A/N: OMG!! Nagulat ako 1K na ang Gang 101! Naninibago lang ako kasi parang ang bilis, di gaya dati =))) Thank you sa lahat ng readers ( mga gangies =)) )xd
Dedicated sayo. Thank you for putting this story sa RL mo =)) God bless!
Anyways, here we go~ Thank you po ulit!! =)))
===============================
Plano..? Ano nga bang plano ko sa manlolokong 'to? Tsaka, tama bang idamay ko pa si Ara sa nakakalokong plano ko? *sigh* ito ang mahirap sa pagplaplano ng masama… kailangan may madamay.
Pero hindi naman brutal tong plano ko diba? Nilalandi ko lang naman si Night para maging kaibigan siya at pagkatapos nun aaminin ko sa BAM (Battle At Meelee) na ako ( ang kaibigan niya) at si Kyu (ang kaaway niya) ay iisa. Sigurado ako nun, mararamdaman niya ang nararamdaman ko ngayon.
Tumigil ako sa pakikipagconversation sa sarili ko ng biglang tawagin ni Night si Ara na ngayon ay nasa harapan namin.
" Tell the boys to eat healthy at wag silang gagawa ng kalokohan. For the next 2 weeks. " sabi ni Night kay Ara habang nakatingin sa phone niya. Siguro natanggap na rin niya ang tungkol sa BAM.
Ano nga ba ang BAM o Battle At Meelee.
Ang mga normal schools ay may intramural o intrams, sa school naman ng mga gangsters ay may tinatawag kaming BAM. Isa itong annual competition, kung saan lahat ng mga boss at kanilang mga alaga sa school ay naglalaban-laban sa isa't-isa.
Sa paanong paraan naglalaban..?
In a GANGSTER way..
Mayroong 5 schools sa GANG 101.
1.) Knight Academy- yan ang school nila Night. For consecutive 2 years sa kanila napunta ang titulong King of all Kings- mapupunta sa school niyo yan kapag nanalo ang representatives sa BAM. Ang maganda pa nito, lahat ng eskwelahan ay matatakot galawin o i-bully ang mga students sa school nyo.
Naalala niyo pa ba yung nangyari kay Justin, yung foreigner dati (A/N: yung nasa chapter #0 =)) , hindi niya kasi alam ang tungkol dito dahil baguhan lamang siya at nakalimutan kong sabihin yun sa kanya, buti na lang may bungo pa siya ngayon. Kaya nga diba sobra sobra ang konsensya ko dahil sa nangyari.
2.) Avila Academy- SCHOOL KO YAN! ^___^ Kami ang pumapangalawa. Pero dati kami ang nangunguna. Simula nung dumating si Night sa Knight Acad, di na kami tuluyang nakabalik sa dati naming pwesto.
Oo, mas nauna akong naging gangster kaysa kay Night! Kaya naman ngayon, sisiguraduhin kong kami ang magiging King of all kings. Para ito sa mga students na nasktan ng mga taga Knight Academy.
3.) Princestone Academy- ito ang school ng triplets ( Cole, Rain at Bow). Mga mayayaman lang talaga ang pumapasok dito. Dito mo makikilala ang mga sosyal na magagaling makipaglaban.
Kaso one thing's for sure… pagdating ng High school, mapapansin niyo na bumababa ang bilang ng mga babae. Kaya pagdating ng graduation halos puro mga lalake lang ang makikita mo. Wanna know why? Oh well, nabubuntis lang naman sila ng maaga.
4.) S.E - kilala rin sa tawag na School of elite, pero SE na lang, masyadong mahaba yung orig e =) Pang-apat lang sila pero hey, don't underestimate them. In my opinion sa lahat ng schools ito ang pinakamahirap kalabanin. Yung Knight Acad kasi, magagaling silang umiwas, yung Princestone naman, magagaling lumaban pero itong SE….. Magaling sila magstrategize. Trips and tricks..? Yan ang forte nila. Hindi ka nila susuntukin o lalabanan titingnan ka lang nila, kasi hinihintay nilang mahulog ka sa patibong nila.
Naalala ko tuloy…
Flashback (BAM EVENT)
Hindi nanaman sila gumagalaw. Nagtipon-tipon lang sila sa isang tabi. Nag-nod ako sa mga kasama ko, sinyales na magkalat-kalat sila at mag-ingat. Alam naman nila kung sino ang kalaban namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/8464923-288-k403343.jpg)