*gasp*
*pak* binaunan ko siya ng isang malakas na sampal! Para yan sa walang karespetuhan mo sa akin, Night.
Tumakbo ako papalayo sa kanya. Papalayo sa lugar na iyo. May tama na siya Kyuna, pero di ka pa rin lumayo. E pano ako makakalayo kung nakaakbay siya sa akin tapos nilalapit pa niya ako sa kanya. *sigh* Pero bakit niya ako hinalikan? Nakatingin pa siya kay Ara habang hinahalikan ako! BASTOS!
Tumigil muna ako saglet sa may playground. Wala namang tao so...
" #@$@#%^&^ *&^&*(*&) &*()(_()+()*&$^$#!@!#%$&^(*!!!! " lahat ng mura na alam niyo, mapaiba man ang language, mahaba man o maikli, bago man o laos, naisigaw ko na!!!
Nakakainis kasi e. Kahit nga iba yung pakikitungo niya sa akin, nirerespeto ko siya bilang isang tao. E ako..? Porke ba reward lang ako, gaganituhin niya ako..?! Tao rin naman ako diba!!!
" AAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRGGHHHHHH~!!! " iniyak ko na ang dapat na iiyak.
Umupo muna ako sa isang upuan sa seesaw. Humawak ako sa may handle tsaka nilabas ang nararamdaman ko.
Masakit kasi na itrato ka na parang alien ng isang tao. yung dignidad ko, pride ko pati na rin ata kaluluwa ko tinapon niya. Ganun na ba kadilim ang paningin niya?!
Nagulat na lang ako ng bigla akong umangat..? Kasabay nun inangat ko na rin ang mukha ko.
" Oh! HAHAHAHA kala ko ibang babae, ikaw lang pala yan....a-te ^_^ "
" Pambihira! *sob* Sa dami ng pwedeng *sob* makakita, *sob* yung may tama rin! "
" Di ako umiinom noh! Kahit pa ang business namin ay clubs, never akong umiinom! Anyare sayo? San ka galing? "
" Anyare? Nanakawan ako ng halik. San ako galing? Sa Kiddie's Basta*d Club! "
Sumakay rin siya kaya naman nag sesee saw kami habang nag-uusap.
" Kyuna, nagpanakaw ka ng halik?! Hindi pa nga kita nahahalikan, naunahan na ako! Dapat pala tinuloy ko na yung balak ko sayo dati! "
" A-ano?! "
" Diba, nung dati, nakita mo akong nakapatong sayo, hahalikan dapat kita e, nagising ka yan tuloy naunahan ako! "
O/////O Kabata-bata para magsalita ng ganyan!
" Kung magsalita 'to... oy! ate mo ako noh! "
" Tch~ isang taon lang naman akong mas bata kaysa sayo! Months nga lang ata e! "
Nagpapatawa na siya pero... bakit naman ayaw huminto ng mata ko sa pagluha?! Oi, mata, hinay hinay naman sa pagrereproduce ng panibagong luha, masakit e!
" Rain, sorry ha, siguro naiinis ka ng kausap ako kasi... *sob* wala talaga akooo sa moood!!! WAAAAHHHHHT_____T " ayan humagulgol na ako!! NAKAKAHIYA>.<
Bumagsak ang upuan ko dahil umalis siya sa upuan niy. Pero nagulat ako nang hatakin niya ako papunta sa kanya. O_O ganito siya kalakas..?!
Pagkahatak niya bigla na lang niya ako niyakap.
" Wag ka ng umiyak. Walang kwenta yang iniiyakan mo. Mas maganda kung iiyak mo ang mga tawa mo. "
" Nkakatawa naman talaga mga jokes mo e, kaya lang--- "
" Wag mong isipin yun... Isipin mong andito ako...handang patawanin ka, kahit mahirap. "
AT ISANG MALAKING HIMALA ANG NANGYARE >.<
" Haha, tamo hindi ka na umiiyak! Sabi ko sayo e, meant to be tayo! "
" ewan ko sayo! " tinulak ko siya ng onti at umalis na pero nahatak niya ulit ako, hindi na niya ako hinug kiniss niya ako sa cheeks.
