#26

98 2 0
                                    

A/N: Hi! Thanks for putting my story to your roster =)) 

Sorry, super drama na nang story na ito. Well, this story is inspired by the aspects of life. Though, the characters are fictitious. Sana nagegets niyo pa yung flow ng story. Medjo nakakachallenge gumawa ng heavy drama. 

Thank you ulit sa pagsupport :* 

========================================

" Pwede bang ibigay mo ito kay Night, hija? "

" Po? "

" Invitation yan para sa 1st birthday ng kapatid niya. "

O___O MAY KAPATID SI NIGHT?!

" P-po? Kapatid? As in siblings? " malay naman kasi natin, kinakapatid lang.

" Hmm. Ayoko naman talagang pilitin siyang pasamahin dito, kaso, yung dad niya ang nagtatampo. " sabi niya habang nakayuko at nag-popout pa siya. Ang cute naman ng girl na ito. Kaso, iba talaga ang aura niya.

" Kaano-ano po ba kayo ni Night? "

Hindi siya sumagot pero ngumiti siya at tumingin sa mga mata ko.

" Sorry hija, pero it's none of your business. " malumanay niyang pagkasabi. Sarcastic ba siya o ano?

" Ah.. Sorry po. "

" No, it's ok hija. Sorry, kung rude ang statement na yun. But I meant it. "

" S-sige po, ibibigay ko po ito kay Night. "

" Please lang papuntahin mo siya dun. Kasi pag hindi… may magagawang masama sa kanya ang mommy niya sa kanya at… sa kaibigan niya. " sabay tingin sa mga mata ko.

Ilang seconds lang yun. Pero… pakiramdam ko, milliseconds lang titigan na iyon. Di ko siya kayang titigan sa mata. Masyado siyang nakakatakot. Gaya ng sabi ko kanina, nababalutan siya ng darkness.

" P-po? "  AHYY!!~ Ano ba naman yan?! See?! Sabi ko sa inyo, nakakatakot talaga siya!

" Lagot yun sa mommy niya. Malakas pa namang pumalo yun sa pwet. Tapos, idadamay pa niya yung kaibigan niya! HAHAHAHA~ Isip bata kasi yung mama niya e! HAHAHAHA "

" Ahh… H-HAHAHAH-HAHAHAHA . n-nakakatawa nga po sila. "

" Hmm. Diba? Sige hija, enjoy the rest of your day. See ya. " at umalis na siya.

*sigh* nakakatakot talaga siya.

Hmm… Invitation, para sa 1st b-day ng kapatid ni Night. Bakit wala naman siyang nababanggit na kapatid niya? Ni wala ngang pictures sa bahay e. At bakit bigla nanaman akong na-curious?

Teka, bago 'to ah. Nakikipagkaibigan ako sa taong di ko naman pala kilala nang lubusan. Pero, di bale na, wala naman talaga akong planong kaibiganin si Night, ipapatikim ko sa kanya kung paano ako nasaktan nung malaman kong trinaydor niya ako at ang mga alaga ko.

==================================

" Oh, ano kamusta na si Bow? Di ba sabi ko sayo mukha siyang adik!  HAHAHA! "

Binato ko siya ng mangga.

" Ny*mas! ANO BA YAN KYUNA?! KINAKAIN ANG MANGGA HINDI BINABATO! "

Hindi ko na lang siya sinagot. Pumunta ako sa kwarto at umupo sa kama. Nakatingin ako ngayon sa salamin.

Luhang bumabagsak…

Mapulang ilong…

Magulong pag-iisip…

Naiinis ako! Hindi naman ganito kalala ang problema ko dati! Inosente pa kasi ako nun. Go with the flow lang. Kung mahirap edi mahirap kung madali edi madali. Carefree. Pero ngayon, kung mahirap kailangan padaliin, kung madali naman pinapahirapan.

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon