Dismissal
Nakakabagot naman sa school na 'to! Wala na nga akong kakilala, nakaka-op pa! At higit sa lahat, hot issue ang pagdating ko dito. Kanina pa kaya ako nakakarinig ng bulungan. Buti pa si Ara, kung ayaw niya sa akin talagang sinasabi niya, hindi niya tinatago! Dapat ganun!
Pinalagpas ko na kung anuman yung ginawa niya sa akin kaninang umaga. Naiitindihan ko kung bakit siya ganun. Kaya ako naman, iitindihin ko na lang, kaysa naman sa patulan ko pa. Ayoko nga nakaaway!
*sigh*
Jinro...kamusta ka na kaya..? Galit pa rin kaya yun sa akin? Wala na akong natatanggap na text sa kanya ihhh~ T__T.
Papunta ako sa labasan ng campus ng may humila sa akin. Di ko pa siya natitingnan, kinaldkada na niya agad ako.
At pag sinabi kong kaladkad.. TALAGANG KALADKAD!
" A--ou~~ HOY ANO BA! BASTOS KA AH! KUNG MAKAKALADKAD KALA MO KALABAW YUNG HILA HILA MO! SINO KA BA?! "
At ang g*go hindi man lang sumagot! Kinaldkad pa niya ako hanggang sa makapunta kami sa isang classroom na walang tao, hinagis niya ako paloob kaya naman sumubsob ako sa isang upuan tapos yung upuang yun nawalang ng balance kaya---
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~ "
Whoo~ buti na lang may humawak sa bewang ko, kundi... goodbye earth na ako!! Pero kahit na niligtas ako ng lalakeng 'to, hindi ko pa rin malilimutan na siya rin ang dahilan ng pagkasubsob ko! Kaya nilingon ko siya at..
*PAK* isang malusog na suntok ang binigay ko sa kanya, kaya lang NAKIWAS SIYAAAAA!!! BAKIT BA ANG HILIG UMIWAS NI NIGHT?! ILAG LANG NG ILAG EE!!
" PAG AKO NAGKABLACK EYE PAPUNTA SA DESPEDIDA, IKAW ANG MAGKAKAROON NG DESPEDIDA PARTY! "
At may gana pa siyang sisihin ako! Ugok na 'to!!
" Ikaw kasi, sino bang may ganang, kumaldkad sa akin! Di ka man lang naawa sa braso ko. Parang tatanggalan mo ako ng braso e! "
" OH! " tapos may hinagis siya sa akin na damit.
" Aanhin ko 'to?! "
" Kakainin mo mamamaya sa despedida party. " Ah.. ganun ba??
" Magbibihis pa ako?! "
" Alangan namang mag-uniform ka dun..?! Pagtatawanan ka lang! "
" E ikaw, tatwa ka rin..? "
" Hindi. Ano naman ang nakakatawa dun?! "
" Oh tamo! So ibig sabihin, hindi lahat tatawa kaya ok lang. Hindi na ako magpapalit, hindi naman kailangan! "
" Hindi ako tatawa..pero matutuwa ako... "
Y-yung mata niya... n-naging..sincere?!
" BILISAN MO NA NGA! YAN NANAMAN YANG TITIG MONG MANYAK! "
" Ah! Sinong manyak?! Kung uutusan mo ako mabihis wag naman sana sa classroom noh!"
"Tss~ bilis! Pag ikaw hindi pa lumabas sa campus, pupuntahan kita mismo sa cubicle! "
O_O TAKBOOOOOO~
===============================
Mina's POV
" What the Ara?! "
"What?! "
We're getting ourselves done here sa washroom. And EEEW~ Look at our Ara. She's wearing a floral dress, e PARTY ang pupuntahan namin, not CHURCH! She looks like a naive lady! Don't tell me...