#32

74 2 1
                                    

A.N: I highly appreciate your vote for this story :> hoping for your support 

Enjoy!

===========================

3rd Person's POV

Lobong nakakalat, nagkalat na confetti at nagliligpit na mga maids. Yan ang naabutan ni Night nang pumunta siya sa bahay ng ama niya. Hindi na siya nakaabot dahil sa tindi ng traffic dahil maraming tao ang nanuod mismo malapit sa Meelee field kaya nagkalat ang mga motorista. Hindi man niya naabutan ang party, buong puso naman siyang pumunta sa bahay na yun. Kailan ba niya gugustuhing pumunta sa bahay nila?

Tinanong niya kung asan ang ama niya. Pero laking kaba niya ng sumagot ang mga katulong nila. Kitang kita sa mga ito ang takot habang binibigkas ang bawat salitang lalabas mula sa kanilang bibig.

 

" Sir, yung papa niyo po nasa hospital. T-ttinamaan ho kasi siya ng bala sa ulo."

 

" A-ano? "

 

Kinuwento ng katulong nila ang mga nangyari. Ganito iyon....

 

Masaya ang naging umpisa ng first b-day party ng kapatid ni Night. Kinantahan siya ng mga bisita pati na rin si Lyanna at ang ama ni Night. Nagpalaro pa ng iba't-ibang games para sa mga bata. Kitang-kita ang mga malalaking ngiti sa mga mukha ng mga bisita. 

 

Ilang oras na ang lumipas at napansin ng mag-asawa na wala pa si Night. Walang alam ang mga ito sa BAM, dahil nililihim ito ni Night sa kanila. Kaya naman, iba ang naisip ng dalawa.

 

Para sa papa ni Night, ito ang sign na hinahanap niya. Samantalang si Lyanna naman ay uusok na sa galit. Oo, alam niya kung ano ang iniisip ng ama ni Night. Minsan na niyang narinig ang pagmumuni ng asawa. Kaya nga pinilit niyang papuntahin si Night at takutin ito. Para sa kanya, hindi masama ang ginawa niya. Hindi naman ipangsusugal ang pera at ang company na mamamana niya sa aman ni Night. Ginagawa niya ito para sa kapatid ni Night.

 

Natapos ang ceremonya pero hindi dumating ang announcement na pinakahihintay ni Lyanna. Bigo siya! At dahil sobrang frustrated niya, nasampal niya ang asawa niya.

 

" Bakit?.. Nangako ka... "

 

" Sorry Lyanna, pero... the other half of me would always refuse to do so! "

 

" So, hindi mo ko trusted?! Lahat naman ng gusto mong gawin ko, ginawa ko ah! Kulang pa yun ha, KULANG PA BA?! "

 

" No...look, listen Lyanna. Give me some more time to think about this. Hindi ito basta basta. "

 

" I don't give a sh*t! You promised me!How dare you!? "

 

Nagulat si Lyanna ng bigla siyang itulak palayo ng ama ni Night. Medjo na out of balance siya pero sa nakuha pa niyang bumalanse.

 

" Bakit ka ba nagmamadali?! Sabihin mo nga Lyanna, do you love me? Or you love my money? "

 

Hindi makapagsalita si Lyanna dahil gulat na gulat pa rin talaga siya. Ito ang unang beses na ginawa ito ng asawa sa kanya. Pero iba ang naging tingin ng ama ni Night sa reaction na inilabas ni Lyanna. 

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon