Seeking for an update? Here you go =))) Thank you for reading GANG 101. God bless you too =)
=====================================================
Todo kapit tuko ako sa braso ni Night. Bakit ba? Na-realize ko kasi kahapon na diba nga girlfriend ako ni Night.
Sa sobrang busy ko kasi, nakalimutan ko na ang meron kami ni Night. Siya kaya, naalala pa kaya niya na inagaw niya ako kay Kyu, which is ako rin =)
Hanggang sa pagsakay namin sa bus, nakakapit pa rin ako sa kanya. At yung mga nakakasalubong namin... ewan ko ba sa mga mukha nilang panis! Girlfriend niya ako at may karapatan akong humawak sa kanya.
" Tabi tayo ha! " sabi ko sa kanya. Nakasmile pa ako niyan ha! NR lang siya, pero siya na rin ang humila sa akin papunta sa pinakalikod.
Doon ako nakaupo sa may bintana siya naman sa tabi ko. May mga ilang studyante ring papaakyat na ng bus.
" Anong nakain mo? " tanong niya sa akin pagkaupo.
" Yung pinakalast kong kinain? Yung niluto mo kagabi. "
" Wala naman akong nilagay dun a. "
" Meron kaya. "
Tiningnan niya ako ng masama, pero ngumiti na lang ako.
" Samu't saring gayuma ang nilagay mo sa steak Night. " pabulong kong sabi, pero mukhang hindi niya narinig, Nr ulit e. Or baka narinig, wala lang siya masabi.
" Night, kailan mo ba ako balak pakawalan? "
" HUH?! " Biglang lumaki ang mga malalaking mata ni Night, parang konti na lang puputok na iyon.
" I mean, malapit na matapos ang 2 buwan. Kailan ako aalis ng Knght Academy? Matagal pa ba?"
" Sasabihan kita kung kailan. Hindi mo kailangang magmadali. "
" Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? E halos magkasama tayo araw-araw. "
" Hindi naman ako nagsasawa. "
Napatingin ako sa sinabi niya. Hindi daw siya ngasasawa sa akin! Sabi na e... gus--
" Sukang suka lang naman. " sabi niya sabay pikit ng mata.
GRRRR!!! Tulugan ba naman ako! Paganti nga!
Kinuha ko ang red ballpen na nasa bag ko at sinimulan na lagyan ng design ang lips niya. I made sure na malapit na rin ang mukha ko para makita kong maayos ang bawat details nagagawin ko sa lips niya. HAHAHAH!!
MAya-maya naramdaman kong may shadow na nababalot sa amin ni Night, tinigil ko saglit ang ginagawa ko at sakto namang napadilat si Night. Sa sobrang gulat ko, na galaw ko yung drinowing ko. Na-smudge tuloy siya T__T YUNG DRAWING KOOOT_T
Pero mas benta ata tingnan ang mga mata ni Night dahil mukhang gulat na gulat siya sa nakikita niya ngayon, ano ba tinitingnan niya? Napatingin ako kung saan nakfocus nag kanyang mga mata.
And there I saw ...
" H-hi Ara! Wala na bang bakante? Ayan sa tabi ni Night, wala pang naka-upo diyan. " sabi ko with a... smile?
" Thanks. " yan lang ang sinabi niya. Pambihira, sayang ang smile ko! Di man lang ngumiti!
Inakbayan naman ako ni Night at saka binulong...
" What the F**K!? "
*evil smile* tinulugan ko na lang siya. Bahala silang dalawa. Mga heartless people! HAHAHA~
=======================
After ilang minutes, nagising rin ako. Tumingin ako sa may bintana, at nakita ko ang malalawak na green fields. Lumabas kami ng Gang 101?! HIMALA! Asan kaya kami?