O_O...
B-bakit.. ahy mali!
Sino ang mga taong kaharap ko ngayon?!
At ang kakapal naman ng mga mukha nilang ispray paint ang dingding namin! Paano ko nalaman?! May dala slang spray paint. Silang pito kasi pito sila sa grupo.
" Nasan ang boss niyo? " tanong ng lalaking gwapo. Yun lang talaga ang appropriate description sa kanya. WALA NG IBA!
" Bakit niyo siya hinahanap?! "
" Nabitin kami sa laro naming dalawa. "
" Wala siya dito, absent! " KAINIS! Siya ba yung Night?! L*ch* siya!
" Pano mo naman nalaman, ekapapasok mo nga lang. Di ka pa nga nakakapasok ng loob ng campus e. "
Onga noh! Tatanga tanga kasi! *batok sa sarili*
" Ano kailangan niyo, ako na magsasabi. "
" At sino ka naman para pagkatiwalaan ko. " Di ko pwedeng sabihin.. ' HEY I'M THE BOSS YOU ASS*OLE! ' Malalaman niya ang tinatago kong gender!
" HOY! FOR YOUR INFORMATION, SIYA LANG NAMAN-- " Naku ayan nanaman ang maalaBoy Abundang bibig ni Rhea! NOOOOOO! Palusot please... Lord, please provide me a palusot, Right her right now♪. Bago pa malamang bakla este babae ako..ito lang ang tanging napalusot ko.
" Ako lang naman ang girlfriend niya. "
" OOOOHHHH!~ " naghiyawan naman sila Night. Samantalang yung mga alaga ko e binibigyan ako ng 'Ok ka lang? Baliw ka na ata e? ' look.
Sino bang hindi mababaliw sa ginawa ko?! I just told them na boyfriend ko ang sarili ko.
" Pasensya na! Di naman kasi obvious na may tinatagong paruparo yung palakang yun. Pakisabi na lang na.... "
" NA?! Anong sasabihin ko? " excited ako? Di rin. nakakainip kaya maghintay. Slow mo niya magsalita e!
" Na.... "
"Na..? " TAGAL!
" Na..."
" Ginaga*... "
" Aagawin kita, kaya magpakita siya sakin. NGAYON MISMO! "
O_O
AAGAWIN NIYA AKO?! May tama rin ata 'tong Night na 'to e. Dahil ba sa umaga ngayon? Hahaha ang corney!
Pero hinahanap niya ang boy side ko ngayon. Pakesh! Pano yan? Alangan namang, tumakbo ako at magbihis...
" Teka, tatwagin ko siya. "
" Hmm. Bilis! Pag natagalan kami, aalis na kami, at hindi ko babawain yung sinabi ko. "
At yun nga. Mas mabilis pa kay Flash tumakbo ako sa banyo at nagpalit. Buti na lang may iniiwan ako sa locker na extra kong damit in case of emergencies.
*loose shirt
*below the belt pants
*high bun
*stretched head band
*tanggal earrings
*tanggal watch
*tanggal i.d
*tanggal shoes
*rubber shoes
Ang I'm ready! POGI NA AKO! Ang pogi ko talaga.
Kumaripas ulit ako ng takbo papunta sa gate, kaso bigla akong nilapitan ng mga alaga ko.
