BAM Round 1
6:00 pm
S.E Vs. A.A
Pag minamalas nga naman, kami pa ang nauna! At ang nakakatakot, S.E ang kalaban. Hinding hindi ko talaga malilimutan ang eskwelahang 'to. Brutal sila makipaglaban.
" Kaya natin to K-Na. "
" Alam ko Mon. Tayo pa, kailan ba tayo nagpatalo sa mga nerd na yan?! "
Pumunta muna akong banyo para magpalit ng aking costume.
" Mon, siguraduhin mong walang nakasunod sa akin. "
" Yes maam. "
Tinungo ko na ang loob ng washroom at naramdaman kong gumalaw ang mga bushes na malapait sa Boys CR. Siguro nag-Cr din si Mon.
Agad akong nagbihis. Pagkatapos ng 2 minuto ay lumabas na rin ako at dumiretso sa Meelee Field. Nakahilera na ang mga koponan,ako na lang pala ang hinihintay nila. Nakipaghand shake muna kami sa bawat isa at saka tumalikod sa mga kalaban.
Agad naman na pumagitna ang mga superiors at reporters.
" Ang mananalo sa round na ito ay siyang sasabak para makalaban ang susunod na school. Ang matalo naman ay walang karapatang umangal. Malalaman natin na game over na para sa school niyo kung bumagsak na ang leader at hindi pa rin ito bumabangon after 10 counts o kung kusang sumuko ito. " sabi ni superior #1
" Ang mga judges ng laban ay walang iba kundi ang mga superiors niyo. Sila-sila ang mga representatives ng mga schools niyo nung School Year 2009-2010. Ang tanging rule lang naman ng larong ito ay lumaban ng hindi nakakapatay. " saad naman ni Superior #2
" Atin nang umpisahan ang unang laban. Maari ko bang tawagin ang creative head para sa dalawang school at sindihan ang torch na nakalagay sa tapat ng fence ng Meelee Field. "
Sinundan ng camera man ang pagtakbo ng dalawang heads. Malawak pa naman ang Meelee Field. Kaya panigurado, uuwi na lang ang 2 iyon at panunuorin na lang ang laban sa TV.
Mula dito sa malayo, natanaw namin ang malaking usok, pero hindi ito kulay itim. Yung isang usok kulay Gold samantala yung isa kulay red.
" Malapit na mag-umpisa K-na. " naramadaman kong dumapo ang kamay ni Mon sa balikat ko.
" Pumuwesto na tayo. "
Nagsialisan naman ang mga taong nasa gitna at umalis sa Meelee Field. Panunuorin na lang nila siguro ang laban sa TV. Samantala ang mga camera man naman ay nag set ng mga hidden camera sa puno para makita ng maigi ang laban. I momonitor na lang nila iyon sa labas kung may kailangang i-emphasize sa laban. Yung mga superiors naman ay sumunod sa mga camera man para mapanuod ang laban.
For short, ang dalawang grupo na lang ang natitira dito. Hmmm.... ito na ang hinihintay ko.
Kyu mode!
" Boss nawala ang mga kalaban! "
Arghhh~ ito ang yaw ko, bigla bigla na lang sila nawawala!
" By two's! " sigaw ko. Agad ko namang hinatak ang isa kong kasamahan na si Jake. Hindi ko pwedeng kunin si Mon dahil parehas kaming malakas. Kailangan niyang pumili ng mahina para hindi kami maubusan agad ng tauhan.
Naghiwahiwalay kami at mukha kaming tanga habang lumalakad. Ginagaya namain ang Hitler's march dahil sa takot na biglang may sumabog sa harap namin. S.E ang kalaban hindi sila basta basta.
Maya-maya ay nagulat kami ng may nag stop sa harap nila Mon. Isa itong malaking robot na kabayo na nagsasalita.
" Good-luck-sa-in-yo- "
