" Ok ka lang ba Kyuna? Kanina ka pa tulala. " sabi sa akin ni Rain.
Buong byahe ko to pinag-isipan ang mga pangyayari kahapon. Ano ang nangyayari wala akong maitindihan. Di kaya, may mga gangster sa ibang subdivision ang may gustong kalabanin si Night?
" Kyuna~ Yohoo~ "
At bakit sinasabi sa akin ni Mother na nanganganib ang buhay niya? May kakilala ba siya na pwedeng pumatay kay Night? May sakit ba si Night?
*HAAAAAAAATSIIIIIING~
" ANO BA! RAIN RAIN GO AWAY! "
" Ano ba kasing iniisip mo diyan? Kanina pa ako kumakaway-kaway sa mukha mo. Sinamapal na nga kita no effect pa rin! Kaya nilapit ko na lang tong paminta sa ilong mo. Ano bang nangyayare sayo? "
" *sigh* Rain… nahihirapan na ako… "
Tumingin ako sa mga mata niya, at siya naman, gulat na gulat.
" Hindi ko alam kung anong gagawin ko. " sabi ko.
" Tu-tungkol ba to sa… "
Di kaya, may alam siya, kaya siya gulat na gulat?! NAKU! SALMAT NAMAN!!!
" Oo tung-- "
" Sorry Kyuna. Sana dati pa lang pinagtapat mo na sa aking may gusto ka. Edi sana, nagawan ko na agad ng paraan. Handa naman akong itanan ka at ilalayo kita sa bahay na yun. At maninirahan tayong dalawa.. Tayong dalawa lang. "
GRRRRRRRRR >____________< Ano bang pinagsasabi mo?! Puro kapilyuhan talaga ang nasa isip ng lalaking to!
" RAIN! HINDI KASI YUN! ANO KA BA!!? "
" Ha---i-ito naman, di ma-joke! Hahaha. Ano ba yun a-te? "
" Binabagabag lang ako dahil nag-woworry talaga ako sa friend ko. "
" Bakit ka naman nag-woworry? "
" Nangangnib daw ang buhay niya. "
" Kyuna…. "
Tumingin ako sa kanya. Siya naman, tumingin siya sa labas.
Nakakapagtaka kung paano kami nakita. Well, kararating lang kasi namin mula sa byahe. Kinuha ko muna lahat ng gamit ko sa bahay ko dati at nagpasundo kay Rain. Sabi niya, dun daw muna ako titira sa condo niya. Tinanong ko kung bakit hindi sa bahay nila. Andun pa kasi si mama. Siguro iniisip nila na baka, himatayin si mama pag nakita ako and worse baka makunana pa siya pag makita ako.
" Huwag mo munang alalahanin ang buhay ng ibang tao. "
" Ha? "
" Nagseselos kasi ako. "
" HA?! Bwis*t! Seryoso ako dito e! "
" HAHAHA, tara ice cream muna tayo a-te *wink* " at bigl niya ako hinugot palabas ng resto.
=========================
Pagkatapos naming bumili ng Dirty ice cream, naupo kami ni Rain sa isang bench.
Di ko maiwasang tingnan siya dahil sa kalumgkutang nakikita ko sa mga mata niya. Di man niya sabihin sa akin, pero ramdam kong may problema ito.
" Rain, tingnan mo ko. "
Tumingin naman siya sa akin at ako naman…
*sigh*
Nakakahiya man pero gumagawa ako dito ng kataranta*uhan. For short, nagmamake face ako.
" HAHAHAHA! Anong ginagawa mo?! Para kang distorted alam mo ba yun!? "
" Distorted?! ABA!!! Loko to ah! "
