#31BAM

66 2 0
                                    

A/N: Hi =) I would like to dedicate this to you =) Hindi koo inaasahan yung votes mo =)) Suuuuper thank you =) Thank you rin po for adding this to your roster =)

Here's an update. Enjoy!

========================

3rd Person's POV

Muling tiningnan ni Night ang invitation na galing sa kanyang mabutihing ina. Oo, ang taong gustong subukin ang kanyang pagkatao ay walang iba kundi si Lyanna. Ang epal niyang step mom. At kung mamalasin nga naman, nagkasabay pa ito sa araw ng BAM - ang isa sa mga pinakapinahahalagang bagay ni Night sa buong buhay niya. Ito ang tumulong sa kanya para maging proud sa sarili niya. Ito ang nagpapataas ng kanyang self-confidence.

Pero hindi rin naman niya kakayanin na makitang nakahilatay ang malamig na bangkay ng kanyang ama, lalong-lalo na ni Kyuna. Hindi niya alam kung bakit pati si Kyuna ay pinupunterya ni Lyanna. Basta ang alam lang niya may mangyayaring masama kung sakaling hindi siya pumunta sa party at kung wala siya sa tabi ng kanyang grupo para lumaban.

Sa huli, ano ba ang pipiliin niyang puntahan?

===============================

Samantala, sa bahay naman nila Lyanna, ay dinaraos ang paghahanada para sa kaniyang baby. Excited na siya sa magaganap dahil kasabay nito ang pag-aanounce ng tatay ni Night ng kanyang pagiging vice president o right hand nito. Sana lang talaga pumunta si Night dahil kung hindi.. gagawin niya ang plan b.

Pinagmamasdan ng tatay ni Night ang kanyang magiging asawa. Gustong-gusto na niya itong pakasalan at gawing kanang kamay sa negosyo, kaso may mabigat siyang nararamdaman sa gagawin niyang iyon. Kaya naman, agad siyang nagdasal sa Diyos at humingi ng sign. Sa pagkakataong ito, alam niyang tutulungan siya ng Diyos kahit gaano pa siya makasalanan.

=====================

Als-onse na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Night. Bukod kasi sa party ay meron pa siyang isang iniisip. 

Flashback

Unang laban nun ng BAM. Hinahanap niya si Kyuna para sabihan ng good luck ang kanilang eskwela. Sa pagkakaalam kasi niya, isa siya sa mga tauhan ni Kyu. Bilang kaibigan, may karapatan naman siguro siyang batiin si Kyuna. Hindi naman siguro magagalit si Kyu, basta wag lang siya magpahuli dahil baka magakaroon ng side quarrel ang BAM.

Palakad na sana siya sa gawi nila Kyuna kaso may naramdaman siyang kakaiba sa ibabang parte niya. Grr~ tinatawag siya ni inang kalikasan. Kaya naman, tinungo niya ng mabilis ang Cr.

Habang ginagawa niya ang mga dapat gawin ay may narinig siyang mga boses.

" Mon, siguraduhin mong walang nakasunod sa akin. "

" Yes maam. "

TAmang-tama at tapos na siyang umihi at sakto namang narinig niya ang boses ni Kyuna. Aba, sa haba-haba ng pinagsamahan nilang dalawa, alam na niya ang boses at galaw ni Kyuna kahit tulog pa siya o nakatiwarik.

Lumabas siya ng Cr at nagtago sa mga bushes. May balak kasi siyang gulatin si Kyuna saka i-gu-good luck. Kaso laking gulat niya ng ibang tao ang nakita niya...

Si Kyu.

end of flashback

===============

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Nagulat siya, nainis at naging mukhan tanga. Sa dami dami ba naman ng taong pwedeng maglihim sa kanya bakit ang kaibigan pa niya? Natrauma na siya sa mga taong nagsisinungaling, simula nung gawin ito ni Ara sa kanya dati. Ayaw rin niya sa mga taong magaling mangtraydor gaya na lamang ng tatay niya. At ngayon naman pakiramdam niya nangyari ito ulit. Nagsinungaling at trinaydor siya ng kanyang sariling kaibigan. Ang taong gusto pa naman niyang protektahan laban sa mga masasama. Walang iba kundi si Kyuna.

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon