#9

165 2 0
                                    

And since you're asking for an ud =)) Here it is!!!

Thanks for supporting :*

=================================================

One week na ang nakalipas ng pag-aaway namin ni Jinro, ang di inaasahang takbuhan namin ni Night at ang pagstastay sa kanila Tito Rojie...

Habang nagtatagal, napapansin ko ang unti-unting pagbabago ni mama.

Dati, ako ang lagi niyang inaasikaso. Pero ngayon... nakatuon siya kay tito o di kaya sa triplets pero pag dating sa akin..

" Kyuna... bukas na lang pagod na ako. " minsan ko na lang din siya marinig na tawagin akong anak. Hanggang sa di naglaon... Kyuna na ang tawag niya sa akin.

" Tita! Nagkaproblema po sa balancing of accounts si Color! " nagpapanic na sabi ni Rain. Agad naman tumayo sa higaan si mama at tumakbo palabas ng kwarto. Samantalang ako...

Pinagluto ko pa naman siya ng beef caserole, di man lang niya bigyan ng oras para matikman iyon... pinaghirapan ko rin yun.

*sigh* dadalhin ko na lang siya sa school bukas.

School...

*flash back*

" K-NAAAAAA!!! Naghahamon na ang Knight academy!! May sulat na oh! "

" Oo, alam ko, sinabi sa akin ni Night! Iniwan niyo pa talaga ako ni Yena kasama siya! "

" Sorry bhest, kasi naman yung mga guys, natakot sa tinginan niyong dalawa. Iba e! "

" Nga pala Kyuna. " biglang singit ni Yena.

" Ano yun? "

" Nanuntok ka daw ng mga schoolmates natin. Ang daming absent sa gang! "

" F*ck! "

At dahil dun pinuntahan ko sila sa hospital at nagsorry ng ilang beses. Buti na lang at mababait sila. Gag* talaga yung Night na yun!

*end of flashback*

 ==========

Kinabukasan

" Ma, alis na po ako. "

" Hmm.. Ingat! Tara na Rojie. Bye Cole, Rain at Bow. " Nagbyebye naman silang 2 ni rain at Cole kay mama. Si Bow... deadma.

Buti pa sa kanila, nagbabye, samantalang sa akin hindi.

Lumabas na rin kaming 3 sa bahay. At dahil sa mas gusto pala ng 3 'to na maglakad, hindi sila sumasabay sa kotse ng papa nila. Kaya ito kami lakad mode.

" Uy, big sis, wag ka namang malungkot jan. " sabay akbay sa akin ni Rain. At kiniss pa ako sa cheeks.

" Bugnutin ka pala sa umaga! HAHAHA" asar niya sa akin. At dahil wala ako sa mood..

" Tch~ DALDAL!! "

" Ganda! " Adik talaga 'to! Mamaya pagsusupetsahan kami ni Cole at Bow e!

Hindi ko na lang pinatulan, maputulan ko pa to ng dila di oras e!

" San ka ba nag-aaral Kyuna? " tanong sa akin ni cole na nasa likuran namin ni Rain.

" Sa A.A. Diba nasabi ko na yun dati sayo? "

" Ah.. oo nga pala. "

" T-teka A.A? May kakilala ka bang Ara Herera? " biglang tanong sa akin ni Cole.

" Ara Herera? Wala e. Baka ibang batch. "

" Ah... baka nasa ibang school yun... nagkamali ata ako. "

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon