" Sino nga ma!!? " Sino ba kasi yung mangungupahan dito?!
" Wala pa nga sabi! "
" Tsaka ma, paano naging atin yung bahay e nagungupahan nga lang tayo dito?! "
" Anak, diba ang sabi ko sayo pating ang nabingwit ko. "
O_O Ibig sabihin...
" BINILI NI TITO ITONG BAHAY!!? "
" Oo, ganun na nga! Bait noh! Sige, magready ka na, aalis na tayo bukas ng umaga. "
===================
Nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Lahat ng kailangan ko nilagay ko na sa 2 malalaki kong maleta. *sigh* Good bye room, I'll miss you.
*vibrate*
O_O nagvibrate phone ko? Teka baka si--
Girl, sorry di ka namin nahintay, yung mga boys kasi eee>///< Nga pala, may bago akong C.D ni Jinrooo maylabs... Nilibre ako ni Yena, sayan wala ka =((( Babawi ako next time PRAMIS!!! Labya, Have a beautiful nightmare!!
From: Bhestie
October 20, 2013 8:03p.m
__________________________________
Kala ko si Jinro ee:((( Galit pa rin kaya yun sa akin? *sigh* paano ko na lang kukunin yung lunchbox?
Hayaan na nga lang yun!!
===================
Kinabukasan
Nilagay na yung mga gamit namin ni mama sa kotse ni tito Rojie. Di ako sanay tawagin siyang papa, baka kasi... ewan, naiilang ako at the same time nahihiya.
Tiningnan ko muna yung bahay namin ng isa pa. Dito, nagsimula ang buhay ko, kaya kahit meron nakatirang iba dito, pupunta pa rin ako dito. Mananatili dito ang puso ko.... kasama si papa...
" Tara na Kyuna" sabi ni tito.
" Opo. " Sumakay naman ako. nasa backseat ako at nakatulog ng ilang saglit. Nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan, bumaba na sila tito kaya bumaba na rin ako. Kinuha nila ni mama ang bagahe namin kaya naiwan ako sa garahe nila.
L*chugas! Mukha bang tagarito ako! At alam na alam ko kung asan ako?! ANUBA!!?
Napilitan tuloy akong pumasok sa loob. Isang engrandeng staircase ang sumalubong sa akin. Parang may mag-dedebut ngayon?! O ganito lang talaga ang "mansion" nila. Tumingin ako sa paligid ng may bumaba sa staircase.
" Kyuna, andito ka na pala. " si COLE!! *sigh* buti na lang at dumating siya!
" Oo nga e, nauna na sa akin yung 2 parrot kaya naiwan ako. "
" HAHAHA, baka lovebirds? "
" Sus, ang dadaldal kanina sa byahe. Dito pala kayo nakatira sa may uptown. "
" Well... "
Uptown. Kung may downtown, syempre may uptown. Dito mo makikita yung mga taong UP sa buhay. Meaning, mayayaman, mayayaman at mayayaman.
Kung itatanong niyo kung nasaan kami, nasa ibang district kami.
" Nahiya ka pa! "
" Kumain ka na ba? " tanong nya sa akin. Tamo iniba yung usapan!
" Hmm. Di pa kami kumain e. "
" Sige, sasabihan ko lang si manang maghanda, wait lang ha. "
" Sige. Thanks. "