A/N: Dedicated to you =)) Thanks for voting for my story, means a loooot to me =) hahaha God bless!
Guys, ewan ko, wala sa plan na maging heavy drama ang gang 101, pero habang sinusulat ko siya, heavy drama yung nararamdaman ko. I'm warning those who're ot comfortable of reading heavy drama =))
=========================================
" I-ikaw ang nag-train sa mga yan, bhest?! "
" Ewan. Pinagsasabihan ko silang mag-handa para sa BAM, at hindi na magpapatalo pa. "
" WOW!!! Buti na lang bumalik ka na talaga dito Kyuna. Namiss ko kasi kasama ka. Kaso…h-hindi na ayo makakakain sa Burger King o saan pa man. Lalo na sa kalagayan ko. "
" Hindi ko hahayaan yun noh! Tara puntahan natin si Yena!--- Asan nga pala yung mayaman na yun?! "
" S-si Yena…absent kaya siya ngayon? "
" Boss… pwede ba magpahinga muna? Napapagod na kami e. "
" GO! Hahaha!! "
Nang makalis na ang mga alaga ko, tumingi ulit ako kay Rhea.
" Bhest, hindi absent si Yena, alam ko kung asan siya. Puntahan na natin siya."
" Baka may kasama yung tag-ibang school. Mahilig kasi sa blind date yun e! "
" Hahaha, hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng yun! Tara na, hihilahin na kita ha. "
Tinawagan ko si Yena dahil pupuntahan namin siya ni Rhea. Si Rhea ang dahilan kung bakit kami medjo close ni Yena. Mutual friend kasi namin si Rhea.
Pagkatapos kong tumawag, hinila ko nayung wheelchair ni Rhea palabas. Buti na lang maganda ang panahon.
" Bhest asan daw siya? "
" Si Yena… andun daw siya sa tapat ng BG Burger. "
"Sayang naman… "
" Bakit? " tinigil ko saglet ang paghila sa wheelchair niya.
" Ang tapat nun ay isang DVD store. Makikita ko sana yung poster dun ni Jinro."
Hindi nga ako bulag at pilay, pero feeling ko mas malala pa dun ang makukuha kong sakit kapag makikita kong nagkakaganito si Rhea. Ayokong iparamdam sa kanya ang kalungkutan niya.
" Ok lang bhest, maganda ka naman e! HAHAHA "
" Tsss~ maganda nga bulag naman. Paano ko na lang makikita ang true love ko. Paano pa kami ni Jinro ko T___T "
" Hindi na ba makukuha yan sa surgery? "
" Makukuha pa naman daw sabi ng mga doctor. Kaso… alam mo naman siguro ang financial status ko diba. "
" Hayaan mo, ako ang magpapagaling sayo! "
" HAHAHA!! Sige ba sabi mo e. "
Tinulak ko na ang kanyang wheelchair at pumunta na kami sa kinaroroonan ni Yena.
==================================
BG BURGER
Sa labas na lang kami ng BG Burger kumain para hindi hussle sa pagtutulak ng wheelchair. Hindi naman ganun kainit, makulimlim naman.
Si Yena ang kasalukuyang tumatayong right hand ko dahil nasa malubhang karamdaman si Rhea samantalang, hindi pa nahahanap si Mon. 2 weeks na pala itong nawawala.
Mabuti na lang at maraming connections si Yena. Isa siya sa pinakamayamang student sa school namin. At napakinabangan naman namin ang pagkamayaman niya.
" May good news ako girls! "
" Talaga Yena, ano naman yun?! " sabi ni Rhea at ngiting-ngiti naman siya.
" Alam ko na kung asan si Mon. "
" Asan siya?! " tanong ko.
" Matutuwa ka pag nalaman mo. Kaya bilisan na ting kumain, pupuntahan natin siya. "
===============================
Boxing Central Downtown
Ginamit namin ang kotse ni Yena papunta dito sa Downtown. Nakakapagataka lang, bakit andito si Mon? Nag-boboxing siya? Ganito na ba ang lakas ng influence ni Pacman sa mga kabataan?
" Mukhang hindi naman lulong sa drugs ang isang 'to. Lulong sa pawis! " sabi ni Yena habang tulak-tulak ang wheelchair ni Rhea.
" 2 linggo siyang nawala. Wag mong sabihin.. Nandito siya for 2 weeks. At hindi man lang niya sinabi iyon sa mga alaga niya! Napakaselfish talaga ng mokong to! "
Susugurin ko sana si Mon dahil sa ginawa niya! Ang lakas naman ng loob niyang iwan sa ere ang mga alaga niya. Sana kung mag-tratrain siya, sinabi niya sa kanila, o di kaya sinama rin niya dito! Hindi lang naman siya ang makikipag-away!
Pero napatigil ako sa paglalakad dahil hinawakan ni Rhea ang dulo ng uniform ko.
" Huwag K-Na. Ginagawa ni Mon ang lahat ng makakaya niya para sa grupo. Wag ka nang magalit sa kanya. "
" Rhea… We are one. Yan ang motto ng isang grupo, walang iwanan! Tingin mo, tama yang ginagawa niya? "
" Kaya niya ginagawa yan, dahil may tiwala siya sa mga alaga niya. Pero sa kanyang sarili, wala. Kaya pilit niyang pinapalakas ang sarili niya sa loob ng 2 linggo. Hayaan na tin siya. Next week na ang BAM, kailangan mo na ring mag-train. "
" Sige.. Pero saglet lang, pupuntahan ko lang si Mon. May sasabihin ako sa kanya. "
" Ah.. K-na… "
Diretso akong naglakad papunta kay Mon. Suntok dito suntok diyan. Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya? Hindi ba nagdudugo na ang mga kamao niya? Hindi ba siya nasasaktan?
Tumigil lang siya nang matumba na ang kanyang katawan sa saheg. Tch~ ang lalakeng to, kala mo ang cool niyang tingnan.
" Ano, napagod ka na? " sabi ko habang nakasandal sa pader at nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng skirt ko.
" K--K-Na… "
" Tsss~ K-na ngayon ang tawag mo sa akin! Namiss mo ko! "
" A-akala n-namin… h-hindi k-ka n-na b-babal-lik… " hingal na hingal siya.
Lumapit ako sa isang mini table sa tabi ko at may nakita akong bottled water.
" MON! " pagkatingin niya sa akin, hinagis ko sa kanya yung bote at ininum niya yun. Tss~ talaga nga naman, ang lalakeng to.. Hindi marunong mag-thank you.
Lumapit na ako sa kanya pero medjo malayo sa ring.
" Tingin mo, hindi ko kayo babalikan? Tss~ G*go! Sino ba ako sa akala mo? Boss mo ako, kaya responsibilidad ko kayo! "
" Namiss ko yan boss! … " biglang kumunot ang mga kilay ko dahil nag-iba ang tono ng pananalita niya.
Umiiyak si Mon.
Tama na ang pag-iyak. Masyadong madaming cry scenes ang story na to. Hindi ko na kaya pang makakita ng ganun. Gusto ko ng ibalik ang lahat sa dati.
Pagkatapos kong makaganti sa Knight Acad!
" Hindi daw umiiyak ang isang lalake! Kaya wag kang umiyak dyan Mon, magsapakan na lang tayo! "
" W-wala akong nagawa b-boss… wala… "
" Marami kang nagawa Mon. Ako na ang nagsasabi sayo.. Isa kang masunuring alagad ng Avila Academy. I'm very proud of you. Kaya, patunayan mo pa ang sarili mo sa BAM next week. Sige, magprapractice rin ako! "
Kaya nating bumango ulit, FRIENDS!! WACHA!!!