Minsan sa buhay, may mga taong di nila alam sila ang nagiging hindrance sa ibang buhay ng tao.
*PAK*
Parang ako. Siguro kung di pa sinabi sa akin ni mama...baka marami na ang nasira ng dahil sa akin..
*PAK*
Kaya siguro ako nagkakaganito...dahil.... hindi ko iniisip ang ginagawa ko...
*PAK*
" KYUNA!!! "
" HUWAG! Please, jan lang kayo. Kaya ko sila... " wala na siguro ako sa sarili. Nagpapasuntok na lang ako sa mga ito. Masakit nga e... pero ok lang.
*PAK*
Gaya ng nangyari kay Jinro, siguro kung nanahimik na lang ako nuon, di magugulo ang isip niya. Hindi niya sigurong mapagkakamalang expectation ang mga gusto naman talaga niyang gawin.
Si Ara at Night. Kung sinabi ko lang sana ang totoo kay Night... baka iba pa ang nangyayari ngayon. At si Ara... baka hindi na muna siya nasasaktan ngayon.
*PAK*
Si mama, siguro kung di ako pumayag... nilalambing pa rin niya ako hanggang ngayon.
*PAK*
Si Cole, kung di lang sana ako lumabas, hindi siya mapapahamak...
Ang pagsisi nga naman ay nasa huli...
*PAK*
" Shit--- KYUNA!!! "
Ano ba 'tong ginagawa ko..? Nagpapakamatay dahil may gustong takbuhan?
"Kyuna...gumising ka!!! " inaalog na ako ni Cole. Pakiramdam ko, isa akong lutang na bangkay na wala ng problema sa buhay. Ito ang gusto ko..gusto ko ng mamatay!
" KYUUUUUUUUUNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~! "
==============================
Cole's POV
" Opo, tita. Pakibilis po please.. "
Pagkatapos kong ibaba ang phone, naupo ako sa tabi ng lalakeng kasama ni Kyuna. Nakashades at nakacap siya kaya naman, di ko siya makilala.
" Ahmmm... thank you po. " sabi ko sa lalake. Pamilyar sa akin yung mukha niya. Saan ko nga ba nakita 'to?!
" Naku, wala naman akong ginawa kaya wag kang mag-thank you. Nga pala, bakit mo ba hinahanap si Kyuna? "
" Nag-layas kasi siya sabi ng mama niya. Nag-alala ako kaya yun...hinanap ko siya. " Kung bakit kasi hindi ako naturuan ng kung fu na yan e! >.< buti pa si Bow magaling sa mga ganun!
" Bakit naman kaya naglayas si Kyuna..? "
" Di ko alam e... pero lately hindi nagpapansinan yung 2 yun e. " sa totoo lang, masyadong weird ang relasyon ng 2 yun. Hindi kasi sila nagpapansinan ni tita e. Parang parehas sila kung umasta ni Bow.
Lumabas naman ang doktor, kasabay nun ang pagdating nila tita.
"Kayo po ba yung mga kaanak ng sa E.R? "
"E.R?! Bakit nasa E.R ang anak ko?! " bungad ni tita. Dala-dala niya pala si Rain at.... Bow?! WOW! Sumama si Bow sa kanya?! HIMALA!
" Maam, ang totoo po niyan, malalala po ang mga bruises na natamo ng anak niyo. May mga bruises na sa tingin namin ay hindi pa gumagaling ng lubusan. Marami rin po siyang sugat sa katawan na hindi pa gaano kagaling. At--- "
![](https://img.wattpad.com/cover/8464923-288-k403343.jpg)