O_O
" WHAT. THE. HELL. " yan ang bungad ng maganda kong bibig pagkakita sa bagong 'look' ng bahay. Nahati nga talaga ito sa dalawa.
" O, ayan ha, nagpagawa na ako ng divider. Sliding divider ang tawag diyan. Pero di ka basta basta makakapasok sa kabila kasi pinalagyan ko ng customized lock yan. "
" Hindi naman kita papasukan e! Baka nga ikaw tong mamasok! "
Ngumiti siya at unti-unting lumapit sa akin.
" Bakit.. gusto mong...pasukan kita..? " A-ahh~ wait lang! ano na nangyayari dito? Nasapian? Nararamdaman kong inaapakan niya yung paa ko kaya syempre napapaatras ako habang siya umaabante papunta sa akin.
" A-ano bang s-sinasabi mo..? J-joke lang yun e.. " tapos nag-peace sign ako sa kanya habang nakangiti, hoping na titigil siya sa kanyang act. Pero hindi pa rin siya tumitigil eee~
" Hmmm... ganun ba--? " pagkasabing pagkasabi niya nun, napaupo na ako sa sofa. OH MY NO!!!
Nilalapit na niya yung mukha niya sa akin kaya lumingon ako sa left ko. Para in case na halikan niya ako, hindi matuloy! Girl scout ata to, maraming alam!
Nramadaman ko yung ilong niya sa tenga ko. Teka, nakapaglinis ba ako ng tenga? Ilang days na nga ba akong walang contact sa Johnsons bud? One week rin ata?
"Magluto ka na naririnig ko na tyan mo e. "
GRRR~
Yun pala yung kanina ko pang naririnig!!! AAARGH~ Pero teka? Bakit ako yung pinapaluto niya? Masakit pa nga yung katawan ko e!!
" Teka bakit ako?! " Tumayo siya ng maayos at tumingin nana naman sa akin with his natural poker face.
" Aba, ikaw ang gutom hindi ako! "
" Magpapadeliver na lang ako no! "
" Edi magpadeliver ka! Mind your own business nga diba! "
Pssh~ yan nanaman tayo sa mind your own business! Business niya utot niya!
Makatawag na nga lang. Gamit ng cellphone ko,tinawag ko nga Jollibee delivery dahil sa lahat ng chant ng delivery number yun lang ang hindi ko makalimutan.
*dialing 8-7000*
" Good eve-- "
" Isang Chicken bucket, spaghetti, burger steak at 4 coke. 6 rices please. Pag walang dumating dito, sisiguraduhin kong hindi ko na irerecommend ang Jollibe sa isang milyon kong kaibigan sa Luzon, Visayas at Mindanao! Yun lang Thnaks! "
" Y-yes maam. Deliver will be-- "
" In 20 minutes! " tapos naghung-up na ako.Wala na nga talaga sa matinong pag-iisip ang taong gutom!
=============================
After 20 minutes
Kinuha ko na kay kuya delivery boy yung pinaorder ko. At buti na lang yun at yun rin ang binigay nila sa akin. Una kong kinain yung spaghetti para bukas naman yung iba. Hindi naman siguro ito masisira kung ilalagay sa ref. Mabuti na lang yung dining area ay nasa side ko. =))
*BAAAAAAAAAARRRPPP*
Aaaah~ ang sarap ng feeling ng busog. Nilagay ko na sa basurahan yung kalat ko. Pati ba naman yung basurahan sosyal ang dating. May biodegradable, non-biodegradable at recycable. Nilagay ko na lang sa non-bio yung styro. Actually, namimili na nga lang ako kung saan ko ilalagay yan yung mga kalat ko.
" KYUNA! " narinig kong sumigaw si Night sa kabilang side. Problema nun?
" Papasok ako, gutom na ako e. "
