ang pagiging mapagurin. Yung iba sa amin ay madaling mawalan ng lakas.
Nagulat na lang kami ng makita namin sa harap ang isang roulette. Nakalagay dun ang dalawang school. Ang Knight at ang Princestone. Sinimulan na ni Superor #2 i-spin ang roulette. At ang lumabas...
" Ok para sa round 2 nating, makaklaban ng Avila Academy ang mga taga Princestone Academy. Abangan natin kinabunasan kung sino ang mananalo laban sa dalawang grupo. "
Princestone... sana kayanin ko sila.
========================
Naglakad na akong papuntang bahay ng magkita kami ni Night sa may playground. Nanuod kaya siya ng laban?
" Gabi na ah, ba--- "
Ungas yun ah! Sninob lang ang beauty ko?! Dire-diretso lang siyang maglakad na para bang invincible ako dito.
Pero napansin ko kasi yun titig niya sa kalsada kanina habang dumadaan. Hindi iyun maganda, para siyang galit na galit sa mundo.
Lumakad na lang ulit ako at nakasalubong ko naman si..
" Long time no see, Kyuna. "
" Ti-tito Rojie. "
" Kahit ganyan pala ang suot mo, di mapagkakailang ikaw yan. Hindi kayang takpan ng mga damit ang katrayduran mo. "
Kaya naman pala galit sa akin si Night kanina dahil naka pang Kyu ako.
Hindi na ako nagsalita dahil alam kong may kasalanan naman talaga ako sa nangyare at may karapatan siyang magalit sa akin. Hinintay ko na lang siya na lagpasan ako dahil pag ako ang naunang umalis, baka sabihan pa akong bastos.
" Wala ka bang sasabihin... hija. "
Yumuko ako sagleit at pinakawalan ang isang butil ng luha sa mata ko. Bakit nakakayanan pa niya akong tawaging hija habang nakangiti? Sa kabila ng mga ginawa ko.. bakit, bakit siya ganito?
" Hija, Kyuna. Alam kong sinisisi mo ang sarili mo sa nangyare. Nakakagalit naman talaga ang ginawa mo! Ikaw na lang ang natiirang kadugo ni Katelyn tapos iniwan mo na lang siya ng basta. Lahat kami nung mga araw na yun ay todo alala sayo! Kesyo, nakidnap ka, namatay, na rape. Tapos, ano na lang ang nabalitaan namin? Sa iba ka nakikitira! At masaya ka pa! "
Ako... ang...may kasalanan. Sana ako na lang pala ang namatay. Hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang pwedeng mangyari. Akala ko magiging mas matatag si mama dahil may taong gagabay na sa kanya. Pero.. bakit hindi ko narealize na, ako pala ang taong yun at wala ng iba pa.
