#19

135 3 0
                                    

Pagkatapos naming manuod ni Night, pumunta kami sa gawi ng mga kainan. At dahil wala naman kaming pera, kumuha na lang kami ng free taste dun sa may kanto. BBQ flavored kwek kwek yung tinitinda.

" Sarap naman! " sabi ko habang ngumunguya ng kwek kwek.

" Magyaya ka na lang lumabas, wala ka pang dalang pera! Walang kwenta! "

" ABA! Magpasalamat ka at may alam akong free taste stall dito sa uptown! "

" Oo, ito lang nilibre mo sa akin. Wala man lang drinks! " Sasagot pa sana ako dahil nakakainis na talaga siya, kaso...

"Ahh...~ " napahawak ako sa tyan ko. Bakit ba ang sakit sakit nito? Kanina pa!

" HA! Ano? Nagdradrama ka naman ngayon para maawa ako sayo? Di kita lilibre asa ka! "

Sinamaan ko siya ng tingin.

" M-masakit e! " Ano ba? Ang sakit sakit talaga parang hinahatak palabas yung tyan ko! Ang sakit sakit!

" Baka naman sira na tong kwek kwek?! Leche! Tapos pinakain mo pa sa akin!? "

" K-kanina..pa 'to! " hinawakan ko lang yung tyan ko. Namimilipit ako sa sakit!

" D-dalhin na kaya kita sa hosptal?! "

" HUWAG! " umayos ako ng tayo at tiningnan siya.

" Ayos lang ako. " sabi ko na naka smile.

" NO! I insist, sige na, ako na ang bahala sa hospital bills, pupunta na tayo dun. Baka mapano ka."

Inakbayan ko na lang siya, which means um-oo ako. Sa totoo lang, gusto ko ng magpakarga sa kanya. Sobrang sakit na talaga.

Papunta na kami sa may taxi stand ng mahagilap ng mata ko si Ara. Nakakaawa naman yung mukha niya ngayon... may nangyari sigurong masama sa kanya... bakas kasi ang kaulungkutan sa mga mata niya.

" Night... si-- "

" Alam ko. Hayaan mo siya. "

" ARA!! " at kahit namimilipit sa sakit ang tyan ko, nagawa ko pang isigaw ang pangalan niya.

Napatingin naman siya sa gawi namin.

" Anong ginagawa mo Kyuna? " bulong ni Night sa akin.

" Nakikita mo ba ang luha sa mga mata niya, Night? Kailangan niya ng makakausap. At tingin ko, kailangan ka niya Night. "

" Pero kailangan mo rin ako, kaya hayaan na lang natin siya. "

" Mas kailangan ka niya Night. Diba mahal mo siya? Ipakita mo pa rin yun sa kanya. Malay mo, maibalik niyo ang dati. Dali na-- "

" Pinili kita, kaya wag mo akong palisin sa tabi mo. " napatingin ako sa sinabi niya saka ngumiti.

" Ayos lang ako Night. Sige na, bago pa kita bigyan ng problema ngayong gabi. Wag kang mag-alala, uuwi akong buhay ok. " tinanggal ko ang pagkakaakbay ko sa kanya saka umalis.

Naramadaman kong, nadagdagan ang sakit sa katawan ko dahil sa paglayo sa kanya.

=============================

SA isang madilim na eskinita ako dumaan. Ito na kasi ang pinakashort cut papunta sa bahay ko. Habang naglalakad nakalagay pa rin ang kamay ko sa tyan ko. Ang sakit sakit pa rin.

" HOLDAP TO!!! "

O_O

Naku mukhang may naholdap sa pa sa likod ko. Buti na lang hindi ako.

" SABING HOLDAP TO E!! " tumingin ako sa likod at nakita kong may nakatutok na kutsilyo sa akin.

OMYSHEMNESS~ Ako ang inaatake ni manong holdaper!!

" A-ako ba? " tinuro-turo ko ang sarili ko. Ang ewan ko naman, 'tural ako. Ako lang naman ang nandito e! >__<

" Ahy hindi baka siya. "

" Siya naman pala e. Sige mauna na ako! " at kahit gusto ko pa mang tumakbo, wala na akong maitatakbo. Masakit pa rin ang tyan ko na ngayon ay dinagdagan na ng ulo.

Bigla akong hinugot ni holdaper at tinututok yung kutsilyo sa leeg ko.

" Akin na pera mo! "

" W-wala akong pera! " gusto ko talaga siyang sapakin at ilabas ang kung fu skills ko , kaso yung tyna ko eee~ Masakit! >_<

" Papatayin kita pag hindi mo ginawa! "

" Naman kuya, laos na yang line na yan e ibahin mo! "

" Laos na ba? E yun kasi ang alam kong line ng holdaper sa mga movies. "

" Edi ibahin mo. Tapos pag na iba mo tsaka mo ulit ako holdapin! "

" Niloloko mo ba ako miss?! " binaon niya yung kutsilyo sa leeg ko. Sh*t nararamdaman ko yung talas ng kutsilyo!

" Wala--- "

*BANG*

" AAAAAAAARRRRH! " tumumba yung manong holdaper kaya naman agad akong nakalayo.

May yumakap sa aking lalaki at agad sumunod ang mga pulis para damputin sa manong holdaper. Tinamaan nila ito sa binti.

" Sala--- JINRO? "

" Ok ka lang ba? "

Nagnod naman ako.

" Actually kanina pa namin hinahabol dito lang pala sa eskinita nagtago! "

" ARRGH~! " Ayan nanaman ang sakit!

" Oh! Did he stab you? "

"No... pwedeng i-uwi mo na lang ako? "

" Sure. "

Naglakad kami papunta sa bahay ko, nag-usap ng konti at di nagatagal, nasa tapat na kami ng bahay.

" Thank you ulit Jinro. "

" Naku! Wala yun! " nag wave na ako sa kanya saka binuksan yung gate ng bahay.

" Ah.. Kyuna! "

" Hmm? " nilingon ko siya.

" May dugo ka... "

Kinapa ko ang leeg ko at oo nga.. may dugo. Matulis pala talaga yung kutsilyong ginamit ng holdaper!

" Ito ba? Kanina to nung hinoldap ako. "

" Hindi diyan... sa likod... "

(?)_(?) Likod?

Tiningnan ko ang likod ko at BLAHHHGHH~ May dugo ako sa pwetan! Parang naging Japanese flag yung pants ko!

" AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH~ " sigaw ko papasok ng bahay.

=========================

Lord, ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit po ba ganito kasakit ang pagkakaroon ng period? Parang bumara sa tyan ko ang isang dambuhalang watermelon. At bakit ganun? Ayaw niyang lumabas kaya mas lalong masakit.

Gumapang-gapang ako papuntang kwarto. Ewan ko, pero mas mainit kasi kung hihiga ako sa sahig. Kaso ang problema, malamig ang sahig sa kwarto ko dahil marmol siya. Gagawin nga kasing CR yun ni Night!

Trinay kong matulog sa hagdan... And there, I find PEACE. Ramdam ko ang init ng kahoy at pinulupot ang sarili ko dun. Buti na lang malawak ang stairway.

Syempre nagpalit ako bago matulog noh!

==============================

TBC

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon